Anda di halaman 1dari 38

Ang Dakilang Kaibigan

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa
laban. Sila ay sina Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang
mapatay na lahat kung hindi uurong.

Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya para sa kaibigan.
May usapan pa naman sila na walang iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para magpaalam.

“Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa siya ng labanan.”

“Hindi maaari,” sabi ng kapitan. “Ayokong ipakipagsapalaran ang buhay mo sa isang taong maaaring
patay na.”

Alam ni Arman na mapanganib ang magbalik sa lugar ng labanan kaya ayaw siyang payagan. Nang
gumabi ay tumakas siya sa kanilang kampo. Gusto niyang balikan ang kanyang kaibigan. Hindi siya
matatahimik hangga’t hindi niya ito nakikita. Kung namantay ito sa labanan. Makita man lang niya ang
bangkay at mapanatag na siya.

Nang magbalik si Arman sa kabilang kampo ay sugatan siya. Marami siyang sinuong na panganib. Galit
na sinalubong siya ng kapitan.
“Sabi ko na sa iyo na patay na ang kaibigan mo. Ngayon, malamang na mamatay ka na rin dahil sa mga
sugat mo. Ano ang halaga ng ginawa mo, sabihin mo nga?” galit na tanong ng kapitan.

“Kapitan, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko siya. Bago siya nalagutan ng hininga sa aking
kandungan, naibulong pa niya sa akin, utol, alam kong babalikan mo ako.”

Parang napahiya ang kapitan. Hindi na siya nakipagtalo pa, agad niyang ipinagamot si Arman sa mga
kasamahan nila. Naglakad-lakad siya sa paligid ng kampo nang gabing iyon. Hindi siya makatulog. Naiisip
niya ang kanyang kaibigan sa kanyang pangkat. Tulad ng kaibigan ni Arman, hindi rin ito nakabalik sa
kampo nang sila’y umurong. At hindi niya ito binalikan para hanapin.

Aral:

Ang tunay na kaibigan ay hindi nang-iiwan.

Matutong sumunod sa nakatatanda o nakatataas sa iyo upang maiwasang mapahamak.


Maikling Kwento

MGA ELEMENTO

1. TAUHAN

Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro
ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

2. TAGPUAN/PANAHON

Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan
nagaganap ang mga pangyayari.

3. SAGLIT NA KASIGLAHAN

Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng
mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN

Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay


maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.

5.KASUKDULAN

Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

6. KAKALASAN

Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

7. WAKAS

Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o
pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit
nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

MGA URI

May siyam na uri ng maikling kuwento:

1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

3. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

4. Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari


na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan
ang paglalarawan ng kaisipan.
8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.

9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

MGA BAHAGI

1.Simula-ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing


tauhan

2.Gitna-ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian
naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3.Wakas-Ang katapusan ang kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya,


malungkot, panalo o talo. Kung minsan binibitin ng awtor ang wakas.

MGA SIKAT NA MANUNULAT:

Deogracias A. Rosario

Manunulat ng Maikling Kwento – Panahon ng Amerikano

Deogracias A. Rosario

Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Manila, si

Deogracias A. Rosario

ay ang Amang Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa.Isa nang manunulatsa gulang na 13, una siyang
nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sabansa na nakatulong nang husto sa
pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog

Genoveve matute

ay isang premyadong kuwentistang Pilipino. Siya ay isa ring guro at may-akda ng aklat sa Balarilang
Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay
nasa anyong nobela o maikling kwento.Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong
Disyembre 2, 1945.

Amado V. Hernandez

Ipinanganak siya sa Sagrada Familia saHagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo Manila.

Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang
Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng
Mabuhay.

Macario Pineda

Ipinanganak si Pineda sa Malolos, Bulacan noong Abril 10, 1912 sa mag-asawang Nicanor Pineda at
Felisa de Guzman. Bata pa lang siya nang yumao ang kanyang ina, at pinakasalan ng kanyang ama si
Marcelina Alcaraz noong siya'y 13 taong gulang.

Anda mungkin juga menyukai