Anda di halaman 1dari 31
Research is a blinddate with the unknown. — ¥. Rosas Research is an indispensable tool for national development. - 888 EEERR Kahulugan 3.1. PANANALIKSIK: KAHULUGAN, IAYUNIN, KATANGIAN AT URI xe "Lads Re May iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pananaliksik. Halos bawat awtor ay may kani-kaniyang depinisyon sa terminong ito. Sa kabutihang-palad, bagama't may iba't ibang ininalok ang iba't ibang dalubhasa, kakikitaan naman ng mga komong elemento ang kanilang mga depinisyon. Pansinin natin ang ilan sa mga ito na isinalin ng mga may akda ng aklat na ito sa Filipino. Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy ra suliranin tungo sa Klaripikasyon at/o resolusyon nito Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. ‘Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematilong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin, Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tivak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esonsyal na gawain—ang paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksil. Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos 0 impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel:1976). Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananalikeik Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E, Trece at J.W. Trece (1973) na nagsasaad ng ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin, Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at ekeplanasyon, Bilang paglalagom sa mga naunang depinisyon, maaari natin magamit ang kasunod na sipi mula kina Calderon at Gonzales (1993): EEN riLariNor] Formulated ina more comprehensive form, research may be defined as a purposive sgstematie and scenific proces of gathering, analyzing, clsfyng, xganicing, presenting | and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, Sr invention, for the | discovery of truth, or for the expansion or verification of existing knwwled, oll for the | preservation and improvement of the quality of human life. SESE layin ‘Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao, Lahat ag uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nina Good at Scates (1972). The purpose of research is to serve man and the goal is the good life. Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: a, Upang makadiskubre-ng mga bagong kaalaman hinzgil sa mga batid nang penomena. Halimbawa: Ang alkohol ay isa nang batid na penomenon at sa pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina. b. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon Halimbawa: Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaacing malunasan na sa hinaharap. c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto. Halimbawa: Sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa komunikasyon at teknolohiya, napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga makabagong kagamitan tulad ng kompyuter, cell phone, fax machine at iba pa. Inaasahan na bunga ng patuley na pananaliksik sa larangang nabanggit, higit sa sopistikado at episyente ang mga kagamitang maiimbento at gagamitin natin sa hinaharap. DSSS) (I d. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. Halimbawa: Dati-rati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang (92) elements, ngunit bunga ng pananaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100). e. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements, Halimbawa: Bunga ng pananaliksik, napag-alaman ang mga negatibong epekto ng metamphetamine hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong isang ipinagbabawal na gamot. f Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan, Halimbawa: Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag- aaral sa hayskul ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan upang ipasya ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang edukasyon kung kaya’t sa kasalukuya'y ipinatutupad ang Basie Education Curriculum 0 BEC. g. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik. Halimbawa: Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna'y nakaimbento ng tinatawag na incubator, ‘bh. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman. Halimbawa: Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring ma-verify ng mga mananaliksik ang mga kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik o di kaya nama'y maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga katangian at kalikasan ng mga isda na maaaring pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at maging ng mga mamimili. Sa paaralan, karaniwan nang pinapagsaliksik ang mga mag-aaral Isa itong akademikong pangangeilangan sa halos kahit na anong larangan o disiplina, Ang dahilan nito'y ang katotohanang walang larangan o disiplina ang hindi maaaring umagapay sa patuloy na nagbabagong panahon. Samakatwid, ang pananaliksik ay isang esensyal na pangangailangan sa ano mang propesyon. Kung gayon, masasabing ang paggawa ng ao pananaliksik sa akademya ay isang paghahanda sa propesyong pinagpapakadalubhasaan ng mga mag-aaral na kalaunan ay kanilang kabibilangan, at isa rin itong pagsasanay sa siyentipikong pagdulog sa paglutas ng mga suliranin sa makatotohanang larangan na tinatawag nating...buhay. Kaakibat ng pananaliksik ang pagsulat ng papel-pampananaliksik 0 pampamanahong-papel. Sa mga paaralang gradwado, tisis o disertasyon ang tawag dito. Isa itong paraan ng pag-oorganisa at paglalahad ng mga datos na nakalap sa pananaliksik. Isa itong pinakamahusay na manipestasyon ng kasanayan sa akademikong pagsulat na ayon sa ilang pag-aaral ay hindi gamay ng maraming Pilipinong mag-aaral. Kung tutuusin, may mga propesyunal na ngang hindi pa rin nakasusulat ng mga akademikong ulat na kailangan sa kani-kanilang propesyon. Samakatwid, ang pagsulat ng papel-pampananaliksik o pampamanahong- papel ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin sa akademya. Ito ang pangunahing layunin ng aklat na ito na inaasahang makakamit sa pamamagitan ng mga pagtalakay, gawain at pagsasanay sa mga kasuned na liksyon. Ey Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahagi ng liksyong ito ay mahahango na natin ang mga sumusunod na katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng sapat na pagpapeliwanag sa mga kasunod na talataan: a, Ang pananaliksik ay sistematik. May sinusunod itong preseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa pagtukias ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik. b. Ang pananaliksik ay kontrolado. Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant, Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura na pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung- lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik. c. Ang pananaliksik ay empirikal. Kailangang maging katanggap- tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng isang silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid.na iyon. Samakatwid, ang bilang ng tao ay isang datos na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang multo sa loob ng isang silid, 137. maaaring sang-ayunan yon ng isa o dalawa, Ibig sabihin, ang iba ay maaaring tumutol at sabihing wala namang multo o kaya'y hindi naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang mga multo ay halimbawa ng mga di-empirikal na datos, d, Ang pananaliksik ay mapanuri. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pang. estadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik. e. Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling. Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang puwang dito ang mga pansariling pagkiling Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo. Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan. Halimbawa, ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsyento), isa sa sampung mag-aaral (ratio) at limang tanong bawat respondente (distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytib na datos, kumpara sa mga-pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na istatistikal na halaga. g Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon. Bawat aktibidad na Pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat, Samakatwid, lahat ng kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya. i, Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali, Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongldusyon at paglalahat. (sO h. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan, Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay. k, Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maaari siyang dumanas ng di-pagsang- ayon ng publiko at lipunan, Maaari ring magkaroon ng di- pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik. 1 Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat, Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tisis at disertasyon) para sa angkop na dokumentasyon, at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang tinatawag na oral presentation o defense. & Mga Gawaing Interaktib Mag-brainstorming sa klase. Pag-usapan ninyo ang kahalagahan ng pananaliksik sa inyong disiplina o kusong kinukuha, Maaari ninyo itong gawin nang pangkatan Bumuo ng sintesis ng inyong napag-usapan sa klase. Isulat ang nabuong sintesis sa pisara, E 3.2. ANG MANANALIKSIK: MGA KATANGIAN AT PANANAGUTAN : te Wo FN, Ang isang mananaliksik ay dapat na magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman sa mga pamamaraan ng pananaliksik. Kailangan niya ring maglaan ng sapat na panahon sa pangangalap ng kanyang mga datos. Sadyang hindi biro ang maging isang mananaliksik. May mga katangian siyang dapat na taglayin at mga pananagutang dapat na isaalang-alang. Sa kanyang pananaliksik, dapat niyang isaalang-alang ha may pananagutan siya sa kanyang sarili, sa mga manunulat ng kanyang mga hanguan, sa kanyang mga mambabasa at sa lipunan sa kabuuan. ea Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik |_Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik_ Sa sinundang liksyon, natalakay na ang mga katangian ng pananaliksik. Halos gayon din ang masasabi sa mananaliksik. Sa pamamagitan ng pagkilala at pag-unawa sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mabuting pananaliksik, mahihinuha na rin natin kung anu-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik. Ngunit para sa pagtalakay na ito, bigyan natin ng diin ang limang katangiang esensyal upang maging matagumpay ang isang mananaliksik sa kanyang gawain. Ang isang mananaliksik, kung gayon, ay kinakailangang maging: a. _Masipag. Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng “mga datos at pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig na pinapaksa ng pananaliksik. Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik. Kung magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos, kakulangan ng katibayan para sa kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwiranang kongldusyon. b. Matiyaga. Kakambal na ng sipag ang tiyaga. Sa pangangalap kasi ng mga datos, kailangan maging pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang kumpleto na ang mga datos, maaaring imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang pagdaragdag sa nauna nang mga nakalap na datos. Samakatwid, kailangan niyang pagtiyagaan, hindi pa man iminumungkahi ng tagapayo, ang pangangalap ng mga datos mula sa iba’t ibang hanguan tulad ng mga aklat, magasin, pahayagan, journal, tisis, disertasyon, manuskrito, manipesto, polyeto, praymer, imbestigasyon, obserbasyon at mga website sa internet. NANA a. Maingat. Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang ‘aatos, kailangang maging maingat ang isang mananaliksik. Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa pinagkunan ng datos at pinagmulan ng anumang ideya, ang pag-iingat ay kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga resulta ng pananaliksik Kailangan ding maingat na tiyakin ang iba't ibang panig ng paksang sinisiyasat at maingat na tiyaking may sapat na katibayan 0 balidasyon ang anumang posisyon o interpretasyong ginawa sa pananaliksik Sistematik. Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain —Samatatwit, kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa pagkakasunud-sunod, Halimbawa, hindi maaaring unahin ang paglalagom at pagbuo ng mga kongklusyon nang hindi pa nakapangangalap ng mga datos. Sa pangangalap ng mga datos, kailangan din niyang maging sistematiko nang hindi maiwaglit ang mga datos sa sandaling kailangan na niya ng mga ito. Kritikal 0 mapanuri, Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain. Pinagtatwanan ito ng buhos ng isip. Samakatwid, kailangang maging kritikal 0 mapanuri ang isang mananaliksik sa pag-ieksamen ng mga impormasyon, datos, ideya o opinyon upang matukoy kung ang mga ito'y valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. Sa madaling salita, kailangan niyang timbang-timbangin ang katwiran ng mga impormasyon upang kanyang mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik. Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik, Ang katapatang ito ay kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng pinagkunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya 0 impormasyon sa kanyang pananaliksik. Nangangahulugan ito a b. ie kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos, bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala, hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng kerampatang pagkilala, at hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw (Atienza, et al., 1996). Tdinagdag pa nina Atienza, etal. (1996) ang isa pang napakahalagang Pananagutan ng isang mananaliksik — ang pagtiyak na mapaninindigan i ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon na kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap. ez Ang Isyung Plagyarismo Kaugnay ng pananagutan ng katapatan ay ang isyu ng plagyarismo. Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga Pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba a, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iy (Atienza, = et al., 1996). Sa pananaliksik ay may simusunod na etika. Katulad ito ng anumang disiplina na may istriktong code of ethics na ipinatutupad. Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo. Dahil sa kabigatan ng kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano sa isang unibersidad, natanggalan ng digri ang isang nagtapos na ng doktorado, nawalan ng kredibilidad ang isang tanyag na iskolar, hinabla sa korte ang prodyuser ng 4sang programa sa telebisyon (Atienza, et al., 1996). Kamakailan, akala ng isang pangkat ng mga estudyante na nakalusot t na sila nang hindi mapansin ng kanilang guro (pabaya kasi ang guro!) na ang kanilang pamanahong- papel ay kinopya lamang sa ibang pamanahong. papel. Ngunit sa kanilang oral defense, halos mangilabot ang mga piinelist. (mga kasamahan din ng guro) nang makumpirma ang kapalaluan ng mga estudyanteng nabanggit. Halos perpekto kasi ang papel, malayo sa aktwal na kaalaman at kakayahan ng mga estudyanteng notoryus na ang kahinaan ng isip at kapabayaan sa pag-aaral. Ang hinala ng mga panelist ay lalo pang tumibay nang hindi maidepensa ng mga estudyante ang mga resulta hg pananaliksik na kanilang kinopya lamang, Lumagpak ang mga estudyanteng iyon hindi lamang sa kanilang defense kundi maging sa kanilang asignatura. Pasalamat pa sila dahil hindi sila napatalsile sa unibersidad at hindi na naghabol ang orihinal na mananaliksik ng kanilang pinagkopyahan! Sina Atienza, et al. (1996) ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng - Plagyarismo at mga kaparusahang maaaring ipataw sa isang plagyarista, llan sa mga halimbawa ng plagyarismong kanilang itinala ay ang sumusunod: a. kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita) hindi ipinaloob sa panipi o hindi itinala ang pinagkunan, wz i kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan, kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga pinagkunan, kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinala na salin ang mga ito, kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan ng “inspirasyon,” at kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito, Sa liksyon 3.6 ay tatalakayin ang mga paraan ng dokumentasyon ng I mga datos na hinango sa iba’t ibang sorses upang maiwasan ang plagyarismo. Samantala, ang mga parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista | ay ang mga sumusunod: t a. b, pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng 5.0 (lagpak na marka) para sa kurso, kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa maaaring patalsikin ang estudyante sa unibersidad, kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri o maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual Property Rights Law at maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo. ‘Tandaan ang mga kasunod na tagubilin nina Atienza, etal. (1996); Walang nagtitiwala sa isang magnanakaw at sinungaling. Kung matullasan na ang isang mananaliksik ay nangopya at hindi kumilala sa kanyang pinagkunan, sapat na ito para mabura ang lahat ng iba pa niyang pinagpaguran. Hindi na kapani-paniwala ang kanyang saliksik at hindi mapagkakatiwalaan pa ang kanyang gawain. Parang sinisira na rin niya ang kanyang pangalan at kinabukasan... Alalahaning kung madali para sa sinumang estudyante ang mangopya, magiging madali rin para sa kanya ang gumawa ng korapsyon kung siya ay nagtatrabaho na. To ‘ 3.3. ANG PAMANAHONG-PAPEL we VoodJA Nn, Ang pamanahong-papel ay isang uri_nj E karaniwang-ipinagagawa-sa-mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kadalasang nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag- aaral ng isang pakéa 8a isang kurso 0 sabjek sa loob ng isang panahon o term na kadalasa’y saklaw ng isang semester o traymester. Ito ang cahilan ‘kung bakit tinatawag ito sa Ingles na term paper. Isa sa sukatan ng kabutihan ng isang pamanahong-papel ay ang presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman nito. Kung gayon, marapat lang na maging familyar ang isang mananaliksik sa mga bahagi at nilalaman ng isang karaniwang pamanahong-papel. Pansinin ang mga-sumusunod na bahagi ng pamanahong-papel at, ang nilalaman ng bawat isa. Pansinin din ang pagkakasunud-sunod ng bawat isa sa kasunod na pagtalakay na nagpapahiwatig na rin ng ayos ng pagkakasunud-sunod ng bawat bahagi at nilalaman sa aktwal na pamanahong-papel. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters Fly Leaf 1 ang pinakauna: “Walang nakasulatnarkahit ai blangko ito. Pamagating Pahina ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa “pamagat7g-patiiaiahong-papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangungailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon. Kung titingnan sa malayuan, kailangang magmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga informasyong nasa pahinang ito. hina ng pamanahong-papel. pahinang ito. Sa madaling sabi, Dahon ng Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananalikeik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel. d. Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong- papel at kung gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin. DSSS 155] ©. Sa Talaan ng Nilalaman nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at Witwlaman-mg pamanahong-papel at nakatala ang, Kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. Sa Talaan ng mga Talahanayan at Grafnakatala ang pamagat, ng bawat-talahanayan atlo graf na nasa loob ng pamanahong- papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. g. Ang Fly Leaf 2 ay isa na namang blangkong pahina bago ang street saneaatonpraal Hindi nilalagyan ng bilang ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminari. May mga pamanahong-papel din-ang-kakikitaan ng Pag- aalay o Dedikasyon na isang opsyonal na pahina. Ang kabanatang ito ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi: Ang Panimula 0 Introduksyon ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalabatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Sa Layunin ng Pag-aaral, inilalahad ang pangkalahatang layunin i o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral, Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong. c. Sa Kahalagahan ng Pag-aaral, inilalahad ang signifikans ng Fk pagsasagawa hg pananaliksik ng paksa ng pag-aaral:Tinutukoy dite || ang maaaring maging kapakinabar-gan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang individwal, pangkat, tanggapan, institusyon, i displina o larangan, , profesyon, Sa Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik>Dito-itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy dito kung anu-ano ang varyabol na sakop at hindi sakop { ng pag-aaral. j e. Ktinatala naman sa Definisyon ng mga Terminolohiya ang mga 7 katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y i binigyan ng kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring ‘May mga pamanahong-papel na kakikitaan ninyo ng Theoretical Framework, Hypotheses at Assumptions sa Kabanata 1. Gs TO Kabanata Il: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananalikaik, Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura, disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinaalam dito ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa. Hangga’t maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung_ taon. Pilitin ding gumamit ng mga pag-aaral at literaurang lokal at ‘dayuhan. Hangga’t maaari rin, tiyaking ang mga materyal na gagamitin — ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: (a) objektiv o wala pagkiling: (b)-nanugnay-o-releuant sa ral; at (¢) sapat ang dami 6 hindi napakakaunti o napakarami.. Jolt toys Kabanata Ill: Disenyo at Paraan ng Pananaliksil Ang kabanatang ito ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi: a. Sa D: oo nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasatukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi namin ang pinakasimple na, ang deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangaiap ng mga datos at informasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. = b. Sa bahaging ito, tinutukoy ang mga Respondente ng sarvey, kung ilan sila at paano at bakit sila napili. ~ c. Sa Instrumento ng Pananaliksik, inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at inforniasyon Iniisa— isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. Sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang intervyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey-kwestyoneyr sa mga respondente bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikable sa isang deskriptiv-analitik na disenyo. d. Sa Tritment ng mga Datos inilalarawan kung anong istatistikat Ta paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan. Dahil ito'y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente. 17 Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon | pm Scher resenvonstines Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananalksik ang kafiyang dnalisis © pagsusuri. EEG 9 Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Nahahati ang kabanatang ito sa tatlo: ~ a. SaLagom, binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinalakay sa Kabanata III. b. Ang Kongklusyon ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, il interprétasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa —mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik. c. Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyO® para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik. Mga Panghuling Pahina a. Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel } b. Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay | © ipaloob dito ang mga \jham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data | ——agmananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa. Pansinin ang isang modelong pamanahong-papel na nasa Apendiks upanJubos na maunawaan &ng kalikasan ng bawat bahagi at nilalaman \ ng pamanahong-papel. \\ Gave Gawaing Interaktiv 1. Magpunta sa inyong aklatan at pansinin ang mga bahaging j makikita sa mga pamanahong-papel, tisis at disertasyon na \ naroroon. Pag-usapan sa klase ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bahagi ng pamanahong papel, tisis, at disertasyon. Sa akademya, ang pananaliksik ay maiiwasan ng sinumang mag-aaral. Sa antas-kolehiyo, karaniwan na ang pagpapagawa ng mga pamanahong-papel sa iba’t ibang sabjek bilang isa sa mga pangangailangang pang-akademiko. [lan pa sa mga halimbawa ng papel-pampananaliksik ay ang tisis ng mga kumukuha ng kursong masteral at ang disertasyon ng mga kumukuha naman ng kursong doktoral. Sa kasalukuyan, hindi na dapat maging problema ang pagsisimula ng pananaliksik para.sa mga mag-aaral dahil sa marami na ngayong mapagpipiliang paksa. Maiuugnay rin ito sa pag-unlad ng teknolohiya na nagpapagaang sa mga gawaing kaugnay ng pananaliksik. 3.4, ANG PAKSA AT PAMAGAT-PAMPANANALIKSIK Pe "Wa JIF Ke isang mahalagang gawain na hindi Mga Hanguan ng Paksa Tlan sa mga maaaring paghanguan ng paksang-pampananaliksik ay ang mga sumusunod: Sarili. Maaaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa, napakinggan, napag-aralan at natutuhan. Nangangahulugan ito na maaaring simulan sa sarili ang pag- iisip ng-mga paksang pagpipilian. Dyaryo at Magazin. Maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa mga kolum, liham sa editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad ng lokal na balita, bisnes, enter- tainment at isports. Radyo, TV at Cable TV. Maraming uri ng programa sa radyo at tv ang mapagkukunan ng paksa. Marami na ring bahay, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa mga probinsiya, ang may cable tv. Mas maraming programa sa cable dahil sa 24 na oras na balita, isports at mga programang edukasyunal. Mga Awtoritidad, Kaibigan at Guro. Sa pamamagitan ng ‘pagtanung-tanong sa ibang tao, maaaring makakuha ng mga ideya ‘upang mapaghanguan ng paksang-pampananaliksik. Makatutulong ito upang makakuha ng paksang hindi lamang napapanahon kundi kawiwilihan din ng ibang tao 161 er \ e. Internet. Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at | ofistikadong paraan ng paghahanap ng paksa. Maraming mga web sites sa internet na tumutugon sa iba-ibang interes at pangangailangan ng iba't ibang uri ng tao. f, Aklatan. Bagame’t tradisyunal na hanguan ito ng paksa, hindi rir mapasusubalian ang yaman ng mga paksang maaaring mahango sa aklatan. Sa aklatan matatagpuan ang iba’t ibang paksang nauugnay sa anumang Jarangang pang-akademya. Sa puntong ito, kapaki-pakinabang marahil na pansinin ang naging observasyon nina Atienza, et al. (1996): Madalas, kapag nag-isip na ang mananaliksik ng kanyang susulatin, papasok na ang aborsyon, prostitusyon, paninigarilyo, drug addiction, faith. healing, fiesta at marami pang gasgas at gastado nang mga paksa. Bakit nga ba ordinaryo at paboritong paksain ang mga ito? Dahil mga karaniwang problema, | ‘pangyayari ut elementong panlipunan ang mga ito. Madalas ding talakayin ang mga paksang ganito sa akademya at sa midya. Para maiwasan na ang inilahad na observasyon, kailangang maghanap at mag-isip ng mga paksang wika nga nina Atienza ay hindi ‘gasgas at gastado na na hango sa alin man sa mga natukoy nang hanguan. | Upang lalopang matiyak ito, iminumungkahi naming pumili ng paksa na kaugnay ng disiplina o kursong inyong pinagpapakadalubhasaan. Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa Tang konsiderasyon din ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang-pampananaliksik, gaya ng mga sumusunod: a, Kasapatan ng Datos. Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga | aveylabol na datos hinggil doon. h ). Limitasyon ug Panahon. Tandaan, ang kursong ito ay para sa isang Semestre lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa na mangangailangaa j ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestre, upang maisakatuparan. Kakayahang Finansyal. Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng panenaliksik. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang finansyal ng mananalikeik, Kabuluhan ng Paksa, Ang isang pananaliksik na nauukel sa isang paksang Walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya. Paglilimita ng Paksa Matapos makapamili ng paksa, kailangan iyong limitahan upang maiwasan ang masaklaw na pag-aaral. Sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa, mabibigyan ng direksyon at fokus ang pananaliksik at maiiwasan ang padamput-dampot o sabog na pagtatalakay sa paksa. Maaaring gamiting batayan sa paglilimita ng paksa ang mga sumusunod: a. Panahon £, Profesyon o Grupong Kinabibilangan b. Edad g. Anyoo uri c. Kasarian bh. Partikular na Halimbawa o Kaso ’ d. Perpesktiv i. Kumbinasyon ng dalawa o higit eit” Lagan pang batayan Pansinin sa kasunod na pahina kung paano nilimita ang iba’ ibang paksa ayon sa mga nabanggit na batayan. Pagdidisenyo ng Pamagat- Pampananaliksik Ang pamagat-pampananaliksik ay kaiba sa pamagat ng mga akdang pampanitikan. Kaiba ito sa pamagat ng mga kwento, nobela, sanaysay at dula. Pansinin ang mga kasunod na pamagat ng mga sumusunod na akda: a. Sa Kabataang Pilipino (Tula) b. Sa Kadawagan ng Pilik-mata (Kwento) c. Bata.,.Bata...Paano ka Ginawa? (Nobela) d. Sino si Bill Gates? (Sanaysay) e. Ang Paglilitis ni Mang Serapio (Dula) DSSS 195] TOYOTA Taian SE Karapatan ng mga Kababalhan. a, Panahon. Karapatan ng mga Kababaihan sa Panahon ng Komonwelt a el ‘Mga Inventor na Pilipino at ang ‘Mga Batang Inventor na Pilipino (Edad 13-17) at ang Hinaharap ng Hinaharap ng Teknolohiya sa Pilipinas “Teknolohiya sa Pilipinas Keita ‘AngmgaNGO Bilang Tagapuno ng “Ang Papel ng mga Kababaihan sa NGO Bilang Tagapuno ng Kakulangan Kakulangan sa Serbisyo ng Pamahalaan sa Serbisyo ng Pamahalaan d._Perspektiv Efekto ng Globalizasyon sa Lipanang Pilipino | Bfekto ng Globalzasyon saIspiritwal na Parmurnuhay ng mgs Pilipino ce. Lugar "Mga Naiibang Tradisyong Pangkspistshan Ss) 4 viipang Tradisyong Pangkapistahan sa Malolos, ulacan Ketagalugan Halimbawa 0 Kaso f. Profesyon o Grupon sol a 'POME | Pag.aaral ng Wikang mga Bakla Pag-aaral ng Wika ng mgo Baklang Parlorista inabibilangan Persepsyon sa Kababaihan sa Larangan n g Anyo ourt at e relctine an sa Larangan ™§ |p ersepsyon sa Kababaihan sa Larangan ng Panulsang Hokano b. Partikular na Efektong Pangkapaligiran ng Turismo fektong Pangkapaligiran sa mga Beach Resorts sa Pilipinas: Kaso ng s2 Pilipinas Puerto Galera ‘Kumbinasyon 1. Perapektiv 2. Uri 3. Lupe 4, Anyo Adityud ng mga Estudyante sa mga Programang Kultural 1, Proferensya ng mga Estudyante. .. 2. Proferensya ng mga Estudyanteng Nasa Unang Taon 3. Proferensya ng mga Estudyanteng Nasa Unang Taon sa Universidad rng Makati 4. Preforensya ng mga Estudyaateng Nasa Unang Taon sa Universidad rng Makati sa mga Dulang Panteatro sa Kampus Ang mga ganitong pamagat ay hindi maaaring gamitin sa pananaliksik. Bagama’t makatawag-pansin ang mga pamagat na yon at nagbibigay ng ideya kung tungkol saan ang paksa, masyadong literari ang dating ng mga nabanggit na pamagat. Sa pananaliksik, ang pamagat ay kailangang maging malinaw (hindi matalinhaga), tuwiran. (hindi maligoy) at tiyak (hindi masaklaw). Kung tutuusin, ang mga konsiderasyon sa paglilimita ng paksa ay maaari ring isaalang-alang sa pagdidisenyo ng pamagat upang iyo'y maging malinaw, tuwiran at tiyak. Kung tutuusin din, ang nalimitang paksa, maliban sa kaunting pag-aayos, ay maaari na ring gamitin bilang pamagat pampananaliksik. May iminumungkahi din kaming bilang ng mga salita sa pamagat, hindi kasama ang mga salitang pangkayarian tulad ng pantukoy, pananda at pang-ugnay. Hangga't maaari, ang mga salita ay hindi kukulangin sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20). Pansinin ang mga kasunod na pamagat-pampananaliksik hinggil sa iba't ibang larangan: a. Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang Ginamit sa Pagsasalin sa Filipino ng mga Katawagang Legal sa Bagong Konstitusyon ng Pilipinas b. Preferensya ng mga Batang Preschooler ng Barangay South Cembo sa Pagpili ng mga Kwentong Pambata Mga Istratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pabango ng Bench Phils.: Isang Analisis ng Efektivnes 4. Korelasyon ng mga Piling Varyabol sa Atityud sa Pang- ekonomikong Pamumuhay ng mga Magulang na Iskwater sa Bliss Guadalupe Pahambing na Pagsusuri sa Preferensya ng mga Kababaihan at Kalalakihang Mag-aaral ng UMak sa Panonood ng mga Telenovela f. Isang Mungkahing Limang-Taon na Development Plan sa Pagtatatag ng Sentro ng Pananaliksik sa Universidad ng Makati g. Mga Piling Estudyanteng May Malalang Vayolasyon sa Patakaran ng Universidad ng Makati: Mga Aral-Kaso h. Disenyo at Gabay sa Paggamit ng Internet Web Site para sa Mutya Publishing House, Inc: Isang Project Proposal 3.5. PANGANGALAP NG MGA DATOS, INFORMASYON AT SANGGUNIAN Soo dA. Mga Hanguan ng Informasyon o Datos Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga hanguang (primary sources) ay: ——a a. Mga individwal o awtoridad, b. Mga grupo o organizasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity; katutubo"o mga minorya, bisnes, samahan, simbahan at gobyerno, 7 re c. Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at ekonomik at iba‘pa, at ~~~ d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng ‘Konstitusyon, batas-kautusan, treaty o'kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, jornal at talaarawan o dayari. Ang mga hanguang sekundarya (secondary sources) naman ay: a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas, b. Mga nalathalang artikulo sa jornal, magazin, pahayagan at newsietter,— ————— c. Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala man ang mgu ito-o hindi; at — ~ d. Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa. Maiiban sa hanguang primarya at sekundarya, may isa pang imapagkukunan ng mga informasyon o datos—ang hanguang elektroniko 0 mas kilala sa tawag na internet. 5 Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga informasyon o datos. Sa isang pindot Jamang ng daliri ay may mayamang informasyon ka nang makukuha. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon ng servisyong postal, telefono at silid-aklatan. Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng liham- elektroniko 0 e-mail sa alin mang panig ng mundo. Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng informasyon sa pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telefono. DSS | | Kung ang internet ay maaaring pagkunan ng informasyon 0 datos, nangangahulugan lamang na malaking tulong ito sa pananaliksik. May ilan lamang katanungan sa kawastuan ng paggamit nito, gaya lamang ng mga sumusunod: Gaano kahalaga ang informasyong manggagaling sa internet? Anu-ano ang sukatan ng kahalagahan nito? Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito: a. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan? | 1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos | sa .edu ay mula Sa institusyon ng edttkasyon o akademiko, Halimbawa: www.university_of_makati.edu 2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang von! ay mula sa komersyo o bisnes. a ae — a Halimbawa: www.knightsofeolumbus.org www.yahoo.com 3. Ang .goy ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan. —_— Halimbawa: www.makaticity.gov wwrw.tourism.gou iI b. Sino ang may-akda? Mabalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang 1 informasyon ga internet nang sa gayo'y masuri kung ang informasyon | ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay kalakip ng informasyong i isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalifikasyon. : Kung gayon, maaaring iverifay ang mga informasyon hinggil sa Kanilang pagkatao. Kung wala nito, mahirap paniwalaan ang kanilang akda. c. Ano ang layunin? Alamin ang layunin ng may-akda kung bakit nag:unsado naglabas ng website. Nais bang magbahag: ng informasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng pagpasok ng mga i informasyon sa internet. Samakatwid, maaari rin itong magamit sa pagpapakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes, @. Paano inilahad ang informasyon? ‘Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at prejudice ang teksto. e. Makatotohanan ba ang teksto? ‘Alamin kung ofisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. bre TO Subukan din kung ang website ay maaaring jhalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo'y maikumpara ito sa iba nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi. f Ang informasyon ba ay napapanahon? Mainam kung ang informasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling revisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi. Gamitin ang mga payo o tips na nailahad sa pag-eevalweyt ng mga informasyon o datos. Mahalaga ito upang maging akyureyt ang pagsulat ng pananaliksik. RA Pangangalap ng mga Informasyon o Datos |_FangangalapngmgalnformasyonoDatos Matapos matukoy ang iba’t ibang pagkukunan o paghahanguan ng informasyon o datos, sa pagkakataong ito, atin namang pansinin ang pangangalap ng informasyon o datos. Una, tukuyin kung anong uri ng informasyon o datos ang kailangan gayundin ang klasifikasyon kung saan maaaring matagpuan ito sa silid-aklatan. Ang lahat ng posibleng sanggunian ay kailangang itala upang mapadali ang paghahanap nito. Halimbawa: Tanong: Ano ang obsesyon? a. Informasyong hahanapin 1, pagkakaiba o pagkakatulad sa hilig, gusto at adiksyon 2. kailan masasabi na may obsesyon b. Mga posibleng sanggunian 1. ensayklopidya, aklat sa medisina at sikolohiya 2. mga artikulo at kolum sa pahayagan at magazin 3. mga artikulo sa mga profesyunal na jornal 4. panayam sa mga eksperto Kapansin-pansin na magiging sitematiko ang pangangalap ng mga informasyon 0 datos sapagkat nakaayos ang balangkas ng paksang sasaliksikin. Natukoy rin ang mga posibleng sanggunian kaya't mapadadali ang paghahanap nito sa silid-aklatan. May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-aklatan, Ito ay ang mga sumusunod: Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliografi, indeks at hanguang elektroniko o internet, Yugto 2: Pagsusuri.na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer printouts, at iba pang sanggunian. Ang tatlong yugtong ito ay dapat sundin kung gusto ng isang mananaliksik na maging sistematiko ang kanyang pananaliksik. Talakayin natin ang umang yugto — ang panimulang paghahanap. Maliban sa mga aklat na nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting sumangguni rin sa mga magazin, dyaryo, at iba pang babasahin. Huwag ikulong ang sarili sa silid-aklatan bagkus ay isiping marami pang informasyon na makukuha sa paligid. Nariyan ang midya. Kaugnay ng paghahanap ng mga kard katalog, kailangang batid ng isang mananaliksik kung anong uri ng kard katalog ang kanyang kailangan at hahanapin. Dahil nga sa kalawakan ng koleksyon ng mga libro, sadyang jnihanda ang isang tanging lugar sa aklatan na dapat na unang lapitan ng mga mananaliksik. Sa ngayon, ang kard katalog ay hindi na lamang mga kabinet na nakaayos ng alfabetikal kundi nakaprograma na rin ito sa mga kompyuter (kung ang aklatan ay moderno na). Ano man ang anyo nito, jisa pa rin naman ang mga uri at paraan ng pagkakasulat nito. ‘Tinukoy nina Bernales, et al. (2001) ang mga sumusunod na uri at gamit ng kard katalog sa aklat nilang Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina. Pansinin ang mga sumusunod na uri: es a. Kard ng Paksa (Subject Card) ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa manansliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin. Nangunguna sa entri ng kard na ito ang mismong paksa bago pa ang ibang informasyon tulad ng awtor at pamagat ng libro. Halimbawa: PHILIPPINE POETRY (FILIPINO) F PL 6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson PH Pano Tamntula ang Isang Ina: Tule ng Buhay at Bayan 2000 Ligaya Tiamson-Rubin, = Manila:De La Salle University Press, Inc, ©2000 179 p. 23 cm ISBN 971-555-335-4 : 1. Philippine poetry (Filipino). 