Anda di halaman 1dari 3

AKO SI JULI

By: Cindy J. Gazo

HUB 33

Ako si Juli. Anak ni Tabesang Tales at Apo ni Tandang Selo. Narito ako ngayon
sa tirahan ni Hermanang Penchang upang manilbihan bilang alila dahil hindi sapat ang aming
pera para mabayaran ang utang ni tatay. Utos dyan utos doon. Sadyang nakakapagod ngunit
gagawin ko ang lahat para sa ikakabuti ng aking ama.

*Insert Voice of Hermana Penchang: Juli linisin mo nga ito at punasan ang mga cabinet

Juli: Opo Hermana (punasan ang sahig at ang cabinet)

Ngunit isang araw pinalayas na lamang ako ni Hermana Penchang sa dahilan


ikakasama pa raw iyon ng loob ng mga prayle sa kanya. Kaya eto ako ngayon nag hahanap ng
salapi upang mabayaran na ang utang ng aking ama.

Pansamantala akong naninirahan ngayon sa tahanan ng aking lolo. At doon


binalita ni Hermana Bali ang tungkol sa pagpapatapon kay Basilio.

Juli: Hindi pwede! Hindi! Hindi maaaring gawin nila iyon kay Basilio. (kunwari naiiyak)

Juli: Kailangan ko gumawa ko ng paraan pero paano? Ano ang aking gagawin? (upo kunwari
naiiyak)

Pagkalipas ng panahon ang lolo ko naman ang hinuli ng mga guardia sibil. Si
Padre Camorra na lamang ang naiisip kong makakatulong sakin.

Juli: Padre Camorra nagmamaka-awa po ako sainyo palayain niyo na po ang aking lolo.
Matanda na siya para sa kulungan. Nagmamakaawa po ako sainyo Padre Camorra.

Araw-araw ako nagmaka-awa kay Padre Camorra at binagbigyan naman ako


nito. Ngunit hindi pala sapat ang salitang “Salamat”. Humihingi ito ng isang kabayarang labag
saking dadamin. Tuwing nakakasalubong ko siya, ay pinahahalik niya ang kanyang kamay,
hinahawakan niya ang aking ilong at mga pisngi at pagkatapos ay magbibiro ito ng may
kasamang kindat at mga kurot. Hindi ko na kaya ang aking nararamdaman. Hindi na ko
masaya. Ano kaya kung magpakamatay na lamang ako. Tutal parang wala na din naman
direksyon ang aking buhay. Hermana Bali? Tutungo ba lahat ng nagpapakamatay sa
Impiyerno?

Sinamahan ko si Hermana Bali na humingi ng payo sa kawani.

Juli: Tulungan niyo po akong makalaya si Basilio


Ngunit wala daw itong maitutulong sa pagpapalaya kay Basilio dahil si Basilio ay nasa Manila
at hindi ito sakop ng kanyang kapangyarihan. Kaya pinayuhan niya kami na lumapit sa
Hukom Pamayapa.

Juli: Magandang Umaga Po!

Juli: Hinihling ko po sana na tulungan niyo ako makalaya si Basilio

Juli: Ano? Si Padre Camorra lamang ang makakatulong sakin.

(Walks to the left to exit the room of HUkom Pamayapa.)

Juli: Hermana Bali pupuntahan ko ba talaga si Padre Camorra? Alam naman natin kung anong
gusto non di ba? Hindi! Ayoko. Baka may iba pang paraan para matulungan ko si Basilio.

Juli: Maraming salamat po Hermana Bali. Iwanan po ninyo muna ako. Gusto kong mapag-isa.

Juli: Tama ba itong ginagawa ko? Lahat ng mga pagpapasakit ay haharapin ko alang-alang kay
Basilio? Anong sasabihin ng mga tao sakin? Ng Diyos? *mapapa-upo na lamang dahil sa
sobrang kalituhan*

Juli: Tama ba na ialay ko ang aking sarili? Kung noon tinaggihan ko ang hinihiling ni Padre
Camorra kapalit ang kapatawaran ng aking ama. At ngayon iaalay ko ang aking sarili para kay
Basilio? *walks to the right then to the left kunware naguguluhan)

Juli: Tatalon na lang kaya ako? O magpapakamatay tutal nakadikit na din naman na sa
pangalan ko ang salitang MASAMANG ANAK.

