Anda di halaman 1dari 7

Republika ng Pilipinas

Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon


DON HONORIO VENTURA TECHNOLOGICAL STATE UNIVERSITY
Bacolor, Pampanga
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Filipino 413c
Pagsusuring Pampanitikan

“ANAK NG PASIG”
Isinulat ni: Ryan Cayabyab
Inawit ni: Geneva Cruz

Basco, Relma N.
BSEd 3F

Eloisa G.Mendoza, MaEd.


Guro
I. PANIMULA

Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula sa Laguna de


Bay (sa pamamagitan ng Kanal ng Napindan) patungong Look ng Maynila. May
haba na 25 kilometro at hinahati ang Kalakhang Maynila sa dalawa. Ang Ilog
Marikina at Ilog San Juanang pangunahing mga sanga nito.

Dating isang mahalagang ruta pang-transportasyon sa Kastilang Maynila. Dahil


sa kapabayaan at pagpapaunlad ng mga industriya sa paligid nito, nasalaula at
tumaas ang polusyon at itinuturing na patay na ilog ng mga ekolohista. Itinatag
ang Komisyon sa Pagbubuhay ng Ilog Pasig (Pasig River Rehabilitation
Commission - PRRC) upang pamanihalaan ang pagsisikap na buhayin ang Ilog.
Kabilang sa mga tumutulong sa PRRC ay ang mga samahang pribado gaya
ng Clean and Green Foundation, Inc. na nagsagawa ng kampanyang Piso para
sa Pasig.

Noon, ang Ilog Pasig ay may malinis na tubig, maayos at kaakit-akit tingnan ang
mga kabahayan na malapit sa tabi ng Ilog. Ito rin ang pangunahing daanan sa
pagluwas at pagpasok ng mga kalakal mula sa ibat-ibang karatig probinsya ng
Maynila. Ngayon, nawala na ang ganda ng Ilog, nawala ang mga halaman sa
tabi nito, dumami na ang mga taong naninirahan sa gilid nito, marami na ang
naging eskwater at nagtayo ng barung-barong. Naging tapunan na ng basura
ang ilog. Ang dating malinis na tubig ay naging itim at napuno na rin nang
polusyon ang paligid nito. Sa paglipas ng panahon, aminin natin na di naalagaan
ang Pasig River at kasabay ng pag-dami ng tao ay siya rin pagdami ng
lumapastangan sa linis at ganda ng Ilog.

- ANO ANG TEMA NG AWIT?

Ang awit na ito ay tungkol sa kalinisan ng kalikasan. Isa itong paraan upang
mabuksan ang kamalayan ng mga tao tungkol sa nasisirang kalikasan. Sapagkat
ang pagkasira ng kalikasan ay pagsira rin ng kinabukasan ng bawat isa. Ang awit
na ito ay pagtawag sa mga nanunungkulan at sa mga taong naninirahan dito
upang gamutin ang nasirang ilog Pasig at ibalik sa dating ganda nito. Ang
pagkabuo ng awit na ito ay isa ring paraan upang maging disiplinado ang mga
taong naninirahan dito ay makita nila ang dulot ng mga basurang tinatapon nila
sa ilog.
- SINO ANG UMAWIT?
Ang umawit ng kantang “Anak ng Pasig” ay si Geneva Mendoza Cruz;
ipinanganak noong April 2, 1976 sa Gagalangin, Tondo Manila. Siya ay kilalang
isang sikat na Filipina Actress at Singer. Siya ay dating kabilang sa sikat na
grupong Smokey Mountain.

Nagsimula siya sa kanyang career taong 1989 bilang lead singer ng bandang
Smokey Mountain. Marami sa kanilang awitin ang naging sikat at nakakuha ng
maraming parangal, kabilang dito ang “Anak ng Pasig” na isinulat ni Ryan
Cayabyab at inawit naman ni Geneva Cruz. Ito ay naging Best Pop Song noong
1992 sa Catholic Mass Media Award.

- SINO ANG SUMULAT AT KOMPOSITOR?

Mula sa panulat at komposisyon ng batikang si Ryan Cayabyab, ang kantang


"Anak ng Pasig.” Si Ryan Cayabyab ay ipinanganak bilang Raymundo Cipriano
Pujante Cayabyab na mas kilala sa tawag na Mr. C, ipinanganak siya noong May
4, 1954 sa Santa Cruz, Manila. Siya ay sikat na Musikero, Kompistor, at Taga-
kumpas; Siya rin ay isang Executive and Artistic Director ng ilang taon sa San
Miguel Foundation for Performing Arts. Siya ay nakapagtapos ng Bachelor of
Science in Business Administration sa University of the Philippines, Diliman.

