Anda di halaman 1dari 12

Kabanata 1

Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may maipagmamalaki sa larangan ng

musika. Sa dahilang ito, hindi mapagkakailang mahilig ang mga Pilipino na makinig ng

iba’t-ibang uri ng musika hindi lang ang mga matatanda, maging ang mga kabataan. Sa

patuloy na pag-usad ng panahon sa makabagong henerasyon, ang musika ay mas

nagiging kaaliw-aliw, mula sa katutubong uri patungo sa modernong uri ng musika kung

saan nahuhumaling ang mga kabataan lalo na ang mga mag-aaral.

Sa paglipas ng panahon nagbabago o nadadagdagan ang mga musikang

pinapakinggan at kinahihiligan ng mga kabataan. Maging ang mga musikang naglalaman

ng ibang wika mula sa ibang bansa ay napapakinggan na rin sa tulong ng teknolohiya. Isa

sa pinakapatok sa panlasa ng mga kabataan ay ang KPOP o Korean Pop Music.

Ang KPOP ay binubuo ng iba’t-ibang uri ng musika katulad ng hiphop, rock,

R&B, pop at iba pa na nagmula sa Timog Korea. Nakuha ng KPOP ang kamalayan ng

mga kabataan sa buong mundo, nagdulot ito ng interes sa pananamit, kilos at minsan pa

nga’y maging sa pananalita ng mga hinahangaang grupo ng mga Koreano o solong mang-

aawit. Karamihan sa mga nahuhumaling dito ay paulit-ulit na pinapanuod o

pinapakinggan ang mga music videos ng kanilang iniidolo. Ang iba pa nga’y gumagawa
ng fans club para maipakita ang taos pusong pagsuporta sa mga ito. Sa kadahilang ito,

hindi na maipagkakaila ang kasikatan ng nasabing musika sa bansa lalo pa’t karamihan sa

mga iniidolo nila ay kapwa kabataan din. Ilan sa mga mang-aawit at mananayaw na

kinahuhumalingan ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan ay Big Bang, BTS, EXO,

Girls Generation, 2pm, Super Junior at iba pa na talaga naming pinag-uusapan at

sinusubaybayan ng mga kabataan. Hindi rin maipagkakaila na marami ang nagbebenta ng

mga posters ng mga artista sa paligid,maging ang mga produkto galing sa Timog Korea

ay hindi pinalalagpas ng mga kabataan. Hindi lang mukha nila ang nagkalat ngunit

maging ang kanilang mga boses ay pinakikinggan saan mang dako ng bansa. Ang mga

kabataan ay gumagastos ng libo-libo makapanuod lamang ng mga concerts, makabili ng

mga posters at albums ng kanilang iniidolong grupo.

Masyado na ngang malawak ang narating ng KPOP sa ating bansa, hindi lamang

sa larangan ng musika ngunit maging sa larangan ng pagbibigay aliw sa mga tao sa

pamamagitan ng kanilang kakaibang konsepto sa paggawa ng teleserye o palabas. Sa

sobrang kasikatan ng mga ito ay nagkakaroon ng Filipino adaptation ang mga piling

drama na inilalabas sa Filipino channel katulad ng ABS-CBN at GMA Network.

Totoong hindi na maiaalis ang KPOP Syndrome sa Pilipinas dahil tuluyan na nitong

sinakop ang kaisipan ng mga kabataan sa ngayon.

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung bakit ganoon na lamang kainit ang

pagtanggap ng mga kabataan sa KPOP. Layunin din nito na mabatid kung ano ang epekto

ng pagtangkilik nito sa kanilang personalidad.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga kabataan na makontrol ang

kanilang pagkahumaling sa KPOP upang hindi na umabot pa sa hindi magandang dulot

nito.

Ang mga magulang ay makikinabang din sa pananaliksik na ito sapagkat

nabibigyan sila ng impormasyon sa kasalukuyang nauuso sa mga kabataan.

Makakatulong ito sa mga magulang upang disiplinahin ang kanilang mga anak sa

pagkontrol sa pagtangkilik sa KPOP upang hindi ito makasagabal sa pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “EPEKTONG DULOT NG KPOP SA

PERSONALIDAD NG MGA MAG-AARAL NG BALIUAG UNIVERSITY” ay

naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang KPOP?

2. Bakit patuloy na tinatangkilik ng mga mag-aaral ng Baliuag University ang KPOP?

3. Paano nakakaapekto ang pagtangkilik sa KPOP sa personalidad sa mga mag-aaral ng

Baliuag University batay sa sumusunod:

a. Pananamit
b. Pagkilos

c. Pananalita

4. Bakit mas tinatangkilik ng mga kabataan ang musika ng mga Koreano kumpara sa

sariling musika ng bansa?

Batayang Konseptwal

INPUT PROCESS OUTPUT

Epektong Dulot Letter Matukoy ang

ng KPOP sa Epekto ng
Survey
Personalidad ng KPOP sa
Tally
mga mag-aaral ng personalidad ng

Baliuag Conclusion mga mag-aaral

University ng Baliuag
Analyze
University batay

sa pananamit,

pagkilos at

pananalita
Sakop at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga piling mag-aaral ng

Baliuag University mula sa departamento ng mga Inhinyero.

