Anda di halaman 1dari 5

Bangar, La Union

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan ________________________________________ Iskor ______


Petsa ______
A. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ang daigdig ay may pitong (7) kontinente at ang itinuturing na pinakamalaki ay ang _________.
a. Africa b. Antartica c. Asia d. Australia at Oceania
_____2. Ang kontinente na nakararanas ng lahat ng klima sa mundo ay________.
a. Africa b. Antartica c. Asia d. Europe
_____3. Ang Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo ay nasa kontinente ng ______.
a. Africa b. Antartica c. Asia d. Australia at Oceania

_____4. Ang pangunahing linya ng latitude na nasa 0 ay ang ________.
a. Ekwador b. international date line c. longhitud d. prime meridian
_____5. Ang kontinente na sobrang lamig at itinuturing na isang disyerto ay ang ______.
a. Antartica b. Australia at Oceania c. Europe d. North America
_____6. Ito ang tawag sa pinakamalaking masa ng lupain sa daigdig
a. Bansa b. Bundok c. Kontinente d. Talampas
_____7. Anong tema ng heograpiya ang tinutukoy sa pahayag na, “Ang Pilipinas ay kasapi ng Association of Southeast
Asian Nations”?
a. Interaksyon b. Lokasyon c. Paggalaw d. Rehiyon
_____8. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang
pisikal o kultural?
a. Lokasyon b. Lugar c. Paggalaw d. Rehiyon
_____9. Alin sa mga sumusunod na pahayaga ng tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga Kristiyano
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West
Philippine Sea
_____10. Ang ikalawang pinakamalaking kontinente at pinaniniwalang dito tumira ang kauna-unahang tao sa mundo
kaya naman ay tinaguriang Cradle of Human Race.
a. Africa b. Asia c. Europe d. North America
_____11. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa lokasyon bilang isa sa mga tema ng heograpiya MALIBAN sa
________.
a. Ang kontinente ng Asya ay napalibutan ng Pacific Ocean sa silangan, Indian Ocean sa timog, at Artic Ocean
sa hilaga.
b. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Canada at New Zealand upang magtrabaho.
c. Ang Bacnotan ay nasa katabing bayan ng Balaoan at San Juan.
d. Ang South Korea ay nasa 37◦ 33’ N, 126◦ 58’ E.
_____12. Alin sa mga sumusunod na anyong tubig ang matatagpuan sa kontinente ng Asya?
a. Amazon River b. Dead Sea c. Hudson Bay d. Nile River
_____13. Saang kontinente matatagpuan mga sumusunod na lugar?
Sahara Desert Pyramids Egypt
a. Africa b. Antartica c. Europe d. North America
_____14. Ito ang tawag sa kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa matagal na panahon.
a. Hangin b. Klima c. Panahon d. Ulan
_____15. Ano ang tawag sa pag-aaral sa mga katangian ng daigdig at interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran?
a. Antropolohiya b. Ekonomiks c. Heograpiya d. Kasaysayan
_____16. Ang teoryang nagpapaliwanag na dating magkaugnay ang mga kontinente subalit unti-unti itong umaanod
nang pahiwalay ay ang _________.
a. Continental Drift Theory c. Theory of Creation
b. Teorya ng Ebolusyon d. Teorya ng Dalawang Magkaibang Tipo ng Kontinente
_____17. Ito ang tema ng heograpiya na tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
a. Interaksyon b. Lokasyon c. Paggalaw d. Rehiyon
_____18. Ang malaking tipak ng lupain na tinatawag na super continent na nang kalaunan ay nagging pito (7) matapos
ang napakaraming mga taon ay ang __________.
a. Aegean b. Big Bang c. Nebular d. Pangea
_____19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa interaksyon ng tao at kapaligiran bilang isa sa tema ng
heograpiya?
a. Pangingisda ang isa sa mga aktibong ikinabubuhay ng mga tao sa Pilipinas sanhi ng napapalibutan ng dagat
ang bansa.
b. May tropikal klima ang Indonesia
c. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamayan ng Saudi Arabia
d. Kasapi ang Pilipinas sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)
_____20. Ang pinakamaliit na kontinente sa daigdig na katatagpuan ng mga hayop tulad ng koala at kangaroo ay ang __.
a. Africa b. Antartica c. Asia d. Australia at Oceania
_____21. Ang itinuturing na kaluluwa ng isang kultura ay ang _____.
a. Lahi b. Pangkat Etniko c. relihiyon d. wika
_____22. Ano ang tawag sa mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga taong kumikilala sa isang
makapangyarihang nilalang o diyos.
a. Lahi b. Pangkat Etniko c. Relihiyon d. wika
