Anda di halaman 1dari 1

Ang ilan sa mga isyung kinakaharap ng ating komunidad sa kasalukuyan ay ang mga kumakalat na fake

news at mga plagiarized na mga dokumento. Sa panahon natin ngayon, hindi talaga maiiwasan ang
pagkalat ng fake news lalong lalo na sa social media dahil halos lahat ng tao sa mundo ay nakatutok dito.
Ang fake news ay ipinapakalat ng mga mapanlinlang o masasamang tao dahil gusto nila manloko, gumawa
ng isyu na magpapagulo sa sambayanan o lituhin ang mga tao. Madalas itong ginagamit ng mga politiko
upang siraan ang kanilang mga kalaban upang makaangat sila. Paano ba natin ito maiiwasan? Bilang mga
intelektuwal na mga mamamayan, dapat nating suriin ng mabuti ang mga impormasyon na ating nababasa
at hindi basta bastang naniniwala sa mga balita sa social media. Kailangan nating maging tutok sa mga
balita na galing sa telebisyon o di kaya naman sa isang tiyak na mapagkakatiwalaang pagmumulan ng
balita. Bilang pagdadagdag, ang palagiang pagbabasa ay makakatulong upang maging mahusay tayo sa
pagtukoy ng fake news at hindi dahil nililinang at pinapalawak nito ang ating kaalaman kasi ang mga
madalas na nabibiktima ng fake news ay ang mga taong kakaunti ang kaalaman sa mga nangyayari sa
lipunan. Ang sunod na isyu naman ay plagiarism na isang uri ng pagnanakaw kung saan kumokopya o
isinasalin ng isang manunulat ang mga eksaktong pahayag na nagmula sa isa pang manunulat ng walang
pahintulot o di kaya naman ay maling paraan ng pagsipi. Maaari itong gawin ng sadya o hindi sinsadya
dahil mayroong mga tao na nakakaligtaan ang mga importanteng bagay na dapat tandaan sa paghiram o
paggamit ng mga pahayag mula sa libro ng ibang manunulat na magdudulot ng isang plagiarized na
dokumento. Malimit na ito ay nangyayari sa mga papel pananaliksik dahil dito kadalasang isinasagawa ang
pagsusuri ng mga libro, jornal, talumpati at iba pa. Kung sa gayon, maiiwasan natin ang plagiarism kung
pag-aaralan natin ang tamang paglagay ng mga sanggunian at magiging maingat tayo sa paghiram ng mga
pahayag mula sa sulatin ng iba. Kailangan din nating malaman kung ano ang pagkakaiba ng paraphrase at
buod dahil dito madalas na nagkakamali ang mga manunulat sapagkat hindi nila alam ang pagkakaiba ng
dalawa. Makakatulong ang paghingi ng gabay sa iyong tagapayo o sa isang website na nagsusuri kung
plagiarized and iyong gawa. Bilang pagtatapos, dapat linangin natin ang ating mga sarili sa pagsusulat at
huwag kakalimutang ilagay ang tamang sipi ng mga impormasyong kukunin mula sa ibang manunulat o
mananaliksik.

Anda mungkin juga menyukai