Paradaym

Katuturan ng Talakay

Fans Club – Isang organisadong grupo na nagnanais suportahan ang kanilang mga

iniidolo/artista.

KPOP Syndrome – Labis na pagkahumaling at pagtangkilik sa musika ng mga Koreano.

Filipino Adaptation – Pagpapalabas at pagsasalin sa wikang Filipino ng mga

teleseryeng mula pa sa ibang bansa.

Filipino channel – Istasyon ng telebisyon sa Pilipinas.


Kabanata 2

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Kabanata 3

Pamamaraan ng Pag-aaral

Tatalakayin ng kabanatang ito ang mga pamamaraan na gagamitin sa pananaliksik

ganoon na rin ang mga datos na kakailanganin upang mabigyan ng kasagutan ang mga

suliranin nito. Nakapaloob dito ang pamamaraang gagamitin sa pagsulat ng pananaliksik,

paglalahad ng Lokasyon at tagatugon, Talatanungan na magsisilbing pangunanahing

pagkukunan ng datos, Paraan ng pag-aaral at Pormula.

Pamamaraan ng Pag-aaral

Panglarawang pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral na ito.

Lokasyon

Ang isinagawang pangangalap ng mga datos sa pananaliksik na ito ay naganap sa

Gil Carlos Street, Baliwag, Bulacan.

Tagatugon

Ang mananaliksik ay tinangkang ilahok ang limampung (50) piling estudyante ng

Baliuag University mula sa Departamento ng mga Inhinyero.


Talatanungan

Ang parte ng pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang

mananaliksik ay maghahanda ng isang sarbey-kwestyuner na naglalayong kumalap ng

mga datos mula sa mga piling mag-aaral ng Baliuag University.

1. Paano mo nalaman ang tungkol sa KPOP?

a. Nalaman dahil sa pamilya

b. Nalaman dahil sa kaibigan

c. Nakita sa palabas/internet

d. Ibang sagot _____________________________________________________

2. Ano ang dahilan ng iyong pagtangkilik sa KPOP?

a. Kakaiba ang kanilang musika

b. Impluwensya ng kaibigan

c. Walang mapagkaabalahan

d. Ibang sagot _____________________________________________________


3. Ilang taon ka ng naging taga-hanga ng KPOP?

a. 7-10 taong gulang

b. 11-17 taong gulang

c. 17-25 taong gulang

d. Ibang sagot _________________________________________________

4. Ilang Fans Club ang kinabibilangan mo?

a. 1-3

b. 4-5

c.6-7

d. Ibang sagot _________________________________________________

5. Ano ang mga pagbabagong napansin mo sa sarili mo mula ng ikaw ay maging taga-

hanga ng KPOP?

a. Pagbabago sa istilo ng pananamit

b. Pagbabago sa kaugalian

c. Pagbabago sa pisikal, emosyonal at kaugalian.

d. Ibang sagot __________________________________________________


6. Sinusuportahan ka ba ng pamilya mo sa pagiging fan mo ng KPOP?

a. Oo, sinusuportahan.

b. Minsan lamang

c. Hindi

d.

7. Naging maganda ba ang impluwensya sayo ng kapwa fan/taga-hanga?

a. Oo

b. Hindi

c. Oo at hindi

8. Nang maging KPOP fan ka, Nagkaroon ka ba ng lakas ng loob at tiwala sa iyong sarili

sa iyong mga gawain?

a. Oo

b. Hindi

c. Oo at hindi

9. Maganda ba ang naidulot sayo ng pagiging KPOP fan?

a. May magandang dulot ang pagiging KPOP fan

b. Walang magandang dulot ang pagiging KPOP fan.


c. May maganda at hindi magandang dulot ang pagiging KPOP fan.

10. Bakit mas tinatangkilik ng mga kabataan ang musika/palabas ng mga Koreano

kumpara sa sariling musika/palabas ng bansa?

a. Dahil sa kakaibang uri ng musika/palabas na kanilang ginagawa

b. Dahil sa pisikal na panlabas ng mga artista sa Korea.

c. Dahil sa kakaibang istilo nila ng pananamit at pagsulat ng kanta/istorya.

d. Ibang sagot _______________________________________________

11.Nabago ba ng pagtangkilik mo sa KPOP ang iyong istilo sa pananamit?Bakit?

a. Oo, naging mapili at sinusunod na kung paano manamit ang iniidolo.

b. Hindi, sapagkat ayoko ng istilo nila ng pananamit.

c. Oo, dahil sa kakaiba at maganda nilang istilo sa pananamit na siya namang

naging laganap sa bansa.

d. Ibang sagot_________________________________________________

12. May nagbago ba sa iyong kilos magmula ng tinangkilik mo ang KPOP?

a. Meron, dahil minsa’y ginagaya ang aegyo o pagpapacute ng mga bida sa sikat

na Kdrama.

b. Meron, dahil ginagaya ang ilang galaw ng mga sikat na mananayaw.


c. Wala

d. Ibang sagot____________________________________________________

13. Nagkaroon ka ba ng magandang samahan/relasyon sa mga kaibigan/KPOP fan?

a. Maganda ang aming samahan.

b. Hindi naging maganda ang samahan sa ilang KPOP fan

c. May ilang naging maganda ang relasyon ngunit may iba ring hindi naging

maganda ang samahan.

14.

Anda mungkin juga menyukai