Anda di halaman 1dari 5

Sa kauna-unahang pagkakataon ay dito ko na naranasan ang hirap at pagod sa

asignaturang Filipino, dahil noon ay hindi naman ito gaano kahirap. Dahil ngayon ay

hindi lamang puro pagbabasa dapat inuunawa ito, at hindi lamang inuunawa dapat

isinasabuhay din ito.

Marami akong karanasan dito sa asignaturang Filipino at isa sa ito ay kung paano

maging mabait sa klase dahil ito ang importante para makapag pokus ka sa klase at para

na rin hindi na magalitan ng aming guro. Medyo mahirap talaga itong asignaturang ito

dahil sa mga gawain na napakarame, pero dahil kami ay matatag ay nakayanan naming

ang mga ito sa tulong ng diyos at n gaming sarili. Nakaranas kami ng pagod at hirap sa

mga gawain naming at mga kailangang ipasa sa petsang dapat ipasa. Pero sa mga leksyon

naming ay nabawian kami ng buhay dahil sa aming guro na si Bb. Rose Magbanua na

magaling magtuto at mayroon ka talagakng makukuhang aral sa kaniya dahil sa kanyang

istilo ng pagtuturo. Una naming tinalakay an gang pag-gawa ng abstrak, mahirap itong

gawin pero pag natapos mo ay talagang mawawala lahat ng pagod mo dahil sa nabayaran

ang pagod mo at naipasa mo sa guro mo. Natutuhan ko rin ang istilo sa paglalagom,

kailangan ito para masulat mo ulit at masalaysay mo ulit ang iyong akda sa maikling

paraan na ginagamitan ng sariling salita. Naranasan rin naming nag mag pulong para sa

pagplano ng mga proyekto sa isang barangay o kung ano pa, kailngan maging matulungin

dito at kailangan ang iyong opinion para sa pagpulong at pagsasagawa nito. Naranasan ko

rin gumawa ng panukalang proyekto dahil kinakailangan ito sa asginaturang ito. At dahil

individual ito ay medyo nahirapan ako dail sa pagkatagal-tagal ng proseso sa paggawa

nito. Pero kinaya ko at naging malakas para matapos ang lahat ng ito.At marami pa

kaming natutuhan pero hindi ko na kailangang isa-isahin dahil baka matagalan, basta ang
importante ay ang iyong mga nalaman sa mga tinuturo ng iyong guro para hindi

masayang ang kaniyang lakas at effort sa pagtuturo.

Sa Unang markahan ay ayos pa naman lahat, dahil sa aming magandang guro

na si Bb. Rose T. Magbanua na napakabait na talagang maunawa saamin. Sa markahang

ito, hindi ko maikakaila ang takot na nangibabaw sa akin noong mga unang bahagi ng

taon.Ito'y dahil sa katotohanang ang aming guro ay masungit ang hitsura at medyo

seryoso. Pinaghalong kaba at takot sa una ngunit ng lumaon,nasanay na kami sa aming

guro. Nakakatuwa lang isipin na nakasundo ang aming guro dahil siya'y nakasunod din sa

uso. Hindi siya yung tipo ng guro na palaging seryoso kasi may mga pagkakataon na

nakikisabay din siya sa kasiyahan ng klase. Pero ang nakakatuwa,habang nagtuturo siya,

hindi mo nalalamang marami ka nang natutunan. Kasabay ng pagkatuto ang kasiyahan na

nadarama ng bawat isa sa klase. At makikita mo sa kanyang hitsura na kung gaano kabuti

ang kanyang puso na kayang gawin ang lahat para amin. At dahil sa kanyang abilidad sa

pagtuturo at kanyang pag didisiplina ay madali lang kaming natuto pero dahil bago pa lng

kame medyo "na-culture shock" kami sa mga bigla-biglang gawain at minsan ay hindi

namin naipapasa ng nakatakda sa petsang ibinigay niya sa amin. Mabuti naman ang

pakikipag-kilala ko sa mga klasmeyt ko at wala naman akong nakikitang masama sa

kanilang mga hitsura. Yung iba kong mga klasmeyt ay naging klasmeyt ko na dati at

talagang kilalang-kilala ko na sila, per yung iba ngayon ko lnag nakilala at dahil hindi pa

kami magkaka-kilala ay ako na ang nagpa-kilala. Mabuti naman ang aming pag-uumpisa

sa asignaturang Pilipino at meron din kaming pagkaka-isa sa isat-isat. At kahit na medyo

nahihirapan pa kami kasi bago pa lang kami, nag tulong-tulongan lang kami para lahat

makapasa at wala ni isang maiiwan. Pero bumabawi naman kami kahit medyo nag-
aadjust pa lang kami sa asignaturang ito dahil kailangan talagang gawin ang makakaya

para na rin sa iyong ikakabuti at makakuha ng pasadong marka. Kaya naging leksyon ito

para sa amin na maging masipag at handa sa mga ibinibigay sa amin na mga asignatura sa

susunod na markahan. At mayroon na rin kaming ideya sa mga istilo ng pagtuturo ng

aming magandang Bb. Rose Magbanua na dapat maging responsible sa lahat ng gawain

dahil para na rin sa iyong ikabubuti at mg-pasa ng gawain sa tamang oras para walang

bawas ang iyong magiging marka.