Naisulat niya ang “Anak ng Pasig” upang bigyang kamalayan ang mga taong
naninirahan malapit dito. Sapagkat nais niya na maisaayos ang Ilog Pasig at
iparating sa mga nanunungkulan na kailangan nang ayusin ang nasirang ilog.
Ang awiting ito ay isang pangangampanya sa kalayaan ng ilog Pasig sa basura
at polusyon.

- KAILAN NAISULAT?

Walang tiyak na petsa kung kailan naisulat ang awit na ito. Ngunit sinasabi sa
ilang lathalaan, ito ay naging sikat na awitin taong 90’s. Naging instant hit ang
kantang ito dahil sa hatid nitong mensahe na irevive ang sarili nating bersyon ng
Dead Sea, ang Pasig River. Ito rin ang naging daan para itatag ni dating Unang
Ginang Ming Ramos ang Piso Para Sa Pasig (PPP) upang manghikayat sa mga
tao na makiisa sa pagtulong at pagsagip sa pamamagitan ng pagbigay ng kahit
anong halaga sa abot nilang makakaya. Noong 1999, naisilang ang Pasig River
Rehabilitation Center (PRRC) na may vision na ipagpatuloy ang proyektong
nasimulan ng PPP. Ang 'Anak Ng Pasig' ay naging Song Of The Year sa Aliw
Awards noong 1993.
II. NILALAMAN NG AWIT

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig


Nagisnan ang ilog na itim ang tubig
Lumaking paligid ang bundok na umuusok
Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig


Pa-swimming swimming sa itim na tubig
Playground lang ang bundok ng basura niyo
Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo


Hanggang makakita ako ng lumang litrato
Di maniwalang Pasig rin ang tinitingnan ko
Kaibigan ano ang nangyari dito

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Huli na ba ang lahat


Patay na ba ang ilog at dagat
Kapag pasig ay pinabayaan
Parang bukas ang tinalikuran

Anak ng Pasig naman kayo


Kalat doon, kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang Ilog ko
Anak ng Pasig naman kayo
Tapon doon, tapon dito
Di niyo alam ang tinatapon niyo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Anak ng Pasig naman kayo


May bukas pa ang ating mundo.

Ang Awit na ito ay sinasabing tungkol sa masamang dulot ng basura sa ilog


pasig. Nasisira ang kinabukasan ng bawat indibidwal dahil sa maruming tubig,
amoy ng basura, usok ng mga sasakyan sa paligid nito. Ang pagkawalang
disiplina ng mga tao ay nagpapadagdag pa sa suliraning kinakaharap ng mga
taong may pakialam sa ilog at nais magsaayos nito. Ang kabuuang pananaw sa
awit na ito ay tungkol sa pagsasagip sa ilog pasig.

III. SECONDS

IV. PAGLALAPAT NG DULOG

- Ang awit na ito ay ikinapapalooban ng Teoryang Realismo, sapagkat


layunin ng teoryang ito na ipakita ang nasaksihan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Ito ay katotohanan na nangyayari sa ating lipunan. Ang
“Anak ng Pasig” ay isang katotohanan o realidad na nakita ng manunulat
sa tunay na nangyayari sa ilog Pasig.

- Maliban sa Teoryang Realismo, ang awit na ito ay maaari ring maging


Teoryang Formalistiko/Formalismo sapagkat ang layunin ng panitikan ay
iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng manunulat sa
kanyang awit ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Masasalamin sa bawat likiro ng awit na ito ang
nais iparating ng manunulat sa kanyang mga taga-pakinig. Gamit ang
musika, nangusap ang manunulat sa mga tao tungkol sa malalang
kalagayan ng ilog Pasig.
V. SIMBOLISMO

o Ilog Pasig – Ito ay sumisimbolo sa Pilipinas. Sapagkat, kung ating


pagmamasdan, hindi lamang ang Ilog Pasig ang napapabayaan. Maging
ang sarili nating bayan ay nilalapastangan natin. Kay rami ng krimen, rape
victims, mga panloloko, pagpapahirap sa ating bayan, hindi pantay na
hustiya, walang disiplinang kabataan at iba pa. Sa pamamagitan nito,
dinudungisan nila ang ating bansa. Kinakalimutan nila ang sarili nilang
bansa dahil sa mga masasamang ginagawa nila dito. Maliban sa saklaw
ng Pilipinas ang ilog Pasig, hindi na rin iba sa ilog Pasig ang nangyayaring
karungisan sa ating bansang Pilipinas.

