Anda di halaman 1dari 1

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung bakit dumadami ang mga
out-of school youth sa Barangay Patao.Layunin ng pananaliksk
na ito na malaman ang mga rason kung bakit huminto na sa pag-aaral ang
ibang kabataan at magkaroon ang kabataan ng kamalayan sa mga programa ng
gobyernoo tulad ng Alternative Learning System(ALS) and TESDA.Ito ay
isang kwantitatibong pananaliksik na kinabibilangan ng paggamit ng
palatanungan at pakikipanayam.Ang data na ipinapahiwatig ay may apat na
pangunahing kadahilanan ukol sa kanilang paghinto ng maaga sa pag-aaral
katulad ng: personal,pamilya,komunidad, at ng paaralan. Kasama rin dito
kung ano ang pananaw ng mga sumasagot/respondents tungkol sa edukasyon
at epekto ng paghinto sa pag-aaral sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Sa pag-aaral na ito natuklasan at nakumpirma na ang pamilya ang


nangungunang dahilan sa paghinto sa pag-aaral.Kasama na dito ang kawalan
ng interest sa pag-aaral,katamaran,maagang pagbubuntis o pagiging
magulang,at isyu sa pananalapi.Ang paghinto ng pag-aaral ay
nangangahulugang mas madaming oras sa pagtatrabaho upang masustentuhan
ang pangangailangan ng pamilya gayunpaman,mayroon ding kahirapan sa
pagpapanatili at paghahanap ng trabaho.Diskriminasyon at kawalang-galang
ang madalas ding mangyari sa kabataan dahil sa kakulangan sa edukasyon.Ang
pananaw ng kabataan sa pag-aaral ay isang paraan upang makahanap ng
disenteng trabaho subalit,dahil sa mga salik na ito, ang bilang ng
kabataan ay nawalan ng pagkakataon na tapusin ang kanilang pag-aaral.

Anda mungkin juga menyukai