Anda di halaman 1dari 2

Ang Alamat ng Barangay “Caluctogan”

Noong unang panahon may isang tribo na nangangalang Brigo, sa tribong ito
may dalawang lalaking parehas silang matapang pero ang naiiba lang sa kanila ang
kanilang mga ugali. Ang lalaking magiting at mabait na si “Uctogan”, at si “Calubay” na
parehas na magiting pero ang kaniyang pagiging magiting at matapang ay nadadaan sa
marahas na paraan.

Nagsasagawa noon ang tribo ng isang palaro, itong palaro nato ay may posibilidad
na merong mamatay dahil ang palarong sinasagawa ay para matunayan kung sino ang
pinakamatapang sa kanilang tribo. Ang paligsahang ito ay isasagawa daw bago
lumubog ang araw sabi ng kanilang Datu. Itong palaro ay nabalitaan ni Calubay kaya
dali daling umalis dala ang kaniyang mga sandatang pamatay katulad ng matutulis na
itak, sa pagdating niya sa palaro ay naisip niya agad na “kung si Uctogan lang ang
aking makakalaban ay tukoy na tukoy ko na kung sino ang mananalo (sabay tawa)”, Sa
kabila naman ay nabalitaan rin ito ni Uctogan pero bago siya umalis ay nagdasal muna
siya na “sana aking panginoon ay walang mamatay o masasaktan sa palarong itong
aking pagsasalihan at sana ay gabayan mo ako” pagkatapos ng kaniyang pagdasal ay
umalis na siya dala dala ang karunungan at gabay ng Diyos. Ng naganap na ang palaro
ay maraming nakalaban ang dalawa, hanggang silang dalawa ay naglaban sa huling
“round” nagging maggipit ang laban hanggang sa unti unti nang natatalo si Uctogan,
Ang nasa isip lang ni Calubay ay kung mapapatay niya si Uctogan ay magiging pinaka
matapang siya sa kanilang tribo. Sa oras na iyon ay pilit na kinakausap ni Uctogan si
Calubay pero hindi siya dinidinig hanggang sa merong malaki at malakas na lalaki na
sa hindi maintindihang rason ay umakyat sa kanilang pinaglalabanan at inatake silang
dalawa kaya napilitan silang dalawang lumaban sa lalaking malakas, tumagal ng limang
oras ang laban hanggang sa namatay ang lalaki dahil sa kooperasyon ng dalawa. Kaya
sa huli ay silang dalawa ang ginanap na mga matatapang na mamayan sa kanilang
tribo. Sa mahabang panahon ay nagging matalik na magkaibigan si Uctogan at
Calubay, at sa huli nung mamatay ang kanilang datu ay silang dalawa na ang namuno
sa kanilang tribo na sa mahabang panahon ay pinalitan nila ng pangalan, ang pangalan
na ito ay nagmula sa pangalan nilang dalawa. Ang tribo ay tinawag nilang “Caluctogan”
na ngayon ay siya paring gamit ngayon naming sa aming barangay.

Wakas!!

Shn Kerby C. Dolamos 8 – Amber


7/10/18

Anda mungkin juga menyukai