Anda di halaman 1dari 4

01 MUSIC:

02 Dear Ate Charing, sino ang hindi matutuwa na mayron kang kapatid
03 na nakapasok sa isang kilalang unibersidad at ilang taon na lang ay magiging
04 isang ganap na abogado at maliban pa roon ay varsity player ng basketbol.
05 Masarap sa pakiramdam na hindi nasasayang ang paghihirap ko sapagkat
06 hindi ako binibigo ng kapatid ko.
07
08 SOUND EFFECT: TUNOG NG TELEPONO
09 Adrian: Hello, Ate. Kumusta ka na?
10 Maxene: Hello, Adrian. Maayos naman. Ikaw kumusta? Natanggap mo na
11 ba yung pandagdag na bayad sa tuition fee mo?
12 Adrian: Oo Ate. Salamat ha? Kukuha na ako ng exam sa sunod na lingo
13 pagtapos noon ay basketball tournament namin kaya….
14 Maxene: Ayos brad, hindi mo talaga sinasayang ang paghihirap ko dito sa
15 Italy. Tiyak na proud na proud ang mama at papa kung nasaan man
16 sila ngayon.
16 Adrian: Syempre ate, ako pa!
17 Maxene: Oh sya sige. Malaki ka na at malaki ang tiwala ko sa’yo. Sige na.
18 Ba-bye na muna. Mag‐iingat ka palagi dyan. Love-love ka ni ate.
19 Adrian: Opo, Ate. Wag ka na masyado mag‐aalala sa’kin dito. Alagaan mo
20 ang sarili mo dyan. Bye Ate, mag‐iingat ka palagi. I love you.
21
22 MUSIC:
23 Ate Charing, nagtatrabaho ako dito sa Italy bilang isang
24 waitress. Lahat ng pagod at hirap ay aking kinakaya para sa aking kapatid.
25 Ulila na kami sa aming mga magulang kung kaya’t ako ang nagtataguyod
26 para sa aming ikabubuhay. Ang kapatid kong si Adrian ay iniwan ko sa
27 tiyahin ko sa Pilipinas at sinisikap kong matustusan lahat ng
28 pangangailangan at umaasa naman akong hindi ako bibiguin ng kapatid ko.
29
30 SOUND EFFECT: INGAY NG NAGKUKWENTUHAN
31 Adrian: Babe, May problema ba tayo? Kanina mo pa ako di pinapansin ah.
32 Cindy: Adrian…
33 Adrian: Ano yun?
34 Cindy: May gusto sana akong sabihin sayo.
35 Adrian: Kinakabahan ako sa sasabihin mo ah. Ano ba kasi yun?
36 Cindy: Adrian, I'm sorry. Mag-break na tayo.
37 Adrian: Cindy, seryoso ka ba? Bakit ang biglaan naman yata. Pag‐usapan
38 naman natin ‘to.
39 Cindy: I'm sorry, pero buo na ang desisyon ko.
40
41 SOUND EFFECT: (1) YABAG PALAYO
42 SOUND EFFECT : (2) DRIBOL NG BOLA
43
44 (dadating ang barkada)
45 Harold: Oh pre, si Cindy yun ah. Nag‐away ba kayo?
46 Adrian: Ha? Ah Hindi, hindi. Nagmamadali lang siya kasi tumawag si daddy
47 niya. Pinapauwi muna siya.
48 Harold: Ganun ba? Nga pala pare, may lakad ang tropa. Tagal na din
49 nating hindi lumalabas para uminom eh. Sama ka ha? Wag mong
50 sabihing aayaw ka na naman.
51 Adrian: Game ako!
52 Harold: Woah! Ang bilis ah. Dati hirap na hirap kaming mapapayag ka.
53 Adrian: Ikaw naman. Syempre minsan lang ‘to. Parang ayaw niyo naman?
54
55 SOUND EFFECT: (1)YABAG PALAYO
56 SOUND EFFECT: (2) KATOK SA PINTO
57 SOUND EFFECT: (3) PAGBUKAS NG PINTO
58 SOUND EFFECT: (4) PARTY MUSIC
59 Tita Celia: Adrian? Naku bata ka! Kanina pa kita hinihintay.
60
61 SOUND EFFECT: PAGSARADO NG PINTO
62 Tita Celia: Teka, bakit ganyan ang hitsura mo? Lasing ka ba?
63 Adrian: Tita…. Matutulog na ko Tita.
64 Tita Celia: Kumain ka na ba?
65 Adrian: Hmmmmm.
66
67 SOUND EFFECT: YABAG NG SAPATOS PAALIS
68 Tita Celia: Tingnan mo itong batang ito. Kinakausap ko pa eh. Biglang
69 umaalis.Tsk,Tsk. Oh sya, magpahinga ka na.
70
71 MUSIC :
72 Ilang linggo na din ang nakalipas simula nang makausap ko si Adrian sa
73 telepono. Hindi na siya madalas magmessage o sumagot sa mga tawag ko.
74 Hanggang isang araw…
75
76 SOUND EFFECT: TUNOG NG TELEPONO
77
78 Maxene: Si tita. Aba dis oras ng gabing ayon sa Pinas ah. Bakit kaya
79 tumatawag ang tita ko ng ganitong oras.
80 Hello, Tita?
81 Tita: Max...Ang kapatid mo.
82
83 BACKGROUND MUSIC:
