Anda di halaman 1dari 6

Araling Panlipunan 6

Unang Markahan
Aralin 3

I. LAYUNIN:
2.2. Natutukoy ang teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang
Batas ng 1987
Napahahalagahan ang mga teritoryo ng Pilipinas na
nasasaad sa Saligang Batas ng 1987
Naitatala ang ilang mga teritoryong saklaw ng ating bansa
ayon sa Saligang Batas ng 1987

II. NILALAMAN:
Teritoryo ng Pilipinas Batay sa Saligang Batas

III. KAGAMITAN PANTURO:


A. Sanggunian : AP6PMK-Ia-2
Lakbay ng Lahing Pilipino,
ph.103-104
Pilipinas Bansang Papaunlad,
ph.64- 66

B. Iba pang kagamitan : activity sheet, laptop, projector,


powerpoint presentation

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.

2. Balik Aral
Anu-anong kasulatan ang nagsasaad ng laki, lawak at
hangganan ng Pilipinas?
Anong pulo ang napadagdag sa teritoryo ng Pilipinas sa
bisa ng Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya?
Ano ang isinasaad ng Treaty of Paris of 1898 tungkol sa
teritoryo ng Pilipinas?

3. Panimulang Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot.

1. Anong Artikulo ng Saligang Batas 1987 ang


nagtatadhana ng pambansang teritoryo ng Pilipinas?
A. Artikulo I C. Artikulo III
B. Artikulo II D. Artikulo IV

2. Ilang milyang palabas papuntang dagat ang hangganan


ng teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas 1987?
A. 2 C 4
B. 3 D. 5

3. Ang kapuluan ng Pilipinas, kasama ang lahat ng mga


pulo at karagatang nakapalibot dito ay teritoryo ng
Pilipinas. Saan nakapaloob ang katotohanang ito?
A. Kasaysayan C. Atas ng Pangulo
B. Saligang Batas D. Doktrinang
Kapuluan

4. Ang mga sumusunod ay bumubuo sa pambansang


teritoryo ng Pilipinas maliban sa isa. Alin ito?
A. dagat teritoryal
B. kalawakang panghimpapawid
C. ilalim ng dagat at kailaliman ng lupa
D. iba pang teritoryo na wala sa hurisdiksyon ng
Pilipinas

5. Ang Sulu Sea at Celebes Sea ay mga dagat na


matatagpuan sa Pilipinas. Ito ba ay kasama sa teritoryo
na ari ng Pilipinas? Bakit?
A. Oo, nasasaad sa Doktrinang Pangkapuluan ng
Pilipinas
B. Oo, ang mga ito ay pag-aari ng Pilipinas batay sa
Kasaysayan
C. Oo, kabilang ang mga ito sa teritoryong nasasaad sa
Atas ng Pangulo Blg. 1596
D. Oo, itinatadhana ng Saligang Batas na lahat ng ilalim
ng lupa at dagat na sakop ng Pilipinas ay kasama sa
teritoryo nito.

Susi sa Pagwawasto
1. A 2. B 3. B 4. D
5. D

B. Pagganyak
ASLGNGAI ATASB
Anong salita ang mabubuo ninyo mula sa jumbled letters?
Sa palagay ninyo, ano ang kaugnayan ng Saligang Batas sa
lawak at hangganan ng teritoryong sakop ng Pilipinas?

C. Paglalahad ng Aralin
Sa pamamagitan ng slides ilahad ito sa mga bata. Ipabasa
at ipaunawain ang isinasaad nito.

Saligang Batas 1987

Artilulo I, Seksyon 1 ( Pambansang Teritoryo )

Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang


Pilipinas kasama ang lahat ng pulo at karagatang
nakapaloob dito at lahat ng iba pang teritoryo na
nasa ganap na kapangyarihan ng Pilipinas kasama
ang dagat teritoryal ang bahagi ng dagat na
umaabot ng tatlong milya ang sukat mula sa
pinakamababang bahagi ng baybayin ng pulo, ang
kalawakan, ang kailaliman ng lupa,ang ilalim ng dagat
at mga kalapagang insular at nag-uugnay sa mga
pulo ng kapuluan maging anuman ang lawak at sukat
ay bumubuo sa panloob na karagatan ng Pilipinas

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan
Batay sa inyong pagkaunawa sa inyong binasa ano ang
isinasaand sa Artikulo I Seksyon 1 ng Saligang Batas ng
Pilipinas 1987?
Anu-ano ang bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas batay sa
Saligang Batas?

