Anda di halaman 1dari 9

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan

ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot
sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.
Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa
wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng
pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda


at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga
tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na
talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas

Talumpating Pampalibang:

Tuwing buwan ng Disyembre nariyan ang ibat't ibang pagdirawang at isa sa pinaka-
pinagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ay ang pasko, makikita mo riyan ang mga
magkakamag-anak na sabay sabay na nagsisimba, at sabay sabay na nagdarasal sa loob ng
tahanan ng Diyos nagpapasalamat sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap.

Talumpating Panghikayat:

Mga kaibigan, nais ko sanang hingin ang inyong kaunting sandali, kung kayo ay
nangangailangan ng hanapbuhay na makapagbibigay ng salapi para sa inyong pangangailangan
maaari kayong tumungo sa aming gaganaping seminar sa susunod na linggo. Ang magaganap
na seminar ay maaaring makapagbigay ng magandang buhay para sa inyong kinabukasan.
Aasahan po namin ang inyong pagdalo, maraming salamat po! Iyon lamang at maraming
salamat.

Talumpating Nagbibigay Kabatiran:

Maraming mga sakuna ang nagdaraan taon-taon sa ating bansa. Ang mga sakunang ito
ay hindi natin inaasahan at ni hindi natin batid kung kailan ito darating. Walang sino man ang
nakaaalam o makapagsasabi kung kailan hahagupit ang mga sakunang ito kundi isang
Bathalang makapangyarihan na siyang lumikha.

Talumpating Pampasigla:
May kanya kanya tayong mga pangarap na nais tuparin may mga taong nais maging
Doktor, nais nilang makapang-gamot at sumagip ng mga hiningang naghihingalo, may mga
taong gustong maging isang alagad ng batas na gustong tumulong upang puksain ang mga
krimem at sanhi ng pagdami ng krimen nariyan din ang mga nangangarap na maging guro na
gustong magbahagi ng kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. Bawat isa sa atin ay may mga
pangarap ngunit di natin ito matutupad kung tayo'y hindi magsisikap, ang tinutukoy na
pagsisikap ay pagsisikap sa pag aaral.

Talumpating Pagbibigay Galang:

May mga mahal tayo sa buhay na piniling lumayo sa sariling bayan upang maghanap ng
mas maaayos na ikabubuhay, pinili nila ang mangibang bayan para takasan ang paghihirap na
kanilang nararanasan hindi para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil batid nilang
mas magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga inawang mahal sa buhay dito sa
lugar na tinubuan. Talumpating pang-akit:

Magandang umaga po! Sa panahon natin ngayon may mga pagbabagong dapat
mangyari sa ating lugar, mga gawain na dapat aksyonan at mga gawaing hindi dapat
ipagpaliban, kaya nga't kailangan natin ng pagbabago upang maisagawa ang mga dapat
isagawa, kaya kong gawin ang mga iyon ngunit sa tulong niyo mga kaibigan hindi malabong
mababaon lamang sa wala ang inyong tiwala, sa pamamagitan ng inyong tulong mas magiging
maunlad, mapayapa, at maganda ang ating lugar kaya't sana sa darating na halalan sana'y
ibigay niyo sa akin ang inyong tiwala at siguradong hindi ito mapupunta o hahantong sa wala.
Iyon lamang po mga kaibigan at magandang umaga sa inyong lahat!

