Grade 10
• Paniniwala (Beliefs)
• Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag
tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na
totoo.
• Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng
isang grupo o lipunan sa kabuuan.
• Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan
ang paniniwala ng isang indibiduwal o pangkat ng
tao. “pagkakapantay-pantay
Pagpapahalaga (Values)
• Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring
maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi.
• Batayan ito kung ano ang tama at mali,
maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat(Mooney, 2011).
• Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang
bawat lipunan, marami sa pagpapahalaga ay
kanilang pinagsasaluhan.
• Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag
sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu
o hamong panlipunan.
• “pamilya” “pakikipagkapwa” “pakikisama”
Norms
• Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na
binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.
• Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng
mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang
indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan.
• “respect””patience””spirituality” “brave”
• “obidience”
Folkways at Mores
• Ang Folkways ay ang pangkalahatang batayan
ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang
lipunan sa kabuuan.
• Sa kabilang banda, ang Mores ay tumutukoy
sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos.
• Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng
mga legal na parusa (Mooney, 2011).
• Monogamy-Concubinage
• Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
• “batas trapiko” “Curfew Hour”
• Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay
may kaukulang kaparusahan.
Simbolo (Symbols)
• Paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng
mga taong gumagamit dito. (White, 1949)
• Kung walang simbolo, walang magaganap na
komunikasyon at hindi rin magiging posible
ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
• Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga
pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na
nauunawan ng mga miyembro ng isang
lipunan.
Kailan nga ba nagiging isyung panlipunan ang
isang isyu?
• Isang pampublikong usapin ang isyung
panlipunan.
• Samakatuwid, nakaaapekto ito hindi lamang
sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking
bahagi mismo ng nasabing lipunan.
• Karaniwang ang mga isyung panlipunan ay
sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng
lipunan.
• Walang maituturing na iisang depinisyon ang
suliraning panlipunan subalit lubusang
maunawaan ito gamit ang Sociological
Imagination.
Ang Sociological Imagination
• Kakayahang makita ang kaugnayan ng mga
personal na karanasan ng isang tao at ang
lipunang kanyang ginagalawan.
• Masusuri natin ang koneksiyon at
interseksiyon ng mga isyung personal at
isyung panlipunan.
• Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon
sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang
indibiduwal at sa pangkalahatang kaganapan
sa lipunang ating ginagalawan.
Isyung Personal
• Ang mga isyung personal ay sinasabing
nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang
malalapit sa kanya.
• Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa
kamay ng indibiduwal.
• Maituturing ang isyung ito na pribadong
bagay na nararapat solusyunan sa pribadong
paraan. (Artista)(Duterte)
Isyung Panlipunan
• Isang pampublikong bagay.
• Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa
mga institusyong panlipunan.
• Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi
lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa
kabuuan.
• (Pang. Duterte Campaign on Drugs)
Hamon at Isyung pangkapaligiran
• Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng
isyung personal subalit kung ang isang barangay o
bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng
maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito
ay maituturing na isyung panlipunan.
• Idagdag pa rito ang masamang epekto sa
kalusugan at ekonomiya ng isang lugar kung ito
ay mabaho, makalat, at walang maayos na
sistema ng pagtatapon ng basura.
• SWM-
Ang mga Suliranin at Hamong
Pangkapaligiran
• Sa kasalukuyan ay malaki ang suliranin at hamong
kinahaharap ng ating bansa dahil sa pang-aabuso
at pagpapabaya ng tao sa kalikasan.
• Nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad
ng pagkakaroon ng malalaakas na bagyo,
pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha.
• Sa huli, ang mga mamamayang umaasa sa
kalikasan para mabuhay ang siya ring nakararanas
ng hindi mabuting epekto sa iba’t ibang aspekto
ng pamumuhay
1. Suliranin sa Solid Waste
• Basurang nagmula sa mga tahanan at
komersyal na establisimyento, mga basura na
nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula
sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang
hindi nakakalason (Official Gazette, 2000).
Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama
(2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422
tonelada ng basura kada araw noong taong
2015.
• Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay
nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang
isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura
araw-araw.
• Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world
average (National Solid Waste
Management,2016).
• Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura
ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na
mayroong 56.7%.
• Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng
tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-
degradable na may 52.31% (National Solid
Waste Management Status Report,2015).
Mga Dahilan
• Kawalan ng disiplina
• Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang
itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada,
bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong
nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga
insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang
sakit.
• Pagsusunog ng basura na nakadaragdag sa
polusyon sa hangin.
