Anda di halaman 1dari 4

ANDRES BONIFACIO

Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897)


ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Binansagan siyang
"Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng
kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas
mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.[2][3]
Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang
Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala
DR. JOSE P. RIZAL
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30
Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa
mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2]

Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa


labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal
de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina
sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-
aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng
Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina.
Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit,


paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang
pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere, at ang
kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa ring poliglota si Rizal, na
nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa
pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio,[note 4], isang lihim
na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging
saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay
tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa may
pang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang
karahasan bilang huling dulugan.[7] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa
pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang
pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit
kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang
pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang
pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Ang Bahay ni Rizal sa Calamba,Laguna

Mga nilalaman [itago]

1 Ang pamilya ni José Rizal

2 Pag-aaral

3 Personal na Buhay

3.1 Leonor Rivera

3.2 Josephine Bracken

4 Sa Bruselas at Espanya (1890 - 1892)

5 Pagbabalik sa Pilipinas (1892-1896)

5.1 Pagpapatapon sa Dapitan

5.2 Pagbaril sa Bagumbayan

6 Mga Katha

7 Mga Pamanang-lahi

8 Tingnan din

9 Mga sanggunian

10 Ugnay panlabas
\

DR. JOSE P. RIZAL

Anda mungkin juga menyukai