1. Title b. Kardag-Awtor¢Auéhor Card) ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa. Nangunguna sa entri ng kard na ito ang pangalan ng awtor bago pa ang ibang entris, Halimbawa: c. RUBIN, L.T. F PL 6165.4.R9 Rubin, Ligaya Ti PIL Pano Tumutala ang fsang Ina: Tula ng Buhay at Bayan 2000 Ligaya Tiamson-Rubin. — Manila: De La Salle University Press, Ine. €2000 179 p. 23 cm ISBN 971-555-335-4 1. Philippine poetry (Filipino). I. Title Kard-ng Paiagat (Title Card) ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong familyar sa kanila. Sa kabilang dako, maaari ring ang mananaliksik ay may dala nang listahan ng mga posibleng sanggunian mula sa bibliografi ng mga aklat na kaugnay ng kanyang paksa. Ang paghabanap sa katalog na ito ay makapagpapadali ng pag-alam kung ang mga aklat na nasa kanyang listahan ay aveylabol sa aklatan. Mangyari pa, sa kard na ito, unang entri ang pamagat ng libro. Halimbawa: Paano Tumutula ang Isang Ina:Tula ng Buhay F PL 6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson Pu Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan 2000 Ligaya Tiamson-Rubin. - Manila: De La Salle University Press, Inc. 2000 179 p. 23 em ISBN 971-555-335-4 1. Philippine poetry (Filipino). 1. Title PANANALIKSTC Sa ikalawang yugto, pagsusuri ng mga nakuhang informasyon o datos ang dapat isagawa, Gamitin ang mga kasanayang browsing, skimming at scanning sa mga aklat at artikulong posibleng magamit sa pagsulat ng pananaliksik, Alamin kung ito'y may kaugnayan sa paksang tinalakay at makatutulong sa isinasagawang pananaliksik. ‘Ang pagkakaroon ng maraming informasyon o datos mula sa iba’t, ibang sanggunian ay mabuting palatandaan sapagkat mas madaling magbawas kaysa sa kulangin ng datos o informasyon. Kapag kulang ang informasyon, ang mananaliksik ay magpapabalik-balik sa silid aklatan. Masasayang ang panahon at maaaring mauwi sa wala ang pagsulat ng pananaliksik. Sa bahaging ito, ang mga napiling informasyon o datos ay kailangang salain upang malaman kung magagamit ito, gayundin ang dapat gawin sa mga sangguniang hindi makatutulong sa pananaliksik. Gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong sa pagsusuri ng mga nakalap na sanggunian. a. Ano ang kaugnayan nito sa paksa? Isinasagawa ang pananaliksik upang tugunan ang isang paghahanap o pangangailangan. Tiyaking ang mga informasyon sa sanggunian ay tumatalakay sa paksa ng pananaliksik. Magagamit mo ba ang aklat ukol sa sayaw na pinamana ng mga dayuhan halimbawa sa paksang katutubong-sayaw? b. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala? Hindi mo nanaising pagdudahan ang iyong gawa, hindi ba? Kung gayon makabubuti kung ang sumulat ng mga sanggunian ay mapagkakatiwalaan 0 mga awtoridad sa paksa. Tingnan kung may sapat na kaalaman at karanasan ang mga akda sa kanyang paksang sinusulat. Pakaisipin mo: Gaano kahalaga ang informasyong makukuha ukel sa pag-awit mula sa akdang isinulat ng isang mananayaw? ¢. Makatotohanan ba ito? Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang nasusukat sa may-akda. Ang totoo noon ay maaaring kasinungalingan na ngayon. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga sangguniang limang (6) taong mahigit na sa tagal, maliban kung ang sanggunian ay isang hanguang primarya. Kaugnay nito, iwasang gumamit ng sanggunian mula sa tabloyd, digest at review. Bakit? Sapagkat ang mga nakalathala rito ay malamang na hindi siyentifiko ang pagkakasulat 0 lumaktaw sa masinop na pangangalap at pagtitiyak ng datos. Piliting gumamit ng mga sangguniang mapanghahawakan 0 sangguniang magagamit bilang mabigat at malakas na evidensya. Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga informasyon o datos mula sa mga napiling sanggunian. Mahalaga rito sa ikatlong yugto ang pagsasagawa at paghahanda ng mga tala ng informasyon o datos. Intervyu: Kahulugan, Layunin at Kahalagahan Ang-intervyway-isang-uri-ng-pasalitang diskurso ng dalawang tao o ng isang pangkat at isang individwal — ang una’y intervyuwer at ang ikalawa’y ang intervyuwi. Ang intervyu ay maaaring itinatakda — ang petsa, araw, oras at lugar — at maaari namang hindi depende sa aveylabiliti ng dalawang panig, Itinatakda man o hindi, masusi ang ginagawang paghahanda bago ganapin ang intervyu. Ang layunin ng intervyu ay makakuha ng- mga mapanghahawakang mahahalagang informasyon mula sa intervyuwi hinggil sa isang tiyak na ~~paksa. Mangyari pa, upang maging matibay ang informasyon, kailangang ~maging maingat sa pagpili ng intervyuwi. Samakatwid, mas awtoridad, mas dalubhasa, mas mabuti Sa pananaliksik, ang intervyu ay isang napakamakabuluhang paraan ng pagkuha ng mga informasyon na magagamit sa pagsulat ng papel- Pampananaliksix. Isa rin itong mabisang paraan ng pagveverifay ng mga datos o informasyong nakalap sa mga nakasulat na hanguan at isang Pagkakataon upang maapdeyt ang mga informasyon o datos tungkol sa mga makabagong development hinggil sa isang larangan o tiyak na paksa ha maaaring hindi pa nalalathala. Bukod sa nabanggit na, ang mga nakalap na informasyon o datos sa intervyn ay maaari ring magsilbing Suporta sa mga informasyong first-hand mula sa iba’t ibang hanguan o sorees ey Pagpili ng Intervyuwi eee Ang isa sa mga pangunahing konsiderasyon sa pagpili ng taong pane in 2¥ ang awtoriti ng interyyuwi hinggil sa paksa ne Panansliksik, Ang mga ispesifik na katangiang dapat taglayin ng isang taong jintervyuwin, kung gayon, ay ang sumusunod: & May malawak na kaalaman. May sapat ba siyang kaalaman sa paksa ‘ig-pananaliksik? May awtoriti ba siya upang magbigay ng mga hinihinging datos o informasyon? DSS] b. Relayabol. Maaaring maibigay ng intervyuwi ang mga informasyong ~kailangerrhgunit kalimitan, hindi lahat ng informasyon ay angkop sa ginagawang pananaliksik. May mga dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi maaaring panghawakan ang mga datos 0 informasyong naibigay ng intervyuwi. Samakatwid, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong: 1. Siya ba ay makatotohanan? Maaari bang paniwalaan ang kanyang mga pahayag? 