Anda di halaman 1dari 3

I.

A. Isang aral para kay Armando


Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa",
sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at
pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.
Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang
punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago
nagwakas.

B. Sangunian
1. https://tl.wikipedia.org/wiki/Amado_V._Hernandez
2. https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/isang-aral-para-kay-armando/

II.

A. Tauhan
Armando – Ang batang bida sa kwento.
Ina – Ang ina ni Armando na laging nag papa alala sakanya.
4 niyang kaibigan kabilang na si Ben – Mga nakasama niya sa pagligo sa ilog.
Lalaki – Ang tumulong sakanya na makaahon sa ilog.

B. Tagpuan
Bahay – Tahanan ni Armando
Ilog – Kung saan naligo si ben at ang kanyang 4 na kaibigan

C. Talasalitaan
1. Kamiseta
2. Wiling-wili
3. Nahulasan
4. Napamulagat
5. Kanayon

D. Buod
Si Armando ay laging pinag babawalan ng kanyang ina sa mga bagay na gusto
niyang gawin. Dahil ditto ay sumama ang loob ni Armando sa kanyang ina at naisip
na masyado lang maalalahanin ang kanyang ina, Isang araw ay umalis ang kanyang
ina at iniwan siyang mag isa sa kanilang tahanan at ipinag bilinan na huwag maliligo
sa ilog dahil kaya siyang maanod nito. Hindi ito sinunod ni Armando at siya ay naligo
ng hindi alam ng kanyang ina, tinawag niya ang kanyang mga kaibigan at sama sama
silang naligo sa Ilog. Sa isang di namalayan na oras ay bigla nalang tinangay si
Armando ng malakas na alon galing sa ilog at siya ay tinangay patungo sa malalim na
parte ng ilog, humingi siya ng tulong ngunit hindi rin siya kayang tulungan ng mga
kaibigan niya at ang tanging ginawa niya nalang ay nagdasal. Biglang tumalon ang
isang lalaki at sinak lolohan si Armando pagkatapos ng nangyare na iyon ay naisip
niya na tama ang kanyang ina at dapat sumunod na siya sa ina niya.

E. Gintong Aral / Kaisipan


Maging isang mabuting anak at huwag sumuway sa mahulang dahil alam ng
magulang mo ang ikabubuti mo at lagi nilang pinag babawalan tayo dahil mahalaga
tayo sakanila kaya huwag baliwalain ang mga paalala ng ating mga magulang. At isa
sa mahahalagang aral ay wag kalimutang tawagin ang Diyos sa mga araw na ikaw ay
nahihirapan o panganib.

III.

A. Istilo ng paglalahad
Ang istilo ng paglalahad na ginamit sa maikling kwento na ang pamagat ay Isang
aral para kay Armando ay pakuwento.

B. Panahon kinabibilangan
Ang maikling kwento na ito ay mabibilang sa lumang panahon hanggang sa
susunod na panahon dahil ang kwentong ito ay tumutungkol sa mga bata at magulang
dahil sa panahon dati at sa panahon ngayon ang pag didisiplina sa bata ay mahalaga
padin upang maging maayos ang mga batang anak.

C. Tayutay/Kawikaan
Napamulagat na lamang sila dahil sa hindi masaklolohang kababata.
Ang napamulagat sa madaling salita ay natulala na lamang sila sa hindi matulungang
kababata nila. Ito ay tayutay sapagkat gumamit ang manunulat ng isang
matalinhagang salita upang sadyang ilayo sa karaniwang ginagamit na mga salita
nang sa gayon ay nagkakaroon ito ng hindi lantad o nakatagong kahulugan.

D. Galaw ng Pangyayari

E. Bisang Pangkaisipan
1. Bisa sa isip – mapapaisip ka nalang dahil maalala mo ang mga panahon na kung
saan ay bata ka pa at hindi rin sumusod sa mga bilin ng mga magulang.
2. Bisa sa damdamin – Mapapagtanto mo nalang na dapat pala sumanod nalang ako
sapagkat tama naman talaga ang sinasabi ng ating mga magulang at para sa
ikabubuti natin yon.
3. Bisa sa lipunan – madaming matutunan lalo na ang mga bata sa kwentong ito
dahil ang kwentong ito ay patama sa mga batang matitigas ang ulo o pasaway sa
magulang.
F. Pag papahalaga ayon sa Nilalaman
1. Kalagayang sosyal – Ang batang (Armando) tauhan sa kwento ay halos kaparehas
din ng mga kabataan ngayon kung saan ang mga bata ay nagiging pasaway na
sapagkat hindi sila na didisiplina ng maayo ng kanilang magulang at hindi ito
napapasunod sa kanilang mga bilin.
2. Kulturang Pilipino – Ipinapakita ng may akda na ang mga magulang ay dapat
maturuan ng maayos ang mga bata at mapanatili ang kaligtasan nito.

Anda mungkin juga menyukai