Halimbawa:
Halimbawa:
Halimbawa:
Modyul sa FILIPINO
Angkop na Gamit ng Pandiwa
I – Pamagat:
IV – Layunin
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
a. Makakakilala ng pagkakaiba ng tatlong angkop na gamit ng pandiwa
b. Matutukoy ang angkop gamit ng pandiwang gagamitin sa mga
pangungusap
c. Magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ang anumang
matutunan tungkol sa tatlong angkop na gamit ng pandiwa.
Basahing mabuti ang mga pangungusap at tukuyin kung ano ang gamit ng
mga pandiwang may salungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Aksiyon
2. Karanasan
3. Aksiyon
4. Aksiyon
5. Pangyayari
A. Aralin I
AKSIYON
Ang unang gamit ng pandiwa ay pagpapahayag ng aksiyon.
May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng
kilos.
Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga
panlaping: -um, mag-, ma-, mang-, maki-, mag-an.
Maaaring tao o bagay ang aktor.
Halimbawa:
1. Umalis ang nanay kahapon patungong probinsiya.
2. Makikipagkita si Leo kay Marta mamayang alas nuebe.
3. Sumunod si Angel sa lahat ng payo ng kanyang butihing ama-amahan.
4. Umaawit ako tuwing umaga.
5. Namimitas si Ezra ng gulay sa hardin tuwing Sabado.
Pandiwa: Aktor:
Umalis nanay
Makikipagkita Leo
Sumunod Angel
Umaawit ako
Namimitas Ezra
KARANASAN
Ang ikalawang gamit ng pandiwa ay pagpapahayag ng
karanasan.
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may
damdamin. Dahil dito, may nakakaranas ng damdamin na
inihuhudyat ng pandiwa.
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o
damdamin/emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas
ng damdamin o saloobin.
Halimbawa:
1. Nagulantang ang lahat sa masasakit na pananalita ni Nadine.
2. Labis na nanibugho si Michael sa panlilinlang sa kanya ng kasintahang si
Ligaya.
3. Nalungkot ang lahat nang malaman ang masamang pangyayari.
4. Namangha si Cupid sa kagandahan ni Psyche.
5. Naawa ang ale sa nabundol na bata.
Pandiwa: Aktor:
Nagulantang lahat
Nanibugho Michael
Nalungkot lahat
Namangha Cupid
Naawa ale
PANGYAYARI
Ang ikatlong gamit ng pandiwa ay pagpapahayag ng
pangyayari.
Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Halimbawa:
1. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
2. Naglayas si BJ dahil sa pagmamaltrato ng kanyang ina.,
3. Nasira ang buhay ni Choco nang dahil sa droga.
4. Nagpatiwakal ang dalaga sa labis na pagdaramdam.
5. Nalunod ang bata sa kapabayaan ng kanyang magulang.
Pandiwa; Pangyayari;
Nalunod sa matinding baha
Naglayas dahil sa pagmamaltrato ng
kanyang ina
Nasira dahil sa droga
Nagpatiwakal sa labis na pagdaramdam
Nalunod sa kapabayaan ng kanyang
magulang
Paalala: Kung ang iyong Iskor ay 8-12,binabati kita sapagkat malinaw mong
naintindihan ang angkop nag gamit ng pandiwa kaya maari ka ng tumuloy
sa sunod na aralin. Kung ang iyong Iskor naman ay 7 pababa, pag-aralang
muli ang araling binasa at saguting muli ang pagsasanay hanggang
makakuha ka ng Iskor na 8 pataas.