o Basura – Ito ay sumisimbolo sa mga pag-uugali at maling gawi ng mga


tao sa ating bansa. Tulad ng mga; Pagpatay, pagnanakaw, panloloko,
paglapastangan sa kaban ng bayan at maling pamamalakad ng gobyerno.
Sapagkat ito ang mga ito ang sumisira sa magandang pagkilala ng ibang
bansa sa Pilipinas.

o Itim na Tubig – Ito ay sumisimbolo sa ugali o masamang hangarin. Sabi


sa awit “Paswimming-swimming sa itim na tubig” sa mundo natin ngayon,
marami tayong nakikitang padudungis na tao na humihingi ng tulong
saatin, sa nakikita nating kalagayan at buhay nila, naaawa tayo at
magbibigay ng tulong. Ngunit hindi natin alam na karamihan sa kanila ay
nais lamang tayong utuin at lokohin. Gaya ng itim na tubig, nakikita na ng
mga bata sa ilog pasig na marumi ito, ngunit baliwala sakanila ito at
magpapatuloy parin sa pagsisid dito.

VI. KONKLUSYON

Minabuti ng manunulat na gawing kanta ang “Anak ng Pasig” upang tumima sa


ating isipan ang nais niyang iparating saatin. Huwag nating hayaan na manatiling
marumi ang ating mundo. Ang bawat isa ay magagawa upang mapanatili ang
kalinisan. Maging sensitibo lamang tayo sa ating kapaligiran at panatilihin ang
disiplina hindi lang sa ating sarili, kundi pati sa ating kapaligiran. Sapagkat ang
paligid natin ang salamin ng ating katauhan. Huwag nating hayaan na sirain ng
maling disiplina natin ang kinabukasan ng mga sumusunod saatin. Simulan natin
sa ating sarili upang masimulan natin sa ating kapaligiran.
VII. REAKSYON

Isang napakagandang awitin ito na tumatatak sa isipan ng mga tagapakinig.


Tunay itong nakapanghihikayat sapagkat tumitima sa isipan ng mga tagapakinig
ang kinabukasan ng mga batang isisilang pa lamang. Maliban doon, ang umawit
ay tunay na may talento sa pag-awit sapagkat nabigyan niya ng buhay ang mga
salitang magbibigay diin sa nais iparating ng sumulat sa mamamayan. Ang mga
ganitong awitin ang magandang pakinggan sapagkat nagbibigay ito ng aral at
nag-uutos saatin na gawin ang dapat na ikauunlad at ikagaganda ng ating
mundo.

VIII. REKOMENDASYON

Mahusay ang pagkakabuo ng awiting ito, ngunit nahirapan akong sundan ang
tono nito. Sa tuwing aking pinapakinggan ang awit na ito, nasusundan ko ang
tono ngunit hindi ang liriko nito. Kapag naman binabasa ko lamang ito at nais
awitin sa sarili kong paraan, nakakalimutan ko ang tamang tono kaya’t
minamabuti ko na lamang na basahin ito at huwag ng kantahin. Sa aking
palagay, habang pinapakinggan ko ang awit na ito at binabasa ang liriko,
nakitaan ko ito ng mangilan-ngilan na salitang pinilit ipasok sa tula na maging
ang isang mahusay na mang-aawit ay nahirapan na pagtugmain ang tono. Sana
ay nilagyan na lamang ni Ryan Cayabyab ng bilang ang bawat taludtod upang
hindi gaanong mahirap lapatan ng tono ang awit na ito.

IX. SANGGUNIAN:

http://www.lyricsfreak.com/g/geneva+cruz/anak+ng+pasig_20780783.ht
ml

http://lakbaylansangan.blogspot.com/2012/08/anak-ng-pasig.html

http://www.wikiwand.com/en/Geneva_Cruz

http://blogopm.blogspot.com/2011/11/klassik-opm-02-anak-ng-pasig-by-
smokey.html