Anda di halaman 1dari 2

Guro, tanglaw ng buhay ko

Ang pagmamahal ng isang guro sa kanyang mga estudyante ay katulad ng pagmamahal ng mga magulang sa
kanilang mga anak.
Ang pagiging isang guro ay hindi biro. Ito ay isang tungkulin na dapat nilang gampanan. Hangad ng bawat
guro na ang lahat ng mga kabataan ay matutong magsulat, magbasa at magkaroon ng magandang asal at gawi.
Sila ang itinuturing nating pangalawang mga magulang kapag tayo ay nasa paaralan. Ang mga guro ay
maihahambing natin sa isang kandila na nagbibigay liwanag sa isip at buhay ng mga bata. Kapag may mga bagay
tayong hindi naiintindihan ay pilit nila itong ipauunawa sa atin. Handa sila gumabay sa lahat ng ating mga
panganailangan sa abot ng kanilang makakaya. Hindi sapat ang simpleng pasasalamat upang maipabatid natin ang
ating pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa ating buhay.
Kahit pagod na ang mga guro ay patuloy pa rin sila sa pagbibigay liwanag sa ating buhay. Kahit mawalan sila
ng oras sa kanilang mga sarili at pamilya ay hindi alintana ng mga guro magampanan lamang nila ang tawag ng
kanilang tungkulin. Mabigat man ang ang kasiyahan sa kanilang mga mukha dahil maraming buhay ang nabibigyan
nila ng liwanag.
Sila rin ang nagsisilbing tulay kung bakit natin naaabot ang ating mga pangarap sa buhay. Humuhubog sila
ng isang matibay na pundasyon ng ating pagkatao.
Nais ng mga guro na tamang landas ng buhay ang ating tahakin upang magkaroon tayo ng magandang
kinabukasan pagdating ng hinaharap.
Ang mga dakilang guro ang tanglaw ng ating buhay, noon, ngayon bukas at magpakailanman.///
( John Lorenz Limjoco)
SALAMAT sa iyo, mahal na guro
Siya ang gabay tungo sa aking kinabukasan.
Alam naman natin na ang pagtuturo ay hindi isang birong propesyon. Ang pagiging guro ay
nangangailangan ng sapat na karanasan sa pakikipagkapwa-tao,may positibong pananaw sa sarili,
may disiplina, may bukas na isipan at higit sa lahat mayroong mahabang pasensya sa lahat ng
bagay.
Hindi natin masasabing napakaperpekto ng ating mga guro at ito ay aking naiintindihan.
Sino ba naman ang hindi magsasawa? Limang taon, sampung taon?o marahil hingit pa at ang iba
pa nga ay binuhos na nila ang kanilang buhay sa pagtuturo. Ito ang kanilang trabaho,hindi
nagbabago at hindi madali. Oo nagbabago nga pala,nagbabago taun-taon ang mga estudyanteng
kaharap nila. Mga estudyanteng iba-iba ang ugali at may iba’t ibang personalidad. Kung tutuusin,
kay hirap maging guro sa kakarampot na kinikita at natitiyak kong hindi ito sapat. Paano pa kung
may problema sila sa lanilang bahay? Dadagdagan pa ng pasakit sa mga estudyanteng matitigas
ang ulo. Sa tingin ninyo sapat ba ang kita nila sa trabaho mabigat na nakapasan sa kanilang
balikat.
Sa lahat ng kasalanan, ang ganti namin ay pasasalamat sa walang tigil ninyong suporta sa amin Akala
ng iba ang pasasalamat na ito ay isang kaunting bagay lamang,ngunit sa bawat ngiti at patak ng
luha nila’y hindi matutumbasan o mabibili ng kahit anumang halaga.
Sa aking mga guro, maraming- maraming salamat! Kayo na rin ang isa sa naging
pundasyon sa aking buhay. Kayo ang tunay na bayani!///(Princess David)

Anda mungkin juga menyukai