2, Makatwiran ba ang kanyang pananaw? Kalimitan, may mga sariling pananaw ang intervyuwi na nagiging dabilan upang maging biased ang kanyang mga ipinahahayag. Kailangang maging maingat at palamasid, kung gayon. c. Ayeylbol. Gaano man katalino ang intervyuwi, hindi iyon magkakaroon ng silbi kapag hindi tumutugma ang kanyang iskecyul sa mga intervyuwer. Kadalasan, ang mga intervyuwing bantog, awtoridad at dalubhasa ay mga taong mahirap kunan ng pahayag dahil na rin sa pagiging abala. Minsan ang kalikasan ng pananaliksik ay mangangailangan ng intervyu hindi lamang sa isang tao. Sa ganitong pagkakataon, kailangang maglaan ng sapat na panahon upang ang lahat ng dapat intervyuhin ay makunan ng datos o informasyong kinakailangan. | ESSN Mga Hakbangin sa Formalnaintervyu Sina Arrogante, ef-al. (1983) ay nagbigay ng ilang tagubilin na dapat tandaan bago mag-intervyu, sa takdang oras, sa oras ng pag-uusap at >pagkatapos ng pag-uusap. Narito ang mga tagubiling nabanggit na aming dinagdagan upang maiangkop sa pangangailangan ng pananaliksik: a. Bago Mag-intervyu 1. Tiyakin muna ang layunin ng intervyu. 2, Pumili ng intervyuwing nagtataglay ng mga katangiang natalakay. 3. Ttakda ang intervyu. Alamin ang aveylabiliti at preferd na lugar at oras ng intervyuwi. 4, Hangga’t maaari, kumuha ng pahintulot upang mag-interyyu sa intervyuwi o iba pang kinauukulan sa pamamagitan ng sulat, (Pansinin ang halimbawang sulai na nasa Apendiks). { 5. Hangga’t maaari, alamin ang lahat ng nahihinggil sa katauhan ng iintervyuhin. ‘ 6. Pag-aralan muna ang paksang tatalakayin sa intervyu. ; 7. Tiyakin ang mga sasaklawing kasangang-paksa at ang panahong gugugulin sa intervyw. 176 8, Maghanda ng balangkas 0 mga gabay na tanong. 9. Magdala ng mga kakailanganing kagamitan tulad ng teyp rekorder, vidyo kamera, bolpen, papel at iba pa. 10. Magbihis ng presentable, Sa Takdang Oras 1. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras sa napagkasunduang lugar 2. Magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay. 3. Maging masigla at magtiwala sa sarili. Sa Oras ng Pag-uusap 1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong. Iwasan ang mga tanong na sinasagot lamang ng 00 at hindi. Magpakita ng kawilihan sa intervyu. Huwag gambalain o putulin ang pagsasalita ng intervyuwi. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit umiwas din sa paglihis sa paksa ng intervyu. 5. Makinig nang mabuti. 6. tala ang mga kakailanganing mahahalagang kaalaman sa di-kapansin-pansing paraan. 7, Huwag makipagtalo sa intervyuwi. 8 Maging magalang sa kabuuan ng intervyuwi. Pagkatapos ng Pag-uusap 1. Huwag pabigla-bigla sa pagtatapos ng intervyu. 2, Tayos kapagdaka ang mga datos o informasyong naitala. 3, Kung nakateyp ang intervyu, itranskrayb agad iyon. (Pansinin ang transkip ng isang intervyu na nasa Apendiks.) 4, Sakaling may alinlangan hinggil se kawastuhan ng tuwirang sinabi ng intervyuwi, makipagkita o makipag-ugnayan agad sa kanya nang sa gayo'y maliwanagan at nang maiwasang mamis-quote ang intervyuwi. 5. Hangga’t maaari, bigyan ang intervyuwi ng kopya ag transkrip ng intervyu o ng awtput ng intervyu. DSS | \{ EE Ang Sarvey: Kwestyoneyr jjaang malawakang paraan se-pagkulie TE DA dutos-0 ik, Madalas itong gamitin Ang s: informasyon sa isang deskriptivong pananalil te pagsusuri ng Kalagayan ng ipunan, pulitika at edukasyon. Gamitin ar ite a pagkuha ng preferensya, Panna opinyon, damdamin, paniniwala ng isang partikular ne campol ng mga respondente na Pemakatawan sa kabuuang populasyon 08 ‘sang pangkat. Maaari itong jsagawa sa pamamagitaD NS pagpapasagot sa mga respondent inihandang kwestyoneyr 0 di ‘kaya’y sa pamamagitan ng pagtawag sa ae vetal na pakikipag-usap sa mga taong kaugney 52 nasabing telepono o P' pananaliksik. ‘Ayon kay Good (1963), ang kwestyoney > talatanungan ay listahan ng mga planado at pasulat na ‘among keugnay ng isang tivak na paksa, | neglalamian ng mga espasyons pagsasagutan ng mga respondente at | Tnihanda para sagutan ng maraming respondente. Ga madaling sabi, ang kwestyoney® 6 igang set ng mga tanong NA kapag nasagutan nang maayos NE ‘cailangang bilang ng piniling yespondente ay magbibigay BE ME jnformasyong kailangan upang respumpleto ang isang pananaliksilt (Calderon at Gonzales, 1998). | ‘Ang kwestyoneyr ang pinakamabiss at pinakamadaling instrumento ng sarvey. Sa mga pananaliksik Da vampaarolan ay napakagamitin nite i a tagay nitong adventahe. Newnit 0) 1 Yis-adventahe rin ‘to na dapat isaalang-alang "6 ‘ginumang mananaliksik. | mE Mga Adventahe at Disadventahe ng Kwestyoneyr Mga Adventahe: | a. Ang kwestyoneyr ay madaling gewin. +b. Ang distribusyon nito ay madali at hindi magastos. c. Ang mga sagt ng mga respondente ay madaling itabyuleyt. a. Ang mga sagot ng mea respondente ay malaya- fe. Maaaring magbigay ne ME Kemafidensyal na informasyon 4ng mga respondente Maaaring sagutan ng mga na gusto nila. Higit na akyureyt ang mga sagot NE respondente- respondente ang kwestytuneyF 0 oF88 & Mga Disadventahet { a, Hindi ito maaaring sagutan mg me hindi maru sumulat o mga ilitereyt- snong bumasa at Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng jlang respondente ang kwestyoneyr. Mangangailangan pa ito ng pagpapaalala 0 follow-up ng mananaliksik. Maaaring magbigay ng mga maling informasyon ang respondente, sinasadya man o hindi. Maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem sa kwestyoneyr. . Maaaring hindi maintindihan ng respondente ang ilang katanungan sa kwestyoneyr. Maaaring maging napakalimitado ng pagpipiliang-sagot ng mga respondente at ang kanyang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian. Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr Upang matiyak ang tagumpay sa pangangalap ng mga datos at informasyon sa pagsasarvey, iminumungkahi naming isaalang-alang at tupdin ang mga sumusunod na tagubilin sa paggawa ng kwestyoneyr: ‘a. Simulan ito sa isang talata ang magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng pagsasarvey, kahalagahan ng matapat at akyureyt na sagot ng mga respondente, takdang-araw na inaasahang maibabalik sa mananaliksik ang nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti, pagpapasalamat, at iba pang tnakatutulong sa paghikayat sa respondente ng kooperasyon. b. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon. ‘Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr. d. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian. e { Tiyaking aauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik, g. Tayos ang mga tanong sa lojikal na pagkakasunud-sunod. hh. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga konfidensyal na sagot 0 mga nakahihiyang informasyon. i. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga makihirap na tanong Tayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang. Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian. k. Panatilihing anonimus ang mga respondente. DS

Anda mungkin juga menyukai