Anda di halaman 1dari 4

Jose P.

Laurel
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Para sa ibang gamit, tingnan ang Jose Laurel (paglilinaw).

Si José Paciano Laurel y García (Marso 9,


Jose Paciano Laurel
1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14,
1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon
mula 1943 hanggang 1945.

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong


Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at
Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa
U.P. noong 1915.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni


Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging
Associate Justice noong 1935. Nanungkulan
siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang
Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang
Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago
Ika-3 Pangulo ng Pilipinas
lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang
Unang Pangulo ng Ikalawang Republika
magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng
Panunungkulan
Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan
Oktubre 14, 1943 – Agosto 17, 1945
ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga
Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" Pangulo Manuel L. Quezon (1941-
pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni 1944)
Pangulong Roxas noong 1948. Noong Sergio Osmeña (1944-
Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa 1946)
grabeng atake sa puso at istrok. Sinundan si Sergio Osmeña

Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman


ng Pilipinas
Mga nilalaman Panunungkulan
Talambuhay Pebrero 29, 1936 – Pebrero 5, 1942
Maagang buhay Sinundan si George A. Malcolm
Serbisyong publiko
Sinundan ni Wala[1]
Senado
Bilang Pangulo
Pagbuwag ng Rehime ni Laurel Kapanganakan
Pagkatapos ng Pagkapangulo Marso 9, 1891
Mga sanggunian Tanauan, Batangas
Kamatayan Nobyembre 6, 1959
Maynila
Talambuhay Partidong politikal Kapisanan ng Paglilingkod
sa Bagong Pilipinas
(KALIBAPI)[2]
Maagang buhay
Asawa Pacencia Hidalgo
Si José Paciano Laurel y García ay ipinanganak
Hanapbuhay Abogado
noong Marso 9, 1891 sa bayan ng Tanauan,
Batangas. Ang kanyang ama ay sina Sotero
Relihiyon Katoliko
Laurel, Sr. na isang opisyal ng pamahalaang Lagda
rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo at lumagda
sa Saligang Batas ng Malolos noong 1898. Ang
kanyang ina ay si Jacoba García. Habang isang tinedyer, si Jose Laurel ay kinasuhan ng pagtatangkang
pagpatay ng katunggaling manliligaw ng kanyang kasintahan gamit ang isang kutsilyo. Habang nag-aaral,
nangatwiran siya para sa kanyang sarili at napawalang sala. Nagtapos siya ng batas sa Unibersidad ng
Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1915 kung saan siya nag-aral sa ilalim ni Dekano George A. Malcolm na
kanyang hinalinhan sa Korte Suprema ng Pilipinas. Nakamit niya ang Master of Laws degree mula sa
Unibersidad ng Santo Tomas noong 1919 at pagkatapos ay pumasok sa Yale Law School kung saan siya
nagtapos ng Doktorado ng Batas.

Noong 1911 ay pinakasalan niya si Pacencia Hidalgo at nagkaroon sila ng 9 na anak.

Serbisyong publiko
Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of Forestry bilang isang
clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa kanyang pagbalik mula
sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng Kagawarang Panloob at pagkatapos ay itinaas bilang
Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong, palagi nakikipag-alitan sa Gobernador
Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng
ilang mga kasapi ng gabinete ng pamahalaan ni Wood.

Senado
Si Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng isang termino bago
matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya ay bumalik sa pagsasanay na
pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa opisinang pampubliko bilang delegado ng
Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng
mga Karapatan. Pagkatapos ng pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng
Komonwelt ng Pilipinas, si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas
noong Pebrero 29, 1936.

