Anda di halaman 1dari 7

ARALING PANLIPUNAN- 7

Pangalan:__________________________________________________________________________________Petsa:________________
Seksyon:___________________________________________________________________________________Iskor:________________
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng wastong
sagot at isulat sa patlang.
_____1. Sa aling rehiyon sa Asya nabibilang ang Pilipinas?
a. Timog-Silangang Asya b. Hilagang Asya c. Silangang Asya d. Kanlurang Asya
_____2. Isang malawak na sona na nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan.
a. Pacific Ring of Fire b. Himalayas c. Insular d. Archipelago
_____3. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang
butil pananim ang palay?
a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley
b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
d. Palay ang pinakamahal na produkto na ibinebenta sa ibang lugar sa Asya.
_____4. Bakit mahalagang pangalagaan natin ang ating kapaligiran?
a. Dahil dito tayo kumukuha ng ating pagkain sa araw araw.
b. Dahil ito ang nagbibigay sa atin ng hanapbuhay.
c. Dahil ito ang nag susuplay sa atin ng lahat ng ating pangangailangan
d. Lahat ng nabanggit
_____5. Pangunahing wika ng Pangkat Ngalops ng Bhutan.
a. Arabic b. Mandarin c. Dzongkha d. Ingles
_____6. Tirahan ng mga sinaunang Manchu.
a. Chaikhanas b. Pocket house c. Dzongs d. Mga Kweba
_____7. Tumutukoy sa lubusang pagkakalbo ng kagubatan sanhi ng kaingin system at illegal logging.
a. Dessertification b. Salinization c. Deforestation d. Siltation
_____8. Lugar kung saan matatagpuan ang Mt. Everest o ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.
a. India b. Nepal c. Japan d. Egypt
_____9. Mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, mga ilog at mga mineral.
a. Agrikultura b. Kapaligiran c. Likas na Yaman d. Biyaya
_____10. Uri ng klima sa Silangang Asya.
a. Tag ulan at Tag Init b. Monsoon Climate c. Winter Solstice d. Pa iba iba sa isang taon
_____11. Pisikal na katangian ng daigdig.
a. Kapaligiran b. Heograpiya c. Kontinente d. Rehiyon
_____12. Pangkat sa Asya na may rehiyong Islam na matatagpuan sa Middle East.
a. Bumbay b. Tajik c. Arab d. Koreano
_____13. Bakit sinasabing maraming naitatalang paglindol sa mga bansa na nasa Pacific Ring of Fire?
a. Dahil madalas ang pag galaw ng mga tectonic plates dito
b. Dahil maraming Active Volcanoes ang nandito
c. Dahil nandito ang Japan
d. Dahil mahina ang pundasyon ng mga gusali dito
_____14. Tumutukoy sa lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o deeply-rooted tall
grasses.
a. Steppe b. Savanna c. Prairie d. Taiga
_____15. Salitang hapon na ang ibig sabihin ay malaking alon na epekto ng paglindol.
a. Hitsamitsu b. Ikebana c. Kabuki d. Tsunami

II. Piliin ang tamang sagot sa mga salitang nasa kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.
Chaikhanas Red Tide Hinterlands Balinese
Arabian Peninsula Habitat Dessertification Koala
Jurchen Panda Budhismo Islam

_______________1. Lubusang pagkatuyo at pagkatigang ng mga lupain na nagiging dahilan ng pagkasira at di


na napapakinabangan.
_______________2. Isa sa mga endangered species na sa Australia lang matatagpuan.
_______________3. Tumutukoy sa tirahan ng isang nilalang.
_______________4. Salita na ang ibig sabihin ay teahouse.
_______________5. Relihiyon ng mga Manchu.
_______________6. Tumutukoy sa malayong lugar na apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng
lungsod.
_______________7. Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
_______________8. Pangkat sa Asya na naninirahan sa Indonesia at naniniwala sa relihiyong Hinduismo.
_______________9. Relihiyon na naniniwala kay Allah.
_______________10. Isang malawak na tangway na pinaliligiran ng anyong tubig ngunit ang loob na bahagi ay
salat sa tubig dahil disyerto ang malaking bahagi.
III. PAG IISA-ISA. Isulat ang sagot sa mga nakalaang numero.
Limang Rehiyon sa Asya Mga Suliraning Pangkapaligiran 3 Uri ng grasslands
1_______________ 1_______________ 1_______________
2_______________ 2_______________ 2_______________
3_______________ 3_______________ 3_______________
4_______________ 4_______________
5_______________

