Anda di halaman 1dari 5

Ang sintesis o buod ay ang pinakamahalagang

kaisipan ng anumang teksto. Ito ay isang bersyon ng


pinaikling teksto o babasahin. Ito ay ang paglalahad
ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong
nakuha mula sa tekstong binasa na nasa yamang
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Marapat
lamang na maging malinaw sa pagpapahayag.
Kqilangan panatilihin ang mga binanggit na katotohan
o mga puntong binibigyang diin ng may akda.
Ang sintesis o buod ay ang pinaikling impormasyon
sa isang kwento, pangyayari o impormasyong
mahaba at hindi madaling maintindihan. Hindi ito
panibagong bersiyon ng kwento, kundi ito ay pinaikli
ngunit taglay pa rin nito ang pinakamahahalagang
impormasyon sa isang akda. Ikinakapit dito ang
salitang "sumaryo" sa layuning panatilihin ang mga
mahahalagang impormasyon ng pangyayari o
katotohanan na hindi nangangailangan ng maraming
paliwanag o pagpapahayag.

Taglay pa rin ng sintesis ang pagkakaugnay-ugnay


ng mga kaganapan, pangyayari at mga sitwasyon
sa kwento. Hindi ito dapat lumihis sa impormasyon
kundi panatalihing matibay ang mga katotohanang
taglay nito sa mas malinaw na paraan ng
paglalahad. Ang mga punto ng may-akda ang siyang
bibigyan ng halaga dito.
ANG SINTESIS O BUOD AY….
1. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
2. Ilahad sa pamaraang nyutral o walang kinikilingan.
3. Pinaiksing bersyon at gamit ang sariling pananalita ng
gumawa.
4. Tala ng indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa
narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu,
usap-usapan at iba pa.
MGA KATANGIAN NG SINTESIS O BUOD
1. May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o
impormasyong wala sa orihinal na teksto.
4. Gumamit ng mga susing salita.
5. Gumamit ng sariling salita.

Anda mungkin juga menyukai