Talumpating Papuri
Tuwing sumasapit ang huling araw ng taon ipinagdiriwang natin ang araw ng isang
pinakatanyag na bayani ng ating bansa, maraming tao ang lubos na nakakababatid kung sino
ang bayaning ito. Siya ay kilala sa lupang tinubuan at maging sa iba pang panig ng mundo.
Ngunit sa pagiging tanyag niya, batid ba natin ang tunay na kwento ng pahina ng kanyang
buhay? Simulan natin ito nang siya ay musmus pa, noon pa man pansin na ang kayang
katalinuhan, nakapagbasa siya sa gulang na ang mga musmus na katulad niya ay mahirap o
hindi pa batid ang ganitong gawain, hanggang sa siya'y naging isang manunulat, marami siyang
mga akdang nilikha base na rin sa kanyang mga naging kasanasan. magpasalamat sa kanyang
nagawa dahil kundi sa katulad niyang bayani, hindi natin
mararanasan ang buhay na tinatamasa natin ngayon!
Edukasyon: Susi sa Tagumpay

Talumpati ni Joan M. Dueñas

Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam na natin na ito ay
pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw nating

gawain ay kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng ating pamumuhay. Habang
tayo ay lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang ating isipan at kaalaman. Mula dito, nag-
uumpisa

tayong makihalubilo sa ibang tao o kapwa na ating makikilala sa paaaralan. Ang ating guro ang
nagsisilbing pangalawang magulang at mga kamag-aral ay intinutring din na ating pamilya.

Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang makapagtapos. Kayamanan ito para sa
kanila dahil ito lang ang maipamamana nila sa atin. Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang

kinabukasan ng bawat tao at para magkaroon ng magandang hinaharap. Hindi hadlang ang
kahirapan para sa pagtatagumpay. Kung mahirap ka man, maraming paraan para makamit mo
ang

iyong tagumpay. Kailangan mo lang ipakita ang iyong katatagan, pagiging maabilidad at
pagkakaroon ng lakas ng loob upang makaisip ng paraan upang ikaw ay makapagtapos ng
pagaaral.

Ipakita ang pagtitiyaga, pagsusumikap at pagtitiwala natin sa ating Panginoon para makamit
natin ang ating tagumpay.

Sa mundong ito, hindi ganoon kadaling mamuhay lalo na kung wala kang sapat na kaalaman.
Habang tumatagal, nagiging kumplikado ang lahat. Nagkakaroon ng problemang hindi madaling
solusyunan. Ngunit kung mayroon kang mabisang sandata, malalampasan mo ito. Pangalawa sa
Diyos, Edukasyon ang mabisang panlaban sa problema at pagsubok.

Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami
pang bagay. Ang kaalamang natututunan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat
sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay
sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat
na magbanat ng buto. Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating
mga karapatan at ang kaakibat na mga pananagutan.

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang
takbo ng ating buhay. Matibay ang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan at pagunawa
bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa iba’t ibang asignaturang tinuturo sa atin ng mga
guro at ng ating mga magulang.

Ang edukasyon ay katumbas ng isang imbisibol na susi, tulay, hagdan, at sandatang


panghabambuhay na bitbit ng bawat isang tao na magagamit nila sa kani-kanilang paglalakbay at

mga hakbang na dadaanan sa buhay. Kung wala ito, mahihirapan ang tao na abutin ang kanilang
mga pangarap at mithiin sa mundong ito.

Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Kung tayo ay mayroon nito, magagawa
nating buksan ang ating puso at isipan na pagsikapan ang tagumpay na gustong makamtan. Ito ay

tulay upang malalagpasan natin ang lahat ng bagay na humahadlang sa atin na maabot ang ating
kapalaran. Isa itong hagdan upang maakyat natin ang mga bundok na humaharang sa ating

pagkatagumpay. At ito ay isang sandata laban sa lahat ng kahirapan na mararanasan sa pagkamit


ng pangarap.

Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay. Gaya ng lagi nating
naririnig sa ating mga magulang na edukasyon lamang ang kanilang maipamamana sa atin. Ito
ang

dahilan kung bakit sila ay nagpapakahirap magtrabaho para mabigyan lamang tayo ng
magandang edukasyon o pag-aaral. Kaya naman, huwag natin sayangin ang kanilang paghihirap,
mag-aral

nang mabuti at pagsikapang makamit ang minimithi.


