Paghahanda para sa District School Press Conference, ISINAGAWA
AUGUST 09,2017
NALALAPIT na naman ang paligsahan na tinatawag na District School Press
Conference na kung saan ang mga piling mag-aaral ay may kanya kanyang mga kategoryang lalabanan. Bilang paghahanda ng aming paaralan, samu’t saring mga batikang manunulat ang inimbitahan ng mga guro para maglahad ng kanilang mga nalalaman na tunay namang makatutulong saamin. Ang mga bisitang ito ay siyang tulay upang mahasa pa kaming mga manunulat.
Tatlong araw na seminar ang isinagawa sa aming paaralan na kung saan ay
kayraming mga kaalaman ang siyang pumasok sa aming mga isipan. Bagama’t mayroon na kaming karanasahan noong mga nagdaang taon, kinakailangan pa din ng bawat isang malaman ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng mga mahuhusay na manunulat para makakuha kami ng magagandang puntos para makalikha ng naggagandahang mga artikulo.
Sa unang araw ng seminar, naririyan ang pagtuturo sa amin sa kategorya ng
Editorial Cartooning, Editorial Writing, Copy Reading at Headline Writing. Ang pinaka nagustuhan ko sa mga kategoryang ito ay ang kategorya ng CopyReading at panghihina naman ng loob sa kategorya ng Editorial Cartooning. Sa kadahilanang, may karanasahan na ako sa CopyReading at ni isa namang karanasahan para sa Editorial Cartooning ay wala. Ngunit ang rasong walang karanasahan ay nabura mula noong tinuruan kami sa tamang pagguhit.
Pag-aaral ng mga litrato naman ang pinaka nagustuhan ko sa ikalawang araw
ng seminar o tinatawag na Photojournalism. Sa kategoryang ito, nalaman ko ang tamang pagkuha ng mga litrato at ang tamang page edit nito. Bagama’t hindi kami nakapag-workshop sa kategoryang ito, nakuha pa din naman namin ang kinakailangan naming mga kaalaman.
Tunay na napakagandang kahandaan itong ginawa ng aming paaralan para sa
darating na patimpalak. Naging mas mahuhusay pa ang bawat isa na masasabi mong handa nang sumabak sa gera na may dala ng mga sandata.