Anda di halaman 1dari 1

Kimberly S.

Acosta
HUMSS 12- Wisdom
Creative Non Fiction
Sir Melvin Viana
REPORTAGE

-Horror-

Unti unti ng natatakpan ang madilim na ulap sa silangan. Humuhuni ang mga
kulisap at kuliglig habang sabay sabay na nagtatahulan ang mga aso. Ang oras na
ito ay hapunan, abalang abala si aling kimberly sa paghahanda ng pagkain para sa
hapunan ng kanilang pamilya. Samantalang tinawag niya ang panganay na anak na
si cayden at inutusan para ilagay sa lamesa ang mga pinggan . Sumunod naman si
cayden at nagwikang “Opo inay papunta na po”. Inilapag na din ni aling kimberly
ang kanin at ulam sa lamesa, nagkagulo naman ang mga anak nito.” Akin ang
tinapa” malakas na wika ni badeth. “Akin ang adobong sitaw” ang wika naman ni
cayden. At isa pang nakisalo sa ingay ang kanilang ama na si ariel. ”Akin ang
sinigang na baboy” pabarakong wika nito.Naghapunan na ang mag-anak sa munti
nilang tahanan. Pagkatapos kumain ay si cayden na ang nagligpit ng kanilang
pinag kainan at naglaro na sa loob ng kwarto ang kanyang bunsong kapatid.
Natapos na sa paghuhugas ng pinggan si cayden at naisipan na niyang isara ang
kanilang pintuan pero nakaagaw ng kanyang atensyon ang isang apoy na nasa
puno ng kanilang acasya ,kinusot niya ang kanyang mga mata at sa muling
pagmulat nito ay mas malinaw na ang kanyang nakita naroon ang isang malaking
tao na may hawak na parang sigarilyo natakot si cayden kaya mabilis siyang
pumasok sa kanyang kwarto at pabagsak na isinara ang pinto na ikinagulat naman
ng kanyang mga magulang . Nagtaka ang ama nito kung bakit nagkaganun ang
kanyang anak kaya naman lumabas ito para tignan kung ano ang masamang
nangyare sa labas ng kanyang bahay pero wala naman itong nakita napaka tahimik,
ng lugar at mapayapa. Totoo ba ang nakita ng panganay nilang anak o guni guni
lamang ito?

Anda mungkin juga menyukai