Anda di halaman 1dari 1

Republika ng Pilipinas…)

Lungsod ng Cabanatuan.)S.S.
x- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -x

PINAGSAMANG SINUMPAANG SALAYSAY


NG PAG-UURONG NG HABLA
KAMI, ANA ROSE P. SUPAN, nasa wastong gulang at naninirahan sa Block 10 Lot 13
AGL Heights, Caalibangbangan, Cabanatuan City at JERVY V. SANTIAGO, kapwa nasa
wastong gulang at naninirahan sa Caalibangbangan, Cabanatuan City, matapos makapanumpa ng
naayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng gaya ng mga sumusunod:

1. NA, kami po ang nagsampa ng kasong Unjust Vexation laban kina Brent Joel
Albino at Joel Albino na kasalukuyang dinidinig sa MCTC Cabanatuan City,
Branch 1 na may Criminal Case No. 94137;

2. NA, matapos po naming suriin at pag isipan ang mga pangyayaring naging dahilan
ng pagkakasampa ng naturang kaso, amin pong napagtanto na mas mabuti na pong
ma-dismiss po ito sapagkat ang nasabing pangayayri ay isa lamang na maliit na di
pagkakaunawaan sa magkabilang partido;

3. NA, sa ngayon po ay maayos na ang relasyon namin kina Brent Joel Albino at Joel
Albino at matagal na po kaming nagkasundo tungkol sa kaso na ito;

4. NA, kami po ay naniniwalang mas makakamit ang hustisya sa kaso na ito sa


paarang maayos at mapayapang pagkakasundo ng magkabilang partido;

5. NA, isinagawa namin ang Salaysay na ito upang patunayan ang mga dito ay
nakasaad at upang hilingin sa Kagalang-galang na Hukuman na ito na ipawalang-
bisa o i-dismiss na po ang kasong Unjust Vexation laban kina Brent Joel Albino at
Joel Albino.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, inilagda namin sa aming pangalan sa ibaba ng


Salaysay na ito ngayong _____________ dito sa Lungsod ng Cabanatuan.

ANA ROSE P. SUPAN JERVY V. SANTIAGO


Nagsasalaysay Nagsasalaysay

PINANUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ___________________ dito


sa Lungsod ng Cabanatuan.

Pinatutunayan ko din na masusi kong sinuri ang mga dito ay nagsasalaysay at ako ay
naniniwala na ito ay malaya at kusang loob nilang isinagawa at lubos na nauunawaan ang mga
nilalaman nito.

Anda mungkin juga menyukai