Gawain I
Punan ang concept map

Bumubuo sa
Teritoryo ng
Pilipinas Ayon
sa Saligang
Batas
Gawain 2
Pangkat I
Panuto: Isa-isahin ang bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas ayon
sa Saligang Batas

Pangkat 2
Punan ng impormasyon ang talahanayan. Sundan ang
halimbawa

Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng


Kailaliman ng lupa Tumutukoy sa lupang nasa ilalim ng
kalupaan

Pangkat 3
Buuin ang sumusunod na talata

Nakasaad sa Artikulo I ng Saligang Batas 1987 ang


pambansang teritoryo ng Pilipinas. Batay dito ang
pambansang teritoryo ng kapuluang Pilipinas ay binubuo ng
______________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

E. Paglinang sa Kabihasaan
Pag-uulat ng bawat pangkat ng kanilang awput
Anong kasulatan ang nagtatadhanan ng pambansang teritoryo
ng Pilipinas?
Ano ang isinasaad sa Saligang Batas 1987 tungkol sa teritoryo
ng ating bansa?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.


Bilang isang mamamayang Pilipino, paano ma ipakikita ang
pagpapahalga sa teritoryong sakop ng ating bansa?
Ipaliwanag

G. Paglalahat ng Aralin
Anu-ano ang mga bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas ayon sa
Saligang Batas ng 1987?

H. Pagtataya ng Aralin
Basahin at unawaing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot.

1. Anong kasulatan ang nagtatadhana ng pambansang


teritoryo ng Pilipinas?
A. Saligang Batas C. Kasunduan sa Paris
B. Atas ng P angulo D. Doktrinang Pankapuluan
2. Ayon sa Saligang Batas 1987 ilang milya palabas
papuntang dagat ang sumasaklaw sa hangganang ng
bansa?
A. 2 C 4
B. 3 D. 5
3. Ang dagat teritoryal, karagatang insular at kalawakang
panghimpapawid ay bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas
ayon sa
A. Kasaysayan C. Atas ng Pangulo
B. Saligang Batas D. Doktrinang
Kapuluan
4. Tinanong ka ng iyong guro kung anu-ano ang bumubuo sa
teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas. Alin sa mga
sumusunod ang isasagot mo?
1. dagat teritoryal
2. kalapagang insular
3. kalawakang panghimpapawid
4. ilalim ng dagat at kailaliman ng lupa
5. iba pang teritoryo na wala sa hurisdiksyon ng
Pilipinas
A. 1, 2, 3 at 5 C. 1, 2, 3 at 4
B. 2, 3, 4 at 5 D. 1, 3, 4 at 5
5. Paano mo mapatutunayan na ang Sulu Sea at Celebes Sea
kasama sa teritoryo na ari ng Pilipinas?
A. Nasasaad ito sa Doktrinang Pangkapuluan ng Pilipinas
B. Ang mga ito ay pag-aari ng Pilipinas batay sa
Kasaysayan
C. Kabilang ang mga ito sa teritoryong nasasaad sa Atas
ng Pangulo Blg. 1596
D. Itinatadhana ng Saligang Batas na lahat ng ilalim ng
lupa at dagat na sakop ng Pilipinas ay kasama sa
teritoryo nito.

Susi sa Pagwawasto
1. A 2. B C. B 4. C
5. D
I. Karagdagan Gawain para takdang aralin at remedyasyon
1. Gumawa ng concept map tungkol sa teritoryo ng Pilipinas
ayon sa Saligang Batas.

2. Ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipnas sa


ekonomiya at politika ng Asya at mundo?

Inihanda ni:

MARILYN A.
ESCOBILLA

Anda mungkin juga menyukai