Anda di halaman 1dari 2

“ANG AKING TAGAPAGLIGTAS”

Luke 1:47
Intro: “AKING TAGAPGALIGTAS”. Mayroong dalawang tao sa Biblia na nagsabi ng direkta na ang Dios ang “AKING
TAGAPAGLIGTAS. Isa sa Lumang Tipan, Isa sa Bagong Tipan….. Si David sa Lumang Tipan, Si Maria sa Bagong Tipan

Luk 1:46 At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,


Luk 1:47 At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.

SINO ANG NAGSASALITA SA TALATA


Si MARIA. Sinong Maria ito? Ang Maria na ito ay ang pinili ng Dios na babae upang magdalang-tao sa
Panginoong Hesus. SIya ay isang ordinaryong tao sa Israel. Hindi siya kilala. Hindi sya popular. Hindi siya mayaman.
Mahirap lamang na pamilya ang pinanggalingan na namumuhay ng tahimik. Hanggang isang araw ay inutusan ng Dios si
anghel Gabriel upang puntahan siya upang ipaalam ang kalooban ng Dios. Na siya ang pinili ng Dios upang siyang
madalang tao sa Panginoong Hesus. Luke 1: 26 – 45

I. ANO ANG IBIG SABIHIN NI MARIA SA “SALITANG TAGAPAGLIGTAS”


Larawan ng “TAGAPAGLIGTAS” sa BIBLIA
A. Arko ni Noe Gen 7:23 At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang
hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: at ang natira lamang, ay si Noe at
ang mga kasama niya sa sasakyan.
B. Ahas na Tanso ni Moises Num 21:6 At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan,
at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay.
Num 21:7 At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa
Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises
ang bayan.
Num 21:8 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at
mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.
Num 21:9 At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng
ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,
C. Manggagamot ng Maysakit Mar 2:17 At nang ito'y marinig ni Jesus, ay sinabi niya sa kanila, Hindi
nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit, kundi ang mga maysakit: hindi ako naparito upang tumawag
ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.
D. May-ari ng tupa Mat 12:11 At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung
mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin?

II. BAKIT SINABI NI MARIA NA ANG DIOS ANG “AKING TAGAPAGLIGTAS”


A. Sapagakat kinikilala niya na siya ay tao lamang.
B. Sapagkat inaamin nya na siya ay mapapahamak din
KAtulad din siya ng mga tao noon sa panagon ni Noe na kailangan ang arko upang huwag mamatay
Katulad din siya ng mga tao noon sa panahon ni Moises na mamamatay dahil sa kamandag ng ahas
Katulad din siya ng isang maysakit na nangangailangan ng manggamot
Katulad din siya ng isnag tupa na mahuhulog sa hukay na nangangailangan ng magliligtas
C. Sapagkat kinikilala niya na mayroong impierno
Luke 16: 19 – 31
D. Sapagkat kinikilala niya na hindi niya kayang iligtas ang kanyang sarili
Katulad siya ng mga tao sa panahon ni Noe
Katulad siya ng mga taong nakagat ng ahas
Katulad siya ng isang taong may-sakit
Katulad siya ng isang tupang mahuhulog
E. Sapagkat kinikilala nya na ang Dios lang ang may kapangyarihang magligtas
III. SINO ANG TAGAPAGLIGTAS NI MARIA AYON SA KANYA
Luk 1:47 At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas. ANG DIOS
Ang DIOS na ito ay nagkatawang tao upang tayo ay iligtas. Siya ang Panginoong Hesus.
Tit 2:13 Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at
Tagapagligtas na si Jesucristo;
2Pe 1:1 Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang
pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:

IV. ILAN ANG TAGAPAGLIGTAS NI MARIA AYON SA KANYA


Luk 1:47 At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.
IISA ANG TAGAPAGLIGTAS
Katulad noon… IISA ANG ARKO…. IISA ANG TIKIN NA AHAS….

V. ILUSTRASYON UPANG LALONG MAUNAWAAN ANG SINABI NI MARIA “DIOS NA AKING TAGAPAGLIGTAS”
Zonrox, Betadine,

Anda mungkin juga menyukai