Anda di halaman 1dari 2

BANGHAY ARALIN SA PAMAMAHAYAG

Petsa: __Miyerkules, Hunyo 20, 2018__

I. Layunin:
a. Naibibigay ang iba’t ibang katangian / uri ng atikulo at iba pang nilalaman ng
Pamamahayag Pangkampus na kadalasang kategorya sa mga patimpalak at Press
Conferences.
b. Naihahambing at nasusuri ang mga artikulo batay sa katangian.

II. Paksang-Aralin:
Mga Kategorya sa Pamamahayag
Sanggunian: Ang Mapanuring Umalohokan pp. 10-13

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin at isulat ang titik ng tutugmang layunin ng Pamamahayag sa
kahon sa ibaba sa mga napapanahong isyu sa bansa.

1. Sang-ayon sa RH Bill a. magbigay-puna


2. Pagpapatupad ng K to 12 b. magpabatid
3. Pagkawala ng mga manhole c. magturo
sa kalye d. manghalina
4. Pamamaraan sa pag-iwas sa e. manghikayat
dengue f. manlibang
5. Hiwalayang Derek at Angelica
3. Balik-aral
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod.
1. Pinakamatandang pahayagang pangkampus sa bansa.
2. Ang unang patnugot ng pinakamatandang pahayagang pangkampus sa bansa.
3. Ang kauna-unahang pahayagang pangkampus na regular na inilalathala.
4. Dito ginanap ang kauna-unahang National Secondary Press Conference.
5. Ito ang tawag sa pamamahayag sa mga paaralan.
3. Terminong pampamamahayag
balita, editoryal, lathalain, balitang pampalakasan, balitang pang-agham
B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
Pagsusuri ng mga artikulo sa isang pahayagang pangkampus.
3. Pagtalakay
a. Ano-ano ang mga artikulong inyong nakita at nabasa sa isang pahayagang
pangkampus?
b. Paano nagkakaiba ang mga artikulo?
c. Ano-ano ang iba’t ibang katergorya sa pamamahayag pangkampus?
d. Paano makikila ang balita? ang editoryal? ang lathalain? ang balitang
pampalakasan? ang balitang pang-agham?
C. Paglalahat
May iba’t ibang kategorya sa Pamamahayag. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagsulat ng Balita
2. Pagsulat ng Editoryal
3. Pagsulat ng Lathalain
4. Pagsulat ng Balitang Pampalakasan
5. Pagsulat ng Balitang Pang-agham
6. Pagguhit ng Editoryal Kartuning
D. Pangkatang Gawain
Magbigay ng 5 katangian upang paghambingin ang mga kategorya sa Pamamahayag.
Isulat ito sa nakalaang tsart.
Pangkat I - Balita, Editoryal, Lathalain
Pangkat II - Isports, Agham, kartun

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod.
1. Nagbibigay ng opinion..
2. Puno ng aksyon.
3. Pinadali ang mga teknikal na salita.
4. Kumakatawan sa editoryal.
5. Nagbabalanse sa pagiging pormal ng Balita at Editoryal.

V. Gawaing-Bahay
Gumupit ng halimbawa sa baewat kategorya sa pamamahayag.

Anda mungkin juga menyukai