(takpan ang tainga at nag dasal)

Diyos ko tulungan niyo po ako. Hindi ko nap o alam ang gagawin ko. Sana bigyan nyo po ako
ng lakas para malampasan ang pagsubok na ito.

(natulog si Juli at nagkaroon siya ng masamang panaginip)

*Panaginip ni Juli: Iligtas mo ako, iligtas mo ako! Ikaw lamang ang makakapagligtas sa akin!

Juli: Basilio? Guardia Civil? Hindi

(nagisng si Juli, hinawakan ang buhok na nagulo sa kanyang pagkakatulog at pinunasan ng


kamay ang kanyang pawis sa noo)

Juli: Basilio! Ano nanaman tong panaginip na ito. Parang may masamang mangayayari kay
Basilio. Di ako mapakali kailangan ko makibalita sa mga nangyayari sa Manila.
(May dumating na manlalakbay galling Manila at isinuwalat ang balita kung paano nakawala
ang lahat ng bilanggo maliban kay Basilio. Ayon sa manlalakbay ay nakita nito ang bapor kung
saan isasakay si Basilio at ipapatapon ito sa Carlolinas)

Juli: May balita ka ba sa nangyayari sa Manila? (natatakot) Si Basilio na lamang ang natitira?
Hindi ko hahayaang itapon nila si Basilio sa Carlolinas. Hindi

(Nagmadali si Juli pumunta kay Hermamng Bali para samahan siya nito patungo sa kumbento)

Hermana Bali? Hermana Bali? Maari niyo po ba ako samahan sa kumbento? Kailangan ni
Basilio ang tulong ko kung hindi ay ipapatapon ito sa Carlolinas.

(Naglakad na sila patungo ng kumbento)

Juli: (nauuna at naiinip) Ang tagal naman nito maglakad

(Ngunit nung malapit na sa bayan ay unti unti na si Juli manghina at wala ng imik. Nakatingin
na lamang si Juli sa baba dahil punong puno na ito ng takot.)

(Pinabilis ito ni Hermana Bali dahil maari sila abutan ng dilim kung papanatilihin ni Julia ng
ganoong paglalakad)

(nung nakita na ni Juli ang kumbento ay nagmamatigas na ito at ayaw na umakyat)

Juli: (natatakot) Kumbento? Huwag. Bumalik na tayo. Bumalik na tayo!! Ayoko! Natatakot po
ako kay Padre Camorra

(Hinawakan ni Hermana Bali ang kamay ni Juli at hatakin. Pinaalala niya ng ilang beses na wag
na ito matakot dahil naroon naman siya para samahan ito. At hindi maari gumawa ng di
mabuti ang prayle sa harap niya.)

Juli: Ayoko Hermana Bali. Ayoko. Umuwi na lang tayo

(Masama ang tingin ni Hermana Bali. Sinabihan niya si Juli na umuwi na lang sila kung
ganyang katigas ang ulo mo. Hayaan mo na lang ba ipatapon na si Basilio, pabayaan mo na
lang ba siyang barilin at tsaka ka magsisisi kung patay na siya. Sige tuatal, wala akong utang na
loob sa kanya.)

Juli: Sige dahil ito na lamang ang natatanging paraan. Papasok na po ako.

(Katok sa pinto ng kumbento)

Juli: Padre Camorra tulungan niyo po ako iligtas si Basilio. Talaga po? Tutulungan niyo ko?
Ano pong kapalit? Padre huwag po. Huwag po.

(Sigaw at tumalon si Juli sa bintana ng kumbento)

Iyon na ang naging dahilan ng pagkamatay ni Juli.

Anda mungkin juga menyukai