Anda di halaman 1dari 4

Ang Aking Talambuhay

Ako si Jaine Gatdula Mendoza, panganay na anak nina Gng. Analyn Gatdula Mendoza at G.
Joselito Lagurin Mendoza, ako ay isinilang noong Setyembre 18, 1996. Ang aking ina ay tatlumpung
taong gulang na nakapagtapos ng Bachelor of Elementary Education sa Laguna State Polytechnic
University sa San Pablo City. Ang aking ama naman ay 42 taong gulang na isang undergraduate ng
Bachelor of Science in Agriculture sa Don Severino Agricultural College sa Indang, Cavite. Ang aking nag-
iisang kapatid ay si Joselyn Gatdula Mendoza, labing-isang taong gulang nakasalukuyang nasa ikalimang
baitang sa Paaralang elementary ng Imok, Calauan Laguna.

Ang aking pag-aaral sa eskwelahan ay nagsimula noong ako’y apat na taong gulang pa lamang.
Pumasok ako sa Imok Day Care Center nang taong 2001 at naging guro ko si Gng. Juliet Abril. Sa araw ng
pagkilala ay ginawaran ako ng Unang Karangalan. Taong 2002 hanggang 2008 ay tinapos ko ang aking
Elementarya sa Paaralang Elementarya ng Imok, Calauan Laguna. Sa mga panahong ito ay sinikap kong
mag-aral ng mabuti upang suklian ang pagmamahal at suporta ng aking mga magulang. Sa una, ikatlo,
ikaapat, ikalima at ikaanim na baitang ay nakakuha ako ng Unang Karangalan ngunit nang ako’y nasa
ikalawang baitang ay nakatanggap ako ng ikalawang karangalan.

Nang mga panahong ito, ako ay nahilig sa pagsali sa mga Quiz Bee sa iba’t-ibang asignatura sa
desisyon ng aking mga gurong tagapayo, pati na rin sa Story Telling at tie dyeing. Sa kabila naman ng
pagkawili ko sa mga pang-akademikong gawain ay masasabi kong hindi ako nahumaling sa sports tulad
na lamang ng volleyball, table tennis at iba pa.

Sa pagtatapos ko ng elementarya, taong 2008. Nagtapos ako bilang mag-aaral na nagkamit ng


unang karangalan, Calauan Municipal Government Award, Rural Bank of Calauan Monetary Award, Liceo
De Calauan Award, IKASAKA Multi-purpose Cooperative Award at Parangal ng Bise-gobernador bilang
Batang Lider 2008. Ang araw na iyon na hinding-hindi ko malilimutan ang nagbigay sa akin ng lubos na
kaligayahan na naging dahilan ng di ko namalayang pagluha dahil sa saya na aking naramdaman. Tila
pinawi nito ang mga pagod na aking pinagdaanan at higit pa sa aking inaasahan ang aking nakamit.

Taong 2008-2009 ay sinimulan ko ang pagpasok sa Sekondarya, ang ikalawang yugto na aking
pag-aaral. Ang aking unang taon ay sa Dayap National High School Calauan Annex. Ako ay nasa I-A St.
Joseph bilang gurong tagapayo si G. Teofilo B. San Jose, ang gurong nagturo sa akin ng napakaraming
bagay at nagpatunay sa akin na “dapat mong mahalin ang sarili mo kung sino at ano ka”. Ang aking oaras
ay itinuon ko sa pag-aaral at nahilig ako sa pagiging Editorial writer ng dyaryong Foliage at naging Scout
Patrol Leader din ako ng Girl Scout sa aming paaralan. Sa araw ng pagkilala ay pinarangalan ako ng
Model Student Award, Medal of Self-Reliance, Best in Social Studies, Best in Science at Unang
Karangalan.

