Anda di halaman 1dari 2

ARALIN 15 Kalidad ng Aking Gawain, Kaya Kong Ipagmalaki

Nakalaang Araw sa Pagtalakay: 10 Araw (30 minuto bawat araw)


PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (EsP6PPP-IIIg-38)
8. Naipagmalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa
pamantayan at kalidad
I. MGA LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay:
. masusuri ang mga gawaing nag papakita ng etiko sa paggawa,
. matutukoy ang mga paraan upang mapakita ng etiko sa paggawa sa
pamamagitan ng pag sunod sa pamantayan at kalidad ng produkto o
serbisyo, at
.magagawa ang plano upang mahikayat ang kapuwa magkaroon ng etiko sa
paggawa sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan at magandang
kalidad ng produkto o serbisyo
II. PAKSA/PAGPAPAHALAGA
Etiko sa Paggawa

III. MGA KAGAMITAN


Bantayang Aklat, mga pahina 100-1007

IV.PAMAMARAAN
A. Ihanda Natin

1.Isulat sa pisara ang salitang’’Puwede na.’’ Pabigyan ito ng


reaksiyon.Itanong kung sa anong pagkakataon ito nababanggit. Ipabasa sa
mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa bansa. Dahil sa kanila masasabi
ang pagiging isang tunay na Pilipino!
2.Itanong ang kanilang pamantayan sa paggawa sa pamamagitan ng
pagsagot kung sa-ayon sila at hindi sa mga pangungusap sa Ihanda Natin B.
B.Matutu sa Iba
1.Ipabasa nang salitang sa mga mag-aaral ang mga kuwentong Ang
Matandang Karpintero at Ang Etiko sa Paggawa sa mga pahina 102-103.
2.Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang maaring mangyayari kung
halimbawa ng tayo ay mabubuhay lamang sa kasinungalingan?
3.Ipabasa sa mga payong ibigay ni G.Tan tungkol sa etiko ng kagalingan sa
paggawa ng pahina 103.
4.Ipasuri ang etiko sa paggawa ng mag-aaral at kung nakasusunod sila sa
mga pamantayan sa pag-aangat ng kalidad ng serbisyo.
C.GAWIN ANG TAMA
Pasagutan ang tsart sa gawin ang tama sa pahina 105 at ipasipi ito sa
kuwaderno ng mga mag aaral.
D.Isiping Mabuti
Ipasagot ang mga katanungan na gagabay sa mga mag-aaral upang
maunawaan nang pag lalahat tungkol sa paksa ng aralin .
E.Subukin Ito
1.Ipasagot ang Gawain A sa pahina 106.Bubuuin nga mga mag-aaral ang
mga sitwasyon at ilalagay ang sagot sa isang buong papel
2.Gamit ang kuwaderno ng mga mag-aaral,ipasulat ang hinihingi ng Gawain
B at C sa mga pahina 106-107.
F.Repleksiyon
Papiliin sila ng isang kamag-aral ng nararapat gawaran ng pagkilala dahil sa
kaniyang katangi-tanging nagawa sa paaralan. Punan ang Sertipiko ng
Pagkilala.Gawin ito sa bond paper.Ibigay ito sa iyong kamag-aral na iyong
napili.

Anda mungkin juga menyukai