Anda di halaman 1dari 2

Mirando, Mark B.

/ BA Theatre Arts / 2013-00862 / Art Stud 104 – Performance Studies

Sita & Rama: Papet Ramayana hango sa kulturang Maranao

2. 18. 2017.
Isa sa mga natatanging organisasyon na lumilikha’t nagtatanghal ng kulturang papet ay ang
Teatrong Mulat ng Pilipinas. Tinatag ang Mulat noong taong 1977 noong unang paanyayahan ng
Department of Speech Communication and Theatre Arts ang tagapagtaguyod nitong si Propesor
Amelia Lapena-Bonifacio na magtanghal ng pilipinong bersyon ng Cinderella na naging Abadeja:
Ang Ating Sinderela gamit ang mga papet. Ngayon pinagdiriwang ng Teatrong Mulat ang kanilang
ika-40 taon nitong pagkakatatag.

Ang “Ramayana” ay isang epiko mula sa India na isinulat ng pantas na si Valmiki. Malaki ang
naging impluwensiya nito maging sa Timog Silangang Asya kung kaya’t may kani-kanyang bersyon
ng Ramayana sa iba’t ibang bansa tulad ng “Ramakien” sa Thailand, “Hikayat Seri Rama” sa
Malaysia, “Reamker” sa Cambodia at “Maharadia Lawana” sa Pilipinas. Si Dr. Juan Francisco1, isang
dalubhasa sa araling Timog Asya, ang sinasabing nakadiskubre ng bersiyong Maranao ng Ramayana.

Nagsimula ang palabas sa panimulang salita ni Prop. Amelia Lapena-Bonifacio, ang sumulat
ng Sita at Rama ng Mulat. Dito inilahad niya ang kanyang karanasan sa pagsasaangkop ng Ramayana
sa wika at kulturang Pilipino. Makulay ang panimula ng Sita at Rama. Gumamit ang produksyon ng
prodyeksyong anino na ginatungan ng mga papet na binibigyang buhay ng mga papetir na mayroong
takip sa kanilang mga mukha. Malakas ang unang imahe na ipinakita ng Teatrong Mulat sa palabas.
Isang mananalaysay ang naglahad ng payak na kasaysayan ng pinagmulan ni Rama. Subalit
kabaligtaran naman ang kinahinatnan ng mga sumunod pang mga eksena sa palabas. Napako ang
mga artista sa pormula na ginamit ng direktor ng palabas na si Dekano Ramolete. Walang habas na
naglabas masok lamang ang mga papetir sa magkabilang – tanging - labasang nilikha ni Prop.
Ramolete. Nawalan ng dinamiko ang kanilang mga pagpasok at ang mga sumunod pang mga
eksena’y nadiktahan na ng marahas na pormulang ito.

Malayo ang aking napanuod sa kalidad ng palabas na nakita kong papet show sa Indonesia.
Sa palabas na yaon nakita ko kung gaano puwedeng maging dinamiko ang paggamit ng papet at ng
espasyo. Iglap lang at binura nila ang coffee shop - na di nila ginalaw - at mapagkumbaba nila itong
hinulma bilang kanilang tanghalan. Marahil hindi kagandahan na ikumpara ko ang dalawang
Mirando, Mark B. / BA Theatre Arts / 2013-00862 / Art Stud 104 – Performance Studies

kumpanyang ito subalit hindi ko ito maiwasan sapagkat tumimo na ang karanasang nalilok sa aking
utak ng pagtatanghal na napanuod ko sa Indonesia. Imbes na ilugmok pabulusok ang teatrong mulat
ay tatawagin ko na lamang ang kanilang pansin upang tugunan ang aking mga hiling – ang itaas ang
estado ng kulturang papet sa Pilipinas. Wasakin ang pormula, hanapin ang bagong daan. Sana’y sila
ang maging tagapagtaguyod ng kulturang papet sa ating bansang hinuhugot na pababa ng kumunoy
ng mga kanluraning palabas.

NOTES:
1
Mula sa Mensahe ni Prop. Amihan Bonifacio-Ramolete sa programa ng Sita at Rama.

Anda mungkin juga menyukai