_____23. Batay sa talahanayan, aling pamilya ng wika ang may pinakamaraming taong gumagamit?
Pamilya ng Wika Bahagdan ng mga Nagsasalita
Afro-Asiatic 5.81
Austronesian 5.55
Sino-Tibetan 20.34
Indo-European 46.77
Niger-Congo 6.91
a. Afro-Asiatic b. Indo-European c. Niger-Congo d. Sino-Tibetan
_____24. Ang relihiyong may pinakamaraming tagasunod ay ang ______.
a. Buddhismo b. Hinduismo c. Jainismo d. Kristiyanismo
_____25. Ito ang tawag sa pagkakakilanlang bayolohikal ng pangkat ng mga tao.
a. Lahi b. Pangkat Etniko c. Relihiyon d. Wika
_____26. Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
a. Mahirap makamit ang pagunlad ng ekonomiya
b. Maraming sigalot sa bansa
c. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkaintindihan
d. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
_____27. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba
ng kanilang mga paniniwala?
a. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
b. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad ang relihiyon
c. Gawing makatwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon
d. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkaibang relihiyon
_____28. Ang Homo sapiens ay tinaguriang ________.
a. Taong mabilis kumilos c. Taong naglalakad ng tuwid
b. b. Taong gumagamit ng kamay d. Taong nag-iisip
_____29. Bakit tinawag na handy man ang Homo habilis?
a. Dahil nakapaglalakad na ito ng tuwid c. dahil ito ay nag-iisip na
b. Dahil may katangian na itong lumikha ng kagamitang bato d. dahil ito ay may kakayahan nang magsaka
_____30. Ang tawag sa taong nakapaglalakad ng tuwid ay _____.
a. Australopithecus b. Homo erectus c. Homo habilis d. Homo sapiens
_____31. Ano ang tawag sa panahon ng matanda o lumang bato?
a. Asia Minor b. Neolitiko c. New Age d. Paleolitiko
_____32. Ano ang pagbabagong naganap sa Panahong Neolitiko dahil sa paglaganap ng malawakang pagsasaka?
a. Naging palaasa ang tao sa kalikasan c. Gumawa na ng kagamitang bato ang mga tao
b. Natuklasan din ang paggamit ng apoy d. Permanenteng nanirahan ang mga tao sa isang lugar
_____33. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa
Panahong Prehistorya?
I. Agrikultura III. Labis na pagkain
II. Kalakalan IV. Pangangaso
a. I, II, III, IV b. II, I, IV, III c. IV, I, II, III d. IV, I, III, II
_____34. Aling pahayag ang may MALING impormasyon tunkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
a. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko
b. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko
c. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
d. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal
_____35. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan?
a. May klimang tropikal ang mga bansang malapit sa ekwador
b. Napapaligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin
c. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay daan sa pagtatag ng unang
imperyo ssa daigdig
d. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangan dulot ng Nile sa mga sinaunag taong
naninirahan sa mga lambak nito
_____36. Ang mayamang lupaing nasa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates ay tinawag na _________.
a. Mesopotamia b. Nubia c. Phoenicia d. Sahara
_____37. Ang Fertile CrescentI ay matatagppuan sa ______.
a. Africa b. Asia c. Europe d. South America
_____38. Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China?
a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
b. Nanirahan ang mga tao sa ilog
c. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan
d. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan
_____39. Ano ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnang umusbong sa daigdig?
a. China b.Egypt c. India d. Sumer
_____40. Ito ang ilog na itinuturing ng Pighati ng Tsina.
a. Huang Ho b. nile c. Tigris-Euphrates d. Yangtze
_____41. Ang humuhubog sa kabihasnan ay ang ______.
a. Heograpiya b. klima c. kultura d. pulitika
_____42. Ano ang tutumutkoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinikitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
a. Imperyo b. kabihasnan c. kalinangan d. lungsod
_____43. Bakit itinatag ng Dinastiyang Ch’in ang Great Wall of China?
a. upang magsilbing imbakan ng mga pananim
b. upang maging bantayog ng kadakilaan ni Emperador Shih Huang Ti
c. upang maging himalyan ni Emperador Shih HuangTi
d. upang hadlangan ang paglusob ng mga nomadiko sa hilaga ng China
_____44. Anong bansa ang tinaguriang biyaya ng Ilog Nile?
a. China b. Egypt c. India d. Sumer
