Anda di halaman 1dari 1

Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng

mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na
nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga
kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng
dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook
submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga
pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong
bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas.

1.) Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na


kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng
mga awtoridad na pampamahalaan.

2.) Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang


pambansa, tinatanggap bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng
batas internasyonal nakinikilala ng lahat at umaayon sa patakaran ng
kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan, pakikipagtulungan,
at pakikipagkaibigan sa lahat ng mga bansa.

3.) Ang awtoridad na sibilyan ay sumasaibabaw ng sa militar sa lahat ng panahon.


Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay tagapangalaga ng Sambayanan at ng
Estado. Ang layunin nito ay seguruhin ang ganap na kapangyarihan ng Estado
at ang integridad ng pambansang teritoryo.

4.) Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang


sambayanan. Maaaring tawagan ng pamahlaan ang sambayanan upang
ipagtanggol ang Estado, at sa ikatutupad niyon, ang lahat ng mga mamamayan
ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyo militar o sibil, sa ilalim
ng kondisyong itinatakda ng batas.

5.) Dapat sundin ng Estado ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, ang


pangangalaga ng buhay, kalayaan at ariarian, at ang pagtataguyod sa
kagalingang panlahat upang matamasa ang buong sambayanan ang mga biyaya
ang demokrasya.

Anda mungkin juga menyukai