Anda di halaman 1dari 3

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY – MAIN CAMPUS

COLLEGE OF EDUCATION

CE MJR 217
Mga Anyo ng Pampanitikang Pilipino

SAGARINO, AXEL ROLF A. MRS. FE VARONA


II BEED-G2 Professor

MAY 2017
Alamat
Motivation
Magkakaroon ng limang pangkat at sa bawat pangkat ay may nakapaloob na mga
“puzzle” na bubuhuin. Ang mabubuong litrato ay mga ibat- ibang alamat kagaya ng
Alamat ng Pinya, Alamat ng Bayabas, Si Malakas at Si Maganda, Alamat ng Maria
Cristina Falls, at Ang Alamat ng Ampalaya.Ang unang makabuo sa litrato ay panalo.

Kahulugan
Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukwento tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ito rin ay isang kathang isip lamang at walang
bahid na katotohanan.

"Legendus"- Wikang Latin


- upang mabasa

Mga Uri ng Alamat

•Alamat na Supernatural- ito ang uri ng alamat na kung saan nagsasalaysay ng mga
kwento sa pinagmulan ng mga hindi kapani- paniwalang mga bagay.

•Alamat ng Kabayanihan- nagpapaliwanag ng pagiging mapagtanggol ng isang


nilalang o indibidwal sa kanyang panahon.

•Alamat na Panrelihiyon- Nagsasaad ng mga kwento sa isang espesipikong lugar o


pook.

Kahalagahan ng Alamat

1.Sumasalamin sa mayamang kultura at tradisyon nating mga pilipino.

2.Nagbibigay ng impormasyon patungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

3.Sumasagot sa kung Ano, Paano, at Bakit nabuo ang isang bagay, kaugalian at
pangyayari.

4.Nagbibigay ng aral sa lahat ng mga mambabasa.

Katangian ng Alamat

a. Ito ang kathang isip o binubuo ng imahinasyon lamang.


b. May mga pangyayari na hindi naganap sa tunay na buhay.
c. Punong-puno ng kapangyarihan, pakikipagsapalaran at mga hiwaga.
d. Kasasalaminan ng kultura at kaugalian ng mga tao sa lugar na pinagmulan nito.
e. Mayroong aral na mapupulot.

Sanggunian:

Lalic, Erlinda D. et al. 2004. Ang Ating Wikang Filipino

Trinitas Publishing, Inc.

Anda mungkin juga menyukai