Anda di halaman 1dari 7

Pinoy Folk Tales

Philippine Folk Tales. Kuwentong Bayan. Pabula. Alamat. Maikling Kuwento. Atbp...

SATURDAY, DECEMBER 29, 2012

PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO


KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang
higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda
ng pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo
ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat
biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang
naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang
pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.

MGA KATANGIAN NG PANITIKAN

1. Hangaring makamit ang kalayaan


2. Marubdob na pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo

DIWANG NANAIG

1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

1. Pagpapatayo ng mga paaralan


2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO

1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900
3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900
4. Manila Daily Bulletin-1900

3 PANGKAT NG MGA MANUNULAT

1. Maka-Kastila
2. Maka-Ingles
3. Maka-Tagalog

MGA DULANG IPINATIGIL

1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino


2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad
3. MALAYA –ni Tomas Remegio
4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes

PANITIKAN SA KASTILA

1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA-
A Rizal
2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-
Crisalidas (Mga Higad)
3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang
siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila
4. MANUEL BERNABE- makatang liriko
5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan)
6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino

IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA

1. ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila;


Obra-maestra- EL NIDO
2. ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap)
3. MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na
Pamulaan )
4. EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang mahusay
na mananalambuhay
5. PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO

PANITIKAN SA TAGALOG

= Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA”ni Modesto


de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog
= Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:
= MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan;
Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V.
Hernandez; Nemecio Carabana; Mar Antonio

MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio
Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez

MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas Remegio

LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat


JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA-MAESTRA-Isang Punungkahoy
FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA-MAESTRA- Lumang Simbahan
AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang
Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday
VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA-
Nena at Neneng
INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA-Damdamin

ANG DULANG TAGALOG

SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-MAESTRA- W alang


Sugat
AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan; OBRA-MAESTRA-
Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas
HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na nagtanghal ng
maraming dula sa kalagitnaang Luzon
PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT” na siya niyang OBRA-
MAESTRA
JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang siya niyang OBRA-MAESTRA

PANITIKANG FILIPINO SA INGLES

JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles


JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of Beauty
ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na
pinamagatang “A Child of Sorrow”
ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave”
NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered Loom”. Ang huli
ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India

*ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala sa pagsulat ng mga


tulang liriko noong panahon ng Komomwelt
ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago
magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE” at “GRAY CONFETTI”
ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-kauna-unahang aklat na
nalimbag sa Philippine Book Guild

IBA PANG PANITIKAN

PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan ng Balagtasan


*CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging makata at nobelista
*LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO”
*JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-kasingkahulugan ng
Balagtasan
*ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya
Posted by Den at 9:46 PM
Labels: panitikan sa panahon ng amerikano, panitikang pilipino
2 comments:

Lorrize Mae GuevarraSeptember 24, 2013 at 6:16 AM


Salamt po. :)
Reply

UnknownNovember 18, 2016 at 6:24 PM


very informative thanks for this :)
Reply

Newer Post Older Post Home


Subscribe to: Post Comments (Atom)

STATCOUNTER

FOLLOWERS

BLOG ARCHIVE

► 2013 (153)
▼ 2012 (86)
▼ December (58)
PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO
MGA ANYO NG LITERATURA SA REHIYON 2
Ang Panitikan ng Cordillera Administrative Region
Alamat ng Nangka Marikina
Alamat ng Bayambang, Pangasinan
Panitikang Filipino
Pilipinas sa Panahon ng Kastila
Mandudula sa Panahon ng Amerikano
Ang Pamana
Uhaw ang Tigang na Lupa
Ang inahing aso at limang tuta
Buod ng Banaag at Sikat
Ang Kalupi
Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan (sa aking bayan)
Tata Selo
Sa Tabi ng Dagat
Ang Pamana
Uhaw ang Tigang Na Lupa
Ang inahing aso at limang tuta
Utos ng Hari
Banyaga
Himala
Bangkang Papel
Hindi Na Salapi (Salaysay)
Maniningil
Dula
Talumpati
Sanaysay
Kay Salome, ang Tauhang Hindi Napabilang sa Noli M...
Realismo sa Pelikula
Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Teoryang Pampanitikan
Wika - katuturan, kahalagahan, katangian, antas at...
PARABULA NG AMA, ANAK AT KALABAW
Panitikang Filipino sa Iba’t ibang Panahon
Alamat ng Taal Volcano
Alamat ng Chocolate Hills
Alamat ng Bundok Arayat
Alamat ng Bundok Banahaw
Alamat ng Hagdan-hagdan Palayang
Alamat ng Marinduque
Alamat ng Mindanao
Alamat ng Niyog
Alamat ng Pagong
Alamat ng Olongapo
Alamat ng Pakwan
Alamat ng Palay
Alamat ng Paru-paro
Alamat ng Pinya
Alamat ng Pipino
Alamat ng Pitong Pulo
Alamat ng Rosas
Alamat ng Saging
Alamat ng Sampaguita
Alamat ng Sampalok
Alamat ng Tandang
Alamat ng Tiyanak
Alamat ng Matsing
► November (28)
► 2009 (119)
Powered by Blogger.

Sanggunian; http://pinoyfolktales.blogspot.com/2012/12/panitikan-sa-panahon-ng-
amerikano.html?m=1

Anda mungkin juga menyukai