Taong 2009-2010 ako ay nasa ikalawang taon ng sekondarya bilang gurong tagapayo si Gng.
Jenelyn Latayan sa II-A St. Jude. Dito nanatili pa rin ako sa mga dati kong gawain at pinasik ko rin ang
Supreme Student Government at nahalal bilang Bise-presidente ng naturang samahan. Ginampanan ko
ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya para sa aking paaralan, guro at kamag-aaral. Sa
pagtatapos ng aking ikalawang taon ay ginawaran ako ng Ikalawang pwesto sa Spelling bee sa aming
paaralan, Best in English, Best in Mapeh, Best in Filipino, Best in Science at Unang Karangalan.
Taong 2010-2011, Ikatlong taon ng aking pag-aaral ng sekondarya ay lumipat ako sa Col. Lauro D.
Dizon Memorial National High School, San Pablo City. Dito, ako ay nasa III-b bilang gurong tagapayo si G.
Lorenza Umali at Bb. Ana Lee. Tunay na napakahirap ng aking nagging sitwasyon dahil sa wala pa akong
mga kakilala at para bang lahat ay bago sa aking paningin ngunit ginawa ko ang aking makakaya para
mapaunlad pa lalo ang aking sarili. Nang tumagal... halos kalaghatian na ng taon ay nagkaron na ako ng
kumpiyansa sa aking sarili at naging komportable ako sa mga bagay sa aking paligid. Nagkamit din ako
ditto ng ikalawang pwesto sa Essay writing contest sa pagdiriwang ng English week sa aming paaralan.

Sa kasalukuyan, taong 2011 ako ay nasa ikaapat na taon na ng sekondarya at malapit ng


magtapos sa ikalawang yugto ng aking pag-aaral. Ako ay nasa IV-Archimedes bilang gurong tagapayo si
Gng. Rosy Audije. Ngayon ay marami na akong natutunan sa bawat pangyayaring dumaan sa aking
buhay.

Sa aking pag-aaral, ang aking ginugustong asignatura ay Science, Filipino at English ngunit
masasabi ko na hindi talaga ako kagalingan pagdating sa Matematika.

Sa pagdaan ng mga araw ay nahilig ako sa musika na dati ay parang wala lang sa aking pandinig.
Sa tulong ang aming SK Councilor na si Andrew Romero ay nabuo ang bandang “Mouthpeace” na
kinabibilangan nina Cloyd Guevarra na lead guitarist, Axel Rose Maligalig na tumutugtog ng rhythm,
Embert Pajadan na drummer, Elaiza, Uriah Rose Maligalig at Andrew bilang mga mang-aawit at ako
bilang bassist ng banda. Hindi man ako ang tipong magaling maggitara ay pinipilit kong paunlarin ang
aking talent. Halos lahat ng oras na wala akong mabibigat na gawain ay itinutuon ko sa aking gitara. Ang
aming unang pagtatanghal ay noong nakaraang Agosto 15 sa isang Open Jam sa San Roque, Alaminos
Laguna at sinundan naman ito ng isa pang Open Jam sa Masiit, Calauan Laguna at ang huli naming
tugtugan ay sa aming barangay sa Imok sa pagdiriwang ng aming kapistahan. Ang gawaing ito ang
nagpapasaya sa akin sa araw-araw at ito ang talentong bigay sa akin ng Diyos na hinding-hindi ko
sasayangin.

Ang aking pangarap pagkatapos ng sekondarya ay pumasok sa kolehiyo sa kursong Public


Administration at itutuloy sa Law sa kagustuhan na rin ng aking mga magulang at dahil na rin sa aking
pagpili. Alam kong isa ito sa mahirap na parte ng pag-aaral ngunit gagawin ko ang aking makakaya para
masuklian ang lahat ng suporta ng aking mga mahal sa buhay at para na rin mapatunayan ko na hindi ko
sasayangin ang buhay na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon.

Lubos ang aking pasasalamat sa mga taong nagging malaking parte ng aking buhay. Ang aking
mga kaibigan na lagging nandyan para sa akin, mga guro, kamag-anak, kabanda, pamilya at higit sa lahat
ay sa Panginoon. Sa huli, masasabi ko na tanggap ko kung ano at sino ako sa paningin ng ibang tao
ngunit pinipilit kong maging mabuti sa lahat.
Journal Entry # 5

Kakatapos ko lang basahin ang sanaysay ni Benilda Santos na pinamagatang, “Ang Pagsasa-salita sa
Laman: Panimulang Suri sa Diskurso ng Pornograpiya”. Tungkol ito sa pornograpiya na nakikita sa mga
magasin at ang mga epekto nito lalo na sa kababaihan. Nagustuhan ko ang sanaysay na ito dahil may
kinalaman ito sa pinili kong paksa para sa aking English 12 research paper.

