“bahala ka. basta’t pag may nahuli ako ay hindi uli kita
bibigyan. Kanya-kanya tayo,” ang sabi ni Lokes a Mama
habang pababa ng hagdan. Hindi sumagot si Lokes a Babay.
Sanay na siya sa pagiging tuso at madamot ng kanyang
asawa. Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at hindi niya
naramdamang mahal siya nito.
Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain
ni Lokes a Mama ang kanyang inilutong huli ay nagsalita si
lokes a babay. “hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin.
Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Bukod pa
riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang pagiging maramot mo at