Anda di halaman 1dari 1

Pangalan: Anna Marie T.

Arteta
Seksyon: Grade 11- St. Martin de Porres

“Singhap ng Pangarap”

Ang dokumentaryong aming napanood na “Singhap ng Pangarap” ay istorya ng mga


batang badjao na ginagawang hanap buhay ang pag-langoy. Isang tribo ng badjao ang
nakatira sa tabing dagat at ginagawa nila itong hanap buhay at mapag-kukuhanan ng
pagkain. Dahil na din dito, naturingang isa sa mga magagaling na lumangoy ang mga
badjao dahil nga sa ito’y kanilang hanap buhay.Sa dokumentaryong ito, pinapakita ang
buhay ng mga badjao. Pinakita rin dito kung gaano kahirap ang kanilang sinasapit
araw-araw para lang makakain at mag ensayo sa pag langoy. Mapapakita dito ang
kaibahan ng normal na bata kumpara sakanila. Ang mga batang badjao na ito ay nag
eensayo ng pag-langoy at nag ta-trabaho para sa kanilang pamilya na dapat ay nag-
lalaro katulad ng ibang mga bata. At isa pa, kapag ang mga batang badjao ay nag
eensayo sap ag-langoy, sinusulit nila ang mga pagkain dahil minsan lamang sila
makakain ng maayos kaya naman laking tuwa nila ng kinuha sila ng Cebu City Sports
Complex. Nakaka lungkot isipin na sa batang edad pa lang ay kinakailangan na silang
mag trabaho para mabuhay at mag suporta sa pamilya. Ang layunin ng
dokumentaryong ito ay upang baguhin ang isip ng mga tao tungkol sa badjao dahil
karamihan sa atin ay minamaliit lamang sila dahil sa kanilang anyo at pamumuhay.
Dapat ay matuto tayo na respetuhin ang iba dahil hindi natin alam kung ano ang
kanilang mga pinag-daanan para lamang makakain. Sadyang napaka-hanga ng mga
badjao dahil sa kanilang maparaan na pamumuhay. Kaya naman tayong mga tao, ay
wag agad agad mang husga dahil lang sa anyo. Ang mga ito katulad ng mga badjao ay
isang halimbawa ng mga taong mahihirap na lumalaban sa hirap ng buhay. Ngunit sa
kabila nito, sila ay dapat gawing inspirasyon dahil sa kanilang sipag at tiyaga.