Anda di halaman 1dari 1

Ang wika ay sinasalitang tunog na may masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang

arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa iisang kultura. Ang wika ay
dinamiko na patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa
taong gumagamit at kulturang nabuo sa lipunan. Lumalago ang bokabularyo ng wika kapag may
nadadagdag sa mga bagong salita na dulot ng pagkamlikhain ng tao at pagsabay nito sa modernong
panahon. May mga salita ring namamatay dahil hindi na ginagamit at itinuturing sa kasalukuyan na
hindi na naaayon sa panahon o luma na.

MASISTEMANG BALANGKAS - Kapag sinabing masistema, ang ibig ipakahulugan nito ay may kaayusan
o order. Bawat wika kung ganoon ay may kaayusan o order ang istruktura. May dalawang
masistemamg balangkas ang wika: ang balangkas ng mga tunog at ang balangkas ng mga
kahulugan. Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsasama-sama sa isang sistematikong
paraan upang makabuo ng mga makahulugang yunit tulad ng mga salita. Gayundin, ang mga salita ay
mapagsasama-sama upamg makabuo ng mga parirala at sugnay/pangungusap.
Ang mga pangungusap ay mapagsasama-sama upang makabuo ng talata at makabuluhang diskurso.
Halimbawa: Ang mga makahulugang tunog sa Filipino na /p/, /a/, /l/ at /a/, ay masistemang
mapagsasama-sama tulad sa /pala/, /lapa/ nang may kahulugang ibinibigay. Gayundin namang
mapagsasama ang salitang pala at kalawangin upang makabuo ng pariralang kalawanging pala o
palang kalawangin. At mula sa pariralang ito ay makabubuo ng pangungusap na tulad ng: Ginamit ng
mga kabataan sa paglilinis ng kanal ang kalawanging pala.

Ang bawat wika sa daigdig ay mga sari-sariling masistemang balangkas. Halimbawa nito, sa wikang
Filipino ay maaaring makabuo ng pangungusap kahit walang pandiwa tulad ng Mahirap ang buhay
kolehiyo. Samantalang sa wikang ingles ang lahat ng pangungusap ay palaging may pandiwa. Ang
ingles ay mayroon lamang dalawang panlapi: prefix at suffix, samantalang sa Filipino ay lima: unlapi
(kaklase), gitlapi (kumain), hulapi (sulatan), kabilaan (kabuhayan) at laguhan (pinagsumikapan). May
verbalizing power din ang ating wika. Halos lahat ng pangalan sa ating wika ay pwedeng gawing
pandiwa: tao-Tauhan mo ang tindahan.; damit-Damitan mo ang iyong kapatid,; bulaklak-
Namumulaklak na ang mga gumamela.

Anda mungkin juga menyukai