_____45. Ang mga ito ang naging bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at nagsilbing kanilang libingan.
a. Hanging Gardens b. Pyramids c. Taj Mahal d. Ziggurat
_____46. Ang katagang ito ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta
ng punong rubber o goma.
a. Dravidian b. Egyptian c. Olmec d. Teotihuacan
_____47. Ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian na nangangahulugang sagradong ukit ay tinawag na ____.
a. Baybayin b. calligraphy c. cuneiform d. hieroglyphics
_____48. Sa kasalukuyan, ang Mesopotamia ay tinatawag na _______.
a. Iran b. Iraq c. Syria d. Turkey
_____49. Aling bansa ang tinawag na Zhungguo o Gitnang Kaharian?
a. China b. Japan c. Mongolia d. South Korea
_____50. Ang reyna ng Egypt na kinikilala na isa sa pinakamahusay na babaeng pinuno sa kasaysayan ay si _______.
a. Cleopatra b. Hatshepsut c. Nefertiti d. Tutankhamon
_____51. Gumamit ng magagaspang na bato ang mga tao noong Panahaong _______.
a. Mesolitiko b. Microlith c. Neolitiko d. Paleolitiko
_____52. Ipinakita ng mga gawaing ito ang kahalagahan ng relihiyon sa buhay ng mga Sumerian MALIBAN sa ______.
a. Gumawa ng templo ang mga Sumerian na kilala sa tawag na ziggurat
b. Sentro ng buhay panlipunan at pang-ekonomiya ang mga templo
c. Ang mga paring-hari ang namamahla sa pagtatanim at pag-aani ng mga produkto
d. Mayroong diyos ang bawat lungsod at pinamamahalaan ito ng isang haring-pari
_____53. Bakit iniembalsamo ng mga taga Egypt ang kanilang patay?
a. Naniniwala silang dapat maayos na ilibing ang mga patay
b. Naniniwala silang muling mabubuhay ang mga patay
c. Hindi makakapasok sa langit ang kaluluwa ng isang hindi naembalsamo
d. Naniniwala ang mga taga Egypt na sasanid sa isang katawan ang kaluluwa at habambuhay na mabubuhay ito
_____54. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa kasaysayan ng Egypt ang unang naganap?
a. Sinakop ng Persia ang Egypt
b. Naging bahagi ng Imperyong Romano ang Egypt
c. Pinag-isa ang itaas (upper) at ibabang (lower) mga kaharian ng Egypt
d. Nilusob ng Egypt ang mga Hyksos
_____55. Ang Great Pyramid na siyang pinakamalaki sa buong daigdig ay ipinatayo para kay Pharaoh ______.
a. Amehotep b. Khufu c. Pepi II d. Tutankhamon
_____56. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabubuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon
ang HINDI nararapat maganap sa iyong lungsod-estado?
a. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay
b. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay
c. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod
d. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-eatado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito
_____57. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao
noong Panahaong Paleolitiko?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan
b. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan
c. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop
d. Walang papabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain
_____58. Bakit karapadat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlaf sa Mesoamerica
a. Dahil itinatag ang mga mauunlad na kabihasnang ito sa America
b. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang
itinatag sa Asia at Africa
c. Dahil napanatili parin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyan
d. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga haon
ng kaligiran sa kanilang buhay
_____59. Ano ang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon?
a. Limitado ang mga naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnanakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng
mga istruktura nito
b. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa
kasalukuyan
c. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimento ng mga sinaunang Tsino
d. Umanib sa mga relihiyong itinatatag noong unang panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
_____60. Paano piinahahalagahan sa kasalukyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunag tao?
a. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kaya’t kaunti lamang ang kanilang mga ambag
b. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagwa ng mga kahanga-hangang bagay sa
daigdig
c. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon
d. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan

Anda mungkin juga menyukai