Tunay ngang napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa buhay ng tao. Subalit ang
kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay hindi sapat upang maituring na edukado ang isang tao

kaya’t nararapat na de kalidad ang edukasyon na natatanggap ng mga Pilipino.


Edukasyon

Talumpati ni Farah Grace Jimena

Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian,


palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.

Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan ating pag-uusapan
ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang
umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan
mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong ating inaasam.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag-unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan
na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na
makagpapadali ng ating pamumuhay, lalung-lalo na ng mga kabataan.

Kahit saang dako ka man ngayon tumingin, marami ng mga internet café ang nagkalat. Iba’t ibang model
na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong mga nag-aaral sa pribadong
paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito ba ay ginagamit natin sa tamang paraan?

Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag-aaral. Katulad sa mga pananaliksik.
Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na
datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo, encode mo lang ang topikong hinahanap, mag-antay ka lang
ng ilang segundo, binggo na! Makikita mo na ang hinahanap mo.

Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa mga panahon ng
kagipitan. Hindi mo na kailangan pang mag-antay ng ilang buwan maipadala at tumanggap lang ng sulat.
Sapagkat sa isang text lang, minuto lang aantayin mo… tanggap kaagad.

Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiyang makabago. Sa
halip na sa pagpapaunlad ng karunungan ito gagamitin, ginagamit nila ito sa walang kuwentang bagay. Sa
halip na magresearch para sa assignment… DOTA, counterstrike, YM at Facebook ang inaatupag.
Mayroon din diyan na pakikipag-textmate ang pinagkakaabalahan.
Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahan. Ang siste, nakikipag-textmate sa
kung kanino na lamang. Pagdating sa klase bagsak si nene, inaantok, walang assignment. Pagkatapos
magpapadala sa mga magagandang quotes, mag-a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa
huwisyo ang kinabukasan, malulugmok sa putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga
makabagong teknolohiya. Tsk tsk tsk…

Hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging
sandata na maipagsasanggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa
nitong maitama ang mga maling paniniwala na bunga ng kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit
ng kahirapan.

Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t
kaugalian. Ito ang makinang na kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba ninyo na sa buong mundo,
Pilipino ang tinitingala ng mga dayuhan pagdating sa kulturang kinamulatan? Kung kaya’t maraming mga
dayuhang ang piniling mag-asawa ng isang Pilipino nang dahil sa ating kultura.

Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba, masunurin, at magalang na
lipi. At ito dapat ang magiging katangian ng ating mga kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga
kabataan ang mga ganitong uri ng mga katangian ay mapapadali ang ating pag-unlad. Magkakaroon ng
matiwasay na pagsasama. Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.

Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang makinang na daan sa
pakikipagkaibigan. Dito nalilinang ang mga kakayahan na sangkatauhan. Nahahasa rin dito ang tiyaga ng
mga kabataan sa pagkamit ng tagumpay. Kung ang bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na
palakasan, mapapalayo sila sa bisyo. Bagkus, mararagdagan pa ang mga kaalaman at kakayahan nito sa
pagsunod sa agos ng buhay. Hindi lamang pisikal na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang
emosyonal at intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang magandang pagsasamahan.

Kayat mahal kong mga tagapakinig, lalung-lalo na sa mga kabataang tulad ko, huwag nating antaying
mawala ang lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama-sama nating yakapin at tanggapin
ang mga aspektong makapagbibigay sa atin ng lakas na makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating
kamay ang pag-unlad na inaantay ng ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang pag-asa ng bayan.
Talumpati Tungkol sa Edukasyon

Mula sa TakdangAralin.ph

Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang. Ang pagkakaroon natin ng sapat na
edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa uri ng lipunan na ating
ginagalawan ngayon, talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.

Hindi sapat ang makatungtong lamang sa paaralan at matuto ng simpleng pagbasa at pagsulat. Ang uri ng
edukasyon sa bagong milenya ay ang pagkakaroon ng natapos na kurso para tayo ay makasabay sa
progresibong teknolohiya na ginagamit sa ating mga modernong pangkabuhayan.