Mga Pangkat sa Asya


1_______________
2_______________
3_______________

IV. SANAYSAY. Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.


1. (5 puntos) Sa mga lugar na alam mong nabibilang sa Asya, Alin sa mga iyon ang sa tingin mo ang
magandang tirahan? Bakit?
2. (5 puntos) Bakit mahalaga na malaman natin ang klima sa ating lugar? Ano ang koneksyon nito sa
buhay mo bilang isang mag aaral?
ARALING PANLIPUNAN - 9
Pangalan:__________________________________________________________________________________Petsa:________________
Seksyon:___________________________________________________________________________________Iskor:________________
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng wastong
sagot at isulat sa patlang.
_____1. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap
maliban sa______________________.
a. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang yaman
b. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
c. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
d. magiging maayos ang pagbabadyet
_____2. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
a. paggamit ng credit card sa department store
b. pagbili ng mga whitening agents na nakita mo sa telebisyon
c. biglaang pamamalengke
d. pagsuri sa mga produkto bago bilhin
_____3. Ang mga sumusunod ay mga kagustuhan maliban sa__________________.
a. bahay, bigas at damit
b. laptop, cellphone at digital camera
c. lipstick, cream at lotion
d. kaibigan, internet at movies
_____4. Ipinanukala ni Abraham Harold Maslow na _______________________________.
a. lahat ng tao ay konsyumer
b. napupunan ng tao ang kaniyang pangangailangan base sa pag usbong ng antas nito
c. mahalagang unahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan
d. mahalagang pag aralan ang ekonomiks para sa ikakaunlad ng bansa
_____5. Ayon sa Teorya ng pangangailangan, ang pinakakailangan ng tao ay______________________.
a. Basic needs tulad ng tirahan at pagkain
b. seguridad at kaligtasan
c. kaganapan ng pagkatao
d. pagkakamit ng respeto sa sarili
_____6. Bakit mahalagang pag aralan ang alokasyon sa ekonomiks?
a. para matugunan ang kakapusan ng mga tao
b. para sapat ang suplay sa bawat demand
c. para sa paggawa ng tamang desisyon na matugunan ang pangangailangan ng mga tao
d. para walang masasayang na likas na yaman
_____7. Ang North Korea at Cuba ay may ganitong sistemang pang ekonomiya.
a. Tradisyonal na Ekonomiya
b. Market Economy
c. Mixed Economy
d. Command Economy
_____8. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo kung saan lahat ng tao ay naiiwasang gumastos
dahil sa salik na ito.
a. Pagbabadyet b. Pagpapanic buying c. Pagkakautang d. Mga Tiangge
_____9. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang matalinong mamimili maliban sa________________.
a. Sumusunod sa Badyet
b. Hindi nagpapanic buying
c. Mapanuri
d. Gumagamit ng Credit Card
_____10. Karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang alang.
a. Karapatan sa Kaligtasan
b. Karapatan sa Patalastasan
c. Karapatang Dinggin
d. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
_____11. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang alang sa paggawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon
b. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
c. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
d. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
_____12. Ang pagkonsumo ay isang gawaing pang ekonomiya na dapat bigyang pansin ng pamahalaan
dahil_________________________________.
a. ito ang dahilan kung bakit may produksyon
b. ito ang makakapagbigay ng sapat na bilang ng suplay
c. pangunahing layunin ng produksyon ay ang pagkonsumo ng mga tao
d. lahat ng tao ay konsyumer
_____13. Bakit mabilis mahikayat ang konsyumer sa mga anunsyo, advertisements at commercial sa
telebisyon?
a. Dahil sa mga ginagamit na salitang panghikayat
b. Dahil sa mga artistang nag eendorso ng produkto
c. Dahil sa sinasabing presyo
d. Dahil sinasabing epektibo at sigurado
_____14. Mahalagang sumunod sa Badyet upang _____________________.
a. maiwasan ang pag gastos ng sobra
b. di magkulang ang pera
c. walang masasayang
d. mabili ang mga produktong kailangan
_____15. Ahensya na lalapitan kapag ang timbangan sa palengke ay may daya.
a. BFAD b. SEC c. City/Provincial/Municipal Treasurer d. DTI

II. Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga sumusunod na ahensya.


(3 puntos)1. BFAD-______________________________________________________________________________________________
(1 puntos)2. R sa HLURB-_______________________________________________________________________________________
(2 puntos)3. ERC-________________________________________________________________________________________________
(2 puntos)4. PRC-________________________________________________________________________________________________
(2 puntos)5. DTI-________________________________________________________________________________________________
(2 puntos)6. EMB-________________________________________________________________________________________________
(2 puntos)7. SEC-________________________________________________________________________________________________
(1 puntos)8. A sa POEA__________________________________________________________________________________________
(1 puntos)9. B sa HLURB-________________________________________________________________________________________
(2 puntos)10. FPA-________________________________________________________________________________________________

III. PAG IISA-ISA. Isulat ang sagot sa mga nakalaang numero.


Karapatan ng Mamimili Salik na nakakaapekto sa pagkonsumo Mga Katangian ng
1_______________ 1_______________ matalinong mamimili
2_______________ 2_______________ 1_______________
3_______________ 3_______________ 2_______________
4_______________ 4_______________ 3_______________
5_______________
IV. SANAYSAY. Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.
1. (5 puntos) Bakit kailangan na bawat konsyumer ay maging isang matalinong mamimili?
2. (5 puntos) Kung ikaw ay si Abraham Harold Maslow, Paano mo aayusin ang Teorya ng
Pangangailangan?Ano ang ilalagay mo sa pinakataas/pinakamababa na antas?

Anda mungkin juga menyukai