ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya. Mula 1896 hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon, ilang magasin ang lumabas sa Maynila na may nakaimprentang cartoons. Dalawa sa mga ito ay ang "Miao" at "Te Con Leche". Noong 1907, inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang magasin na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Lope K. Santos. Ang magasin na ito ay nasa wikang Tagalog, at nagtataglay ng mga satirikong cartoons na patungkol sa mga Amerikanong opisyal. Ang paglalathala ng magasin na ito ay natigil din noong 1909. Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa simula ng 1920 bilang page filler sa mga magasing Tagalog. Dalawa sa mga magasing ito ay ang "Telembang" at ang muling binuhay na "Lipang Kalabaw", na nagtataglay ng mga satirikong cartoons laban sa mga Amerikano at mga pederalista. Ang dalawang komiks na ito ay maaaring ituring na nagpasimula sa mga komiks sa Pilipinas. • Noong 1946, lumabas ang unang regular na nailalathalang magasin ng komiks, ang Halakhak Komiks. Tumagal lamang ang Halakhak ng sampung edisyon dahil sa kakulangan ng maayos na distribusyon. Hindi tuluyang namatay ang industriya ng komiks dahil noong 1947, lumabas ang Pilipino Komiks, sa ilalim ng pamamahala ni Tony Velasquez. Ito ay nagbukas ng daan para sa iba pang magasin ng komiks na mailathala. • Pagkatapos nito ay sunod-sunod na lumabas ang mga naging sikat na komiks tulad ng Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950. Ang unang komiks ng Silangan ay lumabas noong March 15, 1950 sa ilalim ng pamamahala ng editor na si Ben Cabailo, Jr.. Ipinagmalaki nito ang mga pinakabata at magagaling na dibuhista ng panahong iyon: Nestor Redondo, Alfredo Alcala, Nolasco "Noly" Panaligan, Elpidio Torres, at Antonio de Zuniga. Isa sa mga sumikat na kuwento mula sa Silangan ay ang "Prinsipe Ahmad, Anak ni Aladdin", na likha ni Alfredo P. Alcala. • Ilang linggo matapos ilabas ang unang komiks ng Silangan, inilathala ang Aksiyon Komiks ng Arcade Publications. Naging editor nito si Eriberto Tablan, at sina Alfredo Alcala at Virgilio Redondo ang mga punong ilustrador. Sumunod sa mga ito ang Bituin Komiks (April 1950), Bulaklak Komiks (August 1950), Pantastik Komiks (October 1950) Hiwaga Komiks (1950), Espesyal Komiks (1952), Manila Klasiks (1952), at Extra Komiks (1953). Dito nagsimula ang isa sa pinakamalaking industriya ng komiks sa buong mundo, kaya noong kalgitnaan ng 1950s, hindi man opisyal ay itinuring ang komiks bilang pambansang libro ng mga Pilipino. • Lumawak pa ang mga ginamit na anyo sa paggawa ng komiks. Noong 1950s, kumuha ng inspirasyon ang komiks mula sa ibang anyo ng literatura tulad ng komedya, alamat, mga paniniwala at maging sa mitolohiyang Pilipino. Ang mga naunang komiks na Tagalog ay mayaman sa mga kwentong patungkol sa aswang, kapre, nuno sa punso, tikbalang at iba pang mga karakter na mga sinaunang paniniwala ng mga Pilipino. • Lumawak pa ang mga ginamit na anyo sa paggawa ng komiks. Noong 1950s, kumuha ng inspirasyon ang komiks mula sa ibang anyo ng literatura tulad ng komedya, alamat, mga paniniwala at maging sa mitolohiyang Pilipino. Ang mga naunang komiks na Tagalog ay mayaman sa mga kwentong patungkol sa aswang, kapre, nuno sa punso, tikbalang at iba pang mga karakter na mga sinaunang paniniwala ng mga Pilipino. • Ang ilang komiks ay hinango ang mga ideya ng karakter sa mga komiks ng Amerika, tulad ng Kulafu at Og (Tarzan), Darna (Wonder Woman o Superman), at D.I. Trece (Dick Tracy). • Sa panahon ng Martial Law, ipinatanggal ang ilan sa mga nilalaman ng komiks. Ipinag-utos din ang paggamit ng murang papel para sa komiks. Naapektuhan nito ang itsura at kalidad ng komiks, kaya naman bumaba ang benta ng mga ito sa pagpasok ng dekada 80's. • Nagresulta ito sa pag-alis ng mga ilustrador ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa parehong industriya sa Amerika. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño, Tony de Zuniga, Rudy Nebres, at Nestor Redondo. • Pagkatapos ng Martial law, muling namuhunan ang industriya ng komiks sa mga makabagong mambabasa. Drama ang naging usong tema sa komiks, sa pagpapasikat ng mga manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral. • Ang pagbabalik ng interes sa komiks ay tumagal lamang hanggang sa simula ng 1990s kung kailan nagsimula nang mahumaling ang mga Filipino sa ibang anyo ng paglilibang tulad ng video games, karaoke, 'pocket book novels', 'cellphones', at sa bandang huli - Internet at text messaging. • Maraming gumagawa ng komiks ang nagtipid sa produksyon, binawasan ang sweldo ng mga manunulat at dibuhista, gumamit ng murang papel, at dinamihan ang mga pahinang nakatuon sa showbiz kaysa sa komiks. Dahil sa baba ng sweldo, ang mga manggagawa sa industriya ng komiks ay nawalan na ng gana sa paggawa ng mga bagong istorya. Ang mga manunulat ay napilitang ulitin na lamang ang mga lumang kwento, at ang guhit ng mga ilustrador ay pangkaraniwan na lamang. Samakatuwid, hindi na nito nasasalamin ang mayamang tradisyon ng komiks na nasimulan noon. • Sa taong 2005, wala ng kahit anong kumpanya o malaking tagalimbag ng komiks sa Pilipinas. Ang mga naiwan ay ang mga maliliit na lamang na naglalathala ng sariling titulo ng komiks.