Sa ikalawang marka ay mas nagustuhan ko na ang mga topiko dahil nagiging

interisado na ito. Bawat araw ay nagiging kapanapanabik, bawat talakayan ay buhay at

masigasig dahil sa mga taong aking nakasasalamuha sa asignaturang ito. Bagamat

maraming ipinagagawa, ay nagiging kasiya-siya naman dahil sa mas napatitibay nito ang

relasyon naming magkakaklase, nagkakaroon ng bonding sabi nga nila. Bawat gawaing

pang-grupo ay naidaragdag namin sa aming mga karanasan na syang nagpapasaya sa

aming buhay-estudyante. Marami-rami rin kaming ginawa ngayong ikalawang marka.

Kagaya ng paggawa ng lakbay sanaysay, ang napili naming lakbayin ng aking mg aka

grupo ay ang Robinsons, naglakbay kami ditong lahat ng sama sama at bawat pinuntahan

naming ay kinunan naming ng litrato para sa gagawi naming lakbay sanaysay. Habang

naglalakbay kami ay dapat ang isip naming ay hindi turista sapagkat ay dapat isip

manlalakbay dahil ito ang nararapat para makakuha ng impormasyon at maunawan ang

mga pinuntahang lugar. Pagkatapos naming maglakbay ay umuwi na agad kami at inedit

ko ang mga litrato na aming nakuha sa aming paglalakbay. Gumawa rin ako ng essay

para sa mga nangyari sa-amin sa loob n gaming paglalakbay at para malaman n gaming

guro ang aming mga saloobin habang kami ay naglalakbay. Pagka-umaga ay agad-agad
na naming pinasa ito sa aming guro para na rin wala kaming gagawin pagka-hapon at

para wala ng bawas ang puntos naming kasi pag na huli ka ng pasa ay malamang na

babawasan ang iyong puntos. Ang saya gumawa ng lakbay sanaysay dahil kayo ay sama-

sama at ang mgakulitan ay hindi mawawala.

Pagkatapos ng lakbay sanaysay ay mayroong rin kaming gagawin na “photo

essay” kailangan din itong gawin dahil ito ay isa sa mga kinakailangang ipasa sa aming

guro. Ang paggawa ng photo essay ay madali lang dahil kailangan mo lang dito ng mga

litrato mo na kung saan ay masaya ka o malungkot ka, kahit ano basta depende sa

nararamdaman mo. Tapos pag may litrato ka na ay kailangan mong lagyan ng “caption”

sa ilalim ng iyong litrato para malaman ng guro kung ano ang iyong nararamdaman dito

sa litratong nilagay mo. Ang ginawa ko lang ay kumuha ako ng litrato ko sa facebook

para mapadali ang gawain ko at nilagyan ko lang ng maikling caption sa ilalim.

Pagkatapos ko naming matapos ang “photo essay” ay agad agad akong nagpunta sa

faculty ni miss para mag-pasa ng aking gawain. At dahil umuulan noon ay medyo

natagalan akong ipasa iyon at kinakabahan kami kasi malapit na ang kinakailangan oras

na ipapasa ang mga gawain noon kaya nilusob na lang naming ang ulan at nagmamadali

kaming makapasa. Pagkadating naman naming ay pinasa na naming ang photo essay

naming at ang aking photoessay ay nabasa ng kaunti kaya kinabahan ako baka nasira ang

gainawa ko, pero sa awa ng diyos ay wala naming nangyaring masama sa ginawa ko kaya

pinasa ko na agad kay Bb. Magbanua.

Pagkatapos naman ng photo essay ay may gawain ulit kami, hindi talaga kami

nauubusan ng gawain pero ginagawa naman naming dahil para din sa aming kinabukasan

ito. Gumawa ulit kami ng talumpati at ikaw na ang bahala sa iyong paksa sa talumpati at
kinakailngang dapat ay dalawang bond paper ang kahabaan ng iyong talumpati. Ginawa

ko ang talumpati ko sa bahay ko lamang dahil pag sa skwelahan ako gumawa ay hindi

ako makapag-pokus dahil sa mga ingay ng katabi ko. Kaya sa bahay na lang ako

gumawa, medyo nahirapan ako sa umpisa pero ng nag sunod-sunod na ay madali na lang

saakin. Pero hindi ko kaagad natapos ito dahil kailangan ay dalawang pahina ang

gagawin. Isa pa lang ang natapos ko dahil medyo mahirap pero natapos ko naman lahat

ng gawain at nakapag-pasa ako pagka-umaga. Pagka-sunod na lingo naman ay kailngan

ito basahin sa harap ng iyong mga kaklase at kailngan maganda ang iyong pagkakabasa at

malinis, kailangan din na mayroon kang maayos na pananamin at ang importante sa lahat

ay kailangan ay kabisado mo lahat. Hindi ko nakabisado yung talumpati ko dahil hindi ko

binasa pero dahil sa aming maawain na guro ay pinayagan kaming mag-basa sa harap

kahit na basahin mo pa ang iyong talumpati. Hindi rin ako nakapag-dala ng aking

desenteng damit dahil nakalimutan ko sa bahay pero dahil sa aking mga magagaling ng

klasmeyt ay ginawa nila ako ng aking maisusuot sa harap at akin naman sinunod ang

kanilang utos.

Anda mungkin juga menyukai