Edukasyon ang natatanging gamot sa kamangmangan. Ang pagkakaroon ng salat at kulang na kaalaman
sa maraming bagay ang siyang nagiging balakid upang hindi natin makamtan ang ating mga gustong
makamit at marating sa buhay.

Sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho, ang unang tinatanong ay ang antas ng ating pinag-
aralan. Mahirap ang walang natapos na kurso dahil palagi tayong napag-iiwanan sa anumang larangan.
Dahil dito mga mababang uri at pasahod na trabaho ang karaniwang ibinibigay sa atin.

Dito na tayo nasasadlak at mahirap na ang pag-angat sa mas mataas pa na posisyon. Wala tayong
magagawa dahil ito ang reyalidad at tunay na kalakaran sa mga taong kulang ang pinag-aralan.

Ang kawalan ng edukasyon ng isang indibidwal ay mistulang isang kapansanan ng kaniyang pagkatao.
Mayroon tayong mga naririnig pero hindi natin lubos na naiintindihan, mayroon tayong nakikita ngunit
hindi natin sadyang maintindihan.

Ganito ang ating kahihinatnan, animo’y mga bulag at bingi sa may malinaw na mata at taynga. Ito po ay
patunay lamang na talagang napakahirap ng maging isang mangmang sa lipunan. Ikaw nanaisin mo bang
mapabilang sa mga ganitong uri ng mamamayan ng ating lipunan? Sana ang inyong kasagutan ay hindi.
Katulad ng isang buto ng anumang uri ng halaman, ang taong may pinag-aralan saan man itapon ay
kusang mabubuhay. Maging sa mga banyagang lupain man, kaya nating tumayo at makipagsabayan sa
anumang uri ng buhay.

Malayo sa takot at pang-aapi. Kapag ikaw ay may pinag-aralan kaya mong lumaban ng patas at malayo sa
panlalamang ng kapwa mo.

Ang edukasyon ay para sa lahat, ito ang programa ng ating pamahalaan ngayon. Ang natatangi na lang
nating obligasyon ay ang tulungan ang ating mga sarili. Maging mapursigi sana tayo para lubusan nating
mawakasan ang hirap ng kamangmangan, hindi lamang para sa ating kinabukasan bagkus ay para sa ating
inang bayan.

Walang pinipiling edad ang edukasyon. Hanggang mayroon tayong pagkakataon at oras para makapag-
aral ay samantalahin natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-bahala. Masarap ang tumunganga at
tumambay sa buhay pero wala ng sasaklap at hihirap pa sa kalagayan ng taong walang natapos sa buhay.

Tanggalin po natin sa ating mga kaisipan na ang edukasyon ay para sa mga mayayaman lamang. Sa ating
mga ordinaryo at mahihirap na tao mas higit nating kailangan ang edukasyon sa ating buhay. Hindi
lamang ito mag-aahon sa atin sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang natatanging pamana sa atin ng ating mga
magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.

Sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon sana ay gamitin natin ito sa tamang pamamaraan. Maging
responsable sana tayong mamamayan at huwag lamang ipagyabang ang natutunang aral.

Maging mabuti tayong ehemplo lalo na sa mga kabataan. Ibahagi ang inyong mga dunong at huwag itong
ipagkait lalo na sa mga nangangailangan.

Sana ay nabigyan ko kayo ng mga butil ng kaalaman na magsisilbing gabay at inspirasyon niyo sa buhay.
Sana sa pag-uwi ninyo sa inyong mga tahanan ay baunin ninyo ang mga aral ng buhay na magbibigay sa
inyo ng pagkakataon upang higit pang pag-isipan ang kahalagahan ng aral at edukasyon sa buhay ng isang
tao.

Anda mungkin juga menyukai