84 Maxene: Oh tita, ano pong nangyari?
85 Tita Celia: Max, ang kapatid mo. Wala na. Wala na si Adrian.
86 Maxene: A-a-a-ano po? Di ko kayo maintindihan. Ano po’ng nangyari kay
87 Adrian?
88 Tita Celia: Si Adrian, nagpakamatay…..
89 Maxene: Tita naman! Wag naman kayo magbiro nang ganyan.
90 Tita Celia: Wala na siya, Maxene. Wala na si Adrian.
91 Maxene: Adriaaaaaan….. Hindi….
92
93 SOUND EFFECT: TUNOG NG PAGBABA NG TELEPONO
94 Tita Celia: Maaxxxx.....?
95
96 MUSIC:
97 Parang gumuho ang mundo ko sa natanggap kong balita. Nawala
98 lahat ng pag‐asang inaasam ko. Dali dali kong inayos ang gamit ko
99 upang umuwi ng Pilipinas. Nasa eroplano pa lang ako ay parang papanawan
100 na ako ng ulirat kapag naiisip ko kung anong madaratnan ko pag-uwi.
101 Makaraan ang ilang araw ay naihatid na naming si Adrian sa kanyang
102 huling hantungan ngunit hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. Hindi
103 ko matanggap na nagawa ng kapatid ko ang magpakamatay.
104
105 SOUND EFFECT: HANGIN AT HUNI NG IBON
106 Tita Celia: Maxene, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Namiss
107 mo siguro tong lugar na tambayan nyo dati ni Adrian no?
108 Maxene: Pwede ba Tita? Wag mo na banggitin ang pangalan ng kapatid ko.
109 Tsaka, gusto ko mapag‐isa. Iwan nyo muna ako.
110 Tita Celia: Teka, bakit parang galit ka ata sa’kin? Sinisisi mo ba ako sa
111 nangyari, ha, Maxene?
112 Maxene: Tita, kayo ang kasama niya dito. Ni hindi mo man lang nabantayan
113 ang kapatid ko.
114 Tiya Celia: Maxene ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong alam sa
115 pagpapakamatay niya. Ni hindi nga siya nagpakita na may problema
116 siya. Kaya sinong mag‐aakala na gagawin niya ‘yon?
117
118 SOUND EFFECT: YABAG NA PADATING
119 Anak ni Celia: Ma! Ate Maxene! May nakita akong sulat kasama ng mga
120 gamit ni Kuya Adrian.
121 Tita Celia: At para saan naman kaya ang sulat na yan? Basahin mo nga,
122 Maxene.
123
121 MUSIC:
122 Adrian: Ate, Alam kong magagalit ka sa gagawin kong ‘to, pero Ate, hindi ko
123 na kaya. Hirap na hirap na ako. Salamat sa lahat ng sakripisyo at
124 pagmamahal mo. Pasensya ka na dahil hindi na matutupad yung pangarap
125 mo para sa’kin. Oo Ate, pangarap mo. Ikaw naman may gusto na
126 pag‐aabogado ang kunin ko diba? Kayo nina Mama at Papa. Pinilit ko
127 namang maging matatag. Pinilit ko namang kayanin. Pero bumagsak ako sa
128 isang subject ko at nasundan pa ulit. Natanggal ako sa pagiging iskolar.
129 Down na down ako nun tapos iniwan pa ko ng girlfriend ko. Nasawa na sya
130 sa pag-unawa sa akin. Nawalan na ko ng pag‐asa Ate. Pakiramdam ko
131 mag‐isa na lang ako ,wala nang nakakaintindi sa’kin. Gustong-gusto kitang
132 kausapin pero ayaw ko nang dagdagan pa ang mga isipin mo. Ate sana
133 mapatawad mo ‘ko. Sorry ate. Alagaan mo sarili mo. Mahal na mahal kita Ate
134 ko.
135 Maxene: Adrian.. I’m so sorry.
136
137 MUSIC:
138 Habang binabalikan ko ang tagpong iyon, hindi ko maiwasang sisihin ang
139 sarili ko sa pagkawala ni Adrian.
140
141 SOUND EFFECT: GRADUATION SONG:
142 Nico: Ma, I made it! Pasensya na po kung hindi ko natupad ang pangarap
143 mong magkaroon ng abogado sa pamilya natin.
144 Maxene: No, anak. I’m happy na masaya ka sa kinuha mo. Ayaw ko nang
145 maulit pa ang pagkakamali ko noon. Congratulations anak.
146 Nico: Thanks, ma. Para po sa inyo ito ni Papa at kay Tito Adrian.
147
148 BACKGROUND MUSIC:
149 Ang nangyari sa kapatid kong si Adrian ang nagmulat sa akin upang
150 pahalagahan ang pagmamahal, pang unawa at presensya ng pamilya sa
151 lahat ng bagay lalung-lalo na sa paggawa ng anumang desisyon.

Anda mungkin juga menyukai