• Walang waste segregation nadaragdagan din
ang trabaho ng mga waste collector dahil
kailangan nilang magsagawa ng waste
segregation
• Hindi ligtas na Dumpsite ang mga dumpsite sa
Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay
nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan
dito.
• ang leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez
at Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa
ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila
Bay ay nagtataglay ng lead at arsenic na
mapanganib sa kalusugan ng tao.
• Pamumulot ng basura
• banta sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na
waste pickers sa mga dumpsite sa Metro
Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat
at nagkakalkal sa mga tambak ng basura.
• Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang
waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila
ay magkasakit, maimpluwensiyahan na
gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay
mamatay.
• Electronic waste o e-waste tulad ng computer,
cellphone, at tv.
• 6 na toneladang e-waste ang tinatapon sa
landfill na siyang kinukuha ng mga waste
pickers upang ipagbili ang anomang bahagi
nito na mapapakinabangan.
• Subalit ang mga ginagawang pamamaraan
tulad ng pagsunog upang makuha ang tanso,
at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng
panganib dahil pinagmumulan ito ng mga
delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium,
barium, mercury, at polyvinyl chloride na
nakalalason ng lupa at maging ng
tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011).
Ecological Solid Waste Management
Act of 2000
• Ang mga nabanggit na suliranin sa solid waste
ay pinagtutulungang solusyunan ng iba’t ibang
sektor. Ipinatupad ng pamahalaan ang
Republic Act 9003 o kilala upang magkaroon
ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at
proseso ng pamamahala ng solid waste sa
bansa (Official Gazette, 2000).
• Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang
pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility
(MRF) kung saan isasagawa ang waste
segregation bago dalhin ang nakolektang basura
sa mga dumpsite.
• Maraming barangay ang tumugon sa kautusang
ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 ay
tumaas ang bilang ng MRF sa 8,656 noong 2014
(National Solid Waste Management Status
Report, 2015).
Best Practices sa SWM
• No segregation,No collection
• No orientation & implementation of ESWM
• No Issuance of Municipal Permit
• Municipal wide composting & livelihood.
• Residual waste management.
• Methane recovery from dumpsite for power
generation
NGO
• Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng
MRF sa mga barangay.
• Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa
tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees,
Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for
Life Philippines(Kimpo, 2008).
• Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang
mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna
sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River
Rehabilitation Project.
• Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at
pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at
pagsusulong ng kapayapaan
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
• Labour migration
• Refugees migration
• Irregular, temporary
• Permanent migrants.
• Irregular migrants ay ang mga mamamayan
na nagtungo sa ibang bansa na hindi
dokumentado, walang permit para
magtrabaho at sinasabing overstaying sa
bansang pinuntahan.
• Temporary migrants- tawag sa mga mamamayan
na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang
permiso at papeles upang magtrabaho at
manirahan nang may takdang panahon
• (foreign students at negosyante (6na buwan).
• Permanent migrants- mga OFW na ang layunin
sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang
trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa
piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
Pagturing sa migrasyon
bilang isyung politikal
• . Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang
bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya
tungkol sa pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
• Kaya naman, higit kailanman kinakailangan
ang higit na kooperasyon at ugnayan sa
pagitan ng mga bansang kasangkot sa usaping
ito.
Paglaganap ng ‘migration transition’
• Ang migration transition ay nagaganap kapag
ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng
mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na
rin ng mga manggagawa at refugees mula sa
iba’t ibang bansa.
• Partikular dito ang nararanasan ng South
Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico,
Dominican Republic at Turkey.
Peminisasyon ng migrasyon
• (1) pambubugbog/pananakit,
• (2) panggagahasa,
• (3) incest at seksuwal na pang- aabuso,
• (4) sexual harassment,
• (5)sexual discrimination at exploitation,
• (6) limitadong access sa reproductive health,
• (7) sex trafficking at prostitusyon.
Domestic Violence
• Hindi lamang kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon
maging ang kalalakihan ay biktima rin.
• Ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay
hindi madaling makita o kilalanin.
• Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang
uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng
pang-aabuso.
• Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa
heterosexual at homosexual na relasyon.
• tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda
para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
• pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
• pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o
mga kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano
ang iyong mga isusuot;
• nagseselos at palagi kang pinagdududahan na
nanloloko;
• nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng
droga;
• pinagbabantaan ka na sasaktan;
• sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan
ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
• pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong
kalooban at
• sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa
iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa
niya sa iyo.
Ito naman ay para sa
mga bakla, bisexual at transgender: