Anda di halaman 1dari 2

09/12/2018 LLOYD R.

DIONSON EPP 4 – ICT/ENTREP

I. NILALAMAN:
Tatalakayin sa araling ito ang kahulugan at uri ng malware at virus. Ang araling ito ang magbibigay ng
kakayahan sa mga mag-aaral na matukoy ang mga sintomas ng malware at virus na nakapasok sa computer.
Matututuhan din ang mga dahilan ng pagkakaroon nito sa computer at kung paano ito maiiwasan.

II. LAYUNIN:
1. Nabibigyang kahulugan ang malware at computer virus
2. Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at computer virus
3. Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng computer virus
4. Naisa-isa ang mga paraan kung paano maiwasan at tanggalin ang malware at computer virus.
III. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Malware at Computer Virus
Sanggunian: K to 12 –EPP4IE – Oh 16

Kagamitan: computer, internet access, manila paper, bond paper, lapis

IV. PANIMULANG PAGTATASA:


Ipasagot sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtatasa sa Kasanayan sa Computer Virus at Malware sa LM.

V. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga Gabay na Tanong sa Alamin Natin sa LM.
2. Itala ang mga sagot ng mag-aaral sa pisara. Tanggapin lahat ang sagot ng mga ito.
3. Iugnay ito sa paksang tatalakayin, ang Malware at Computer Virus.
Mula sa sagot ng mga mag-aaral ay talakayin ang sumusunod sa LM:
 kahulugan ng malware
 uri ng malware
 paraan ng pagkalat ng malware

B. PAGLALAHAD
Gawain A. Malware... Iwasan!
1. Ipagawa ang Gawain A: Malware... Iwasan! sa LM.
2. Ilahad at ipaalala sa mga bata ang kanilang aralin sa Health (INTEGRATION: PREVENTION AND
CONTROL OF DISEASES AND DISORDERS – 2ND QUARTER [H4DD] H4DD-IIa-7, H4DD-IIb-9, 4DD-
IIef-11)
3. Bumuo ng anim na pangkat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
4. Sa pangunguna ng lider, ang bawat grupo ay mag-uusap-usap tungkol sa mga paraan ng pag-iwas
sa pagkakaroon ng malware.
5. Ipaliwanag ang pamamaraan sa pagsagawa ng Gawain B sa LM.
6. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang makapag-isip.
7. Ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang output sa pisara at pag-usapan sa klase.
8. Mula sa sagot ng mga mag-aaral ay talakayin ang sumusunod: Mga Paraan sa Pag-iwas ng
Pagkakaroon ng Malware.
Gawain B. Pag-usapan Natin!
1. Bumuo ng anim na pangkat. Papiliin ng lider ang bawat pangkat.
2. Talakayin ang mga Dahilan sa Pagkakaroon ng Computer Virus at Malware.
 Wala o mahinang anti-virus.
 Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website.
 Pagbubukas ng attachment galing sa isang email o mensahe na hindi alam ang pinanggalingan o
hindi kilala ang sender.
 Panonood ng malalaswang panoorin sa internet.
 Pagda-download ng mga dokumento o ilegal na kopya ng kanta, pelikula, o mga palabas mula
sa internet.
 Pag-iinstall o paglalagay ng mga libreng program o toolbar ng mga browser.
3. Bigyan ng maliliit na strip o maliliit na ginupit na kartolina ang bawat grupo.
4. Ipakita ang diagram ng Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Computer Virus at Malware sa LM.
5. Isusulat ng lider sa maliliit na ginupit o strip na kartolina ang sagot na hinihingi sa diagram at ididikit
ito.
6. Siguraduhing di na magdidikit ng parehong sagot.
7. Talakayin pa ang paksa kung may mga tanong pa ang mga mag-aaral.

Gawain C. Puwede o Di-puwede?


1. Isa-isahing basahin ang mga nakatala sa LM.
2. Gamit ang dating binuong pangkat ng mag-aaral, ipasagot sa kanila ang mga nakatala sa gawain
ayon sa panuto.
3. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Natin sa LM.

Gawin D. Mag-scan Tayo!


1. Gamit ang mga nakuhang kaalaman sa aralin, ipagawa ang Gawin Natin: Mag-scan Tayo sa LM.
2. Bumuo ng anim na pangkat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
3. Sa pangunguna ng lider, ang bawat pangkat ay mag-uusap-usap ukol sa pagsasagawa ng gawain.
4. Ipaliwanag ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Gawain D.
5. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang makapaghanda sa Gawin Natin. (Ang mga
computer na gagamitin ay ihahanda at ibibigay ng guro.)

VI. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagtataya sa LM.
VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN.
Pagsaliksikin ang mga mag-aaral ng iba’t ibang anti-virus software. Ipasulat ang mga ito sa kanilang
kuwaderno.
KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

https://support.google.com/adwords/answer/2375413?hl=fil

http://en.wikipedia.org/wiki/Virus

http://www.symantec.com/connect/articles/what-are-malware-viruses-spyware-and-cookies-and-what-
differentiates-them

http://mypcdefender.blogspot.com/2014/01/malware-could-send-data-stolen-without.html

Anda mungkin juga menyukai