Ang aking English 12 research paper ay tungkol sa “objectification” ng mga babae sa media. Nagsaliksik
ako at nakapagkuha ng mga impormasyon ukol sa paksang ito ngunit hindi ko maibabahagi lahat dahil
marami-rami. Ang maibabahagi ko lang ay yung sagot sa tanong sa huli ng sanaysay ni Benilda Santos.
Sinulat niya, “Paano ito [ang isyu ng pornograpiya] haharapin?” Madalas sagot ng tao ay “censorship”
ngunit mahirap itong makamtan dahil laganap nga ang media. Ang suhestiyon ko ay ang pagpapalaganap
na lang ng alternatibong media (alternative media).

Ano nga ba ang alternatibong media? Ang alternatibong media ay nagbibigay ng mga opurtunidad upang
mapakita ang tunay na tungkulin ng mga babae sa lipunan. May mga iba’t ibang halimbawa nito. Ang
una ay ang mga “zines”. Ang mga “zines” ay mga magasin na gawa sa bahay o yung tinatawag na home-
made. Madalas ang mga “zines” ay may mga “forums” na ginagamit upang turuan ang mga babae na
maging kritikal sa mga nakikita nila sa media. Dahil dito, hindi sila agad-agad naloloko ng media. Alam
nila na hindi totoo na ang tungkulin ng babae ay tagapagbigay ng “kasiyahan” sa lalaki. Alam din nilang
kaya nilang tumayo sa sarili nilang mga paa kahit walang lalaki.

Ang pangalawang halimbawa ng alternatibong media ay mga libro. Ang tanong ay kung anong klaseng
mga libro? Ang Adios, Barbie: Young Women Write About Body at Identity and Body Outlaws: Rewriting
the Rules of Beauty ni Ophira Edut ay mga halimbawa nito. Ang mga babaeng mambabasa ay binibigyan
ng mga librong ito ng mga alternatibong pagtingin o perspektibo sa kanilang mga katawan. Ang mga ito
ay nagbibigay rin ng mga payo na makakatulong sa mga babae sa pagharap sa mga problemang tulad ng
“sexualization” at “objectification” sa media.

Ang pangatlong halimbawa ng alternatibong media ay ang Internet. May mga websites din na para
talaga sa mga babae. Tinuturuan din silang maging kritikal sa kulturang tinatanggap ng lipunan. Mga
halimbawa ng mga websites na ito ay Girls Inc. (http://www.girlsinc.org/index.html), Girls, Women, +
Media Project (http://www.mediaandwomen.org/resources.html) at Teen Voices or Women’s Express
(http://www.teenvoice.com).

Sa kabuuan, ibig kong lalo pang mapalaganap ang alternatibong media dahil mas kaya itong maitatag
kaysa sa “censorship”. Kung pwedeng gamitin ang media upang baluktutin ang imahen ng mga babae sa
lipunan. Pwede ring gamitin ang media upang ituwid ang baluktot na imaheng ito.
Talaraawan

Ngayong araw na ito ang pinaka nakakainis sa lahat. Akala ko noon makakalimutan ko siya ngunit kahit
anong paraan ang aking gawin para bang hindi siya maalis sa aking isip. Sa tuwing madidinig ko ang mga
tawagang Mhine para bang bumabalik ako sa dating ako ngunit dahil exam ngayon kailangan kong ilagay
sa isang tabi ang lahat ng mga nasa isip ko ngayon at dapat ituon ang mata sa pag aaral. Subalit para
bang nakakalimutan ko ang aking mga pinag aralan halos nawala lahat. Kaya naman naisipan kong
basahin muna ang mga tanong bago ito sagutin baka sakaling maalala ko ang aking mga pinagaralan.

Anda mungkin juga menyukai