Anda di halaman 1dari 3

Lalawigan ng CALABARZON

Cavite
Ang Kabite o Cavite (Kastila at Ingles: Cavite) ay isang lalawiganng Pilipinas na matatagpuan
sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30
kilometro sa timog ng Maynila. Imus at Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro
ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite
ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan
ang Dagat Timog Tsina.

Laguna
Ang Laguna ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan
sa bahaging CALABARZON sa Luzon. Santa Cruz ang luklukan ng pamahalaan nito at
matatagpuan sa timog-silangan ng Kalakhang Maynila, timog ng lalawigan ng Rizal, kanluran
ng Quezon, hilaga ng Batangas at silangan ng Cavite. Halos pinapaligiran ng Laguna
ang Laguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa bansa. Nakuha ng lalawigan ang pangalan
nito mula sa Kastilang salita na lago, na nangangahulugang lawa.
Kilala ang Laguna bilang pook ng kapanganakan ni José Rizal, ang pambansang bayani ng
Pilipinas. Kilala din sa mga dayuhang namamasyal ang Talon ng Pagsanjan, Liwasang Bayan
ng Pila, Laguna, ang mga inukit na kahoy na nilikha na mga tao sa Paeteat Pakil, ang mga
maiinit na bukal sa Los Baños sa gulod ng Bundok Makiling at ang Hidden Valley
Springs sa Calauan.
*Isa pang tradisyon ng Laguna ang ANILAG Festival. Ito ay isang linggong pagdiriwang na
nangyayari sa buwan ng Marso. Ang ANILAG Festival ay ginaganap sa pamamagitan ng
pasasalamat sa mga taong nagbasbas noong mga nakaraang taon. ANILAG Festival ay
ginaganap sa pamamagitan ng beauty pageants, pagsayaw, pagbubunyag ng pagkain, at
woodcarving competitions. Isa pa sa pagiging tradisyon, Ang ANILAG Festival ay isa rin sa
pagbibigay daan sa gobyerno ng Laguna upang i-iskaparate ang kahanga-hangang senaryo,
ang masasaganang lokal na kay sarap na pagkain, at alangan, ang mga talento ng mga lokal
nito. Habang nangyayari ang festival, isang daang Pilipinong turista sa iba’t ibang panig ng
mundo pati narin ang mga dayuhang nais din magtipon para saksihan ang engrandeng taunang
selebrasyon.
Lalawigan ng CALABARZON

Batangas
Ang Batangas ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi
ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran
ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde
Island Passages sa timog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina.
Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong panturismong malapit sa Kalakhang Maynila.
Maraming mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa magagandang pook sisiran
o "diving spots" kasama ang Anilao sa Mabini, ang pulo ng Sombrero sa Tingloy, pulo ng Ligpo sa
Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na kilala bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar ay
ang Matabungkay sa Lian, Punta Fuego sa Nasugbu, Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa Batangas
din matatagpuan ang tanyag na Bulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa
Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang
Maynila.
Lalawigan ng CALABARZON
Rizal
Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitnang bahagi ng isla ng Luzonsa Pilipinas. Pinapaligiran ito
ng Kalakhang Maynila sa kanluran, sa hilaga ang Bulacan, sa silangan ang lalawigan ng
Quezon, at Laguna sa timog. Pinangalan ang lalawigan na ito sa pambansang bayani ng
Pilipinas na si Gat. Jose Rizal.

Quezon
Ang Quezon, dating Tayabas ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Calabarzon sa pulo
ng Luzon. Ipinangalanan ang lalawigan kay Manuel L. Quezon ang ikalawang Pangulo ng
Pilipinas na nagmula sa bayan ng Baler na noo'y sakop pa ng lalawigan. Ang kabisera nito ay
ang lungsod ng Lucena.
Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa
kanluran, at ang Camarines Norteat Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay
namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi
ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas.

Anda mungkin juga menyukai