Bilang Pangulo
Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon ay tumakas sa Bataan at
pagkatapos ay sa Estados Unidos upang itatag ang isang pamahalaan sa pagkakatapon. Si Laurel ay may
malapit na kaugnayan sa mga opisyal na Hapones. Ang kanyang anak ay pinag-aral sa Imperial Military
Academy in Tokyo at si Laurel ay tumanggap ng isang honoraryong doktorado mula sa Unibersidad ng
Tokyo. Si Laurel ang isa sa mga opisyal ng Komonwelt ng Pilipinas na inutusan ng Hukbong Imperyal na
Hapones na bumuo ng isang probisyonal na pamahalaan nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas. Si Laurel
ay nakipagtulungan sa mga Hapones at dahil sa kanyang pagiging kilalang bumabatikos sa pamamahala ng
Estados Unidos sa Pilipinas, si Laurel ay nagsilbi sa ilang mga matataas na posisyon sa pamahalaang
Hapones sa Pilipinas noong 1942-1943. Noong 1943, siya ay binaril ng mga gerilyang Pilipino habang
naglalaro ng golf sa Wack Wack Golf at Country Club ngunit siya ay gumaling. Nang taong iyon, siya ay
pinili ng Pambansang ilalim ng impluwensiya ng Hapon na magsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas.

Dahil sa kaugnayan ng pamahalaan ni Laurel sa Hapon, ang malaking bahagi ng populasyong Pilipino ay
aktibong sumalungat sa kanyang pagkapangulo na sumuporta naman sa ipinatapong pamahalaang
Komonwelt ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos.

Noong Setyembre 21, 1944, idineklara ni Laurel ang Martial Law na nagdedeklara ng pag-iral ng digmaan
sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. Ito ay nagkaroon ng epekto noong
Setyembre 23,1944 ng alas diyes ng umaga.

Pagbuwag ng Rehime ni Laurel


Noong Hulyo 26, 1945 ang Potsdam Declaration ay nagbigay ng isang ultimatum sa Hapon upang sumuko
o maharap sa isang buong pagkalipol. Tumangging tanggapin ng Hapon ang alok. Noong Agosto 6,1945,
ang isang bombang atomiko ay ibinagsak ng Estados Unidos sa Hiroshima kung saan napahamak ang mga
mamamayan nito. Pagkatapos ng 2 araw, ang Unyong Sobyet ay nagdeklara ng digmaan laban sa Hapon.
Nang sumunod na araw, ang ikalawang bombang atomiko ay ibinagsak sa Nagasaki. Ang Hapon ay walang
kondisyong sumuko sa Kapangyarihang Alyado noong Agosto 15,1946. Mula Abril 1945, si Pangulong
Laurel kasama ng kanyang pamilya at kasapi ng Gabineteng si Camilo Osías, Speaker Benigno Aquino, Sr.,
Gen. Tomas Capinpin, at embahador Jorge B. Vargas ay lumikas sa Hapon. Noong Agosto 17,1944 mula sa
kanyang tirahan sa Nara, Hapon ay inilabas ni Laurel ang isang Ehekutibong Proklamasyong na
nagdedeklara ng pagkabuwag ng kanyang rehime.

Pagkatapos ng Pagkapangulo
Nang sumuko ang mga pwersang Hapones noong Agosto 15,1945, inutos ni Gen. Douglas MacArthur na
dakipin si Laurel para sa pakikipagtulungan nito sa mga Hapones. Noong 1946, si Laurel ay sinampahan
ng 132 bilang ng kasong pagtataksil. Gayunpaman, siya ay hindi kailanman nilitis dahil sa amnestiyang
ipinagkaloob ni Pangulong Manuel Roxas noong 1948. Si Laurel ay tumakbo sa 1949 halalan ng
pagkaPangulo laban kay Elpidio Quirino ngunit natalo.

Si Laurel ay namatay noong Nobyembre 6, 1959, sa Lourdes Hospital sa Maynila mula sa atake sa puso at
stroke. Siya ay inilibing sa Tanuan.

Mga sanggunian
1. Supreme Court reorganized following Japanese Occupation
2. This association superseded all political parties during the Japanese Occupation of the Philippines.

Mga tungkuling pampolitika

Pangulo ng Republika ng
Inunahan ni: Pilipinas Sinundan ni:
Manuel L. Quezon Oktubre 14, 1943 – Agosto 17, Sergio Osmeña
1945

Pangulo ng Republika ng
Inunahan ni:
Pilipinas Sinundan ni:
Jorge B. Vargas (de
Oktubre 14, 1943 – Agosto 17, Sergio Osmeña
facto)
1945

Kinuha mula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Jose_P._Laurel&oldid=1606266"

Huling pagbabago: 01:14, 28 Setyembre 2017.

Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring


mailapat ang karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.