Anda di halaman 1dari 1

Ang Alamat Ng Makahiya

Mayaman ang mag-asawang Mang Dodong at Aling Iska. May kaisa-isa silang
anak na labin-dalawang taon na. Napakabait at masunuring bata si Maria
ngunit may pagkamahiyain. Ayaw niyang makipag-usap sa ibang tao.
Nagkukulong siyang lagi sa silid para makaiwas sa mga tao. Si Maria ay may
hardin ng mga bulalak. Ang kanyang mga bulaklak ay sadyang napakaganda
kaya kilalang- kilala ang mga ito sa kanilang bayan. Isang araw, ang kanilang
bayan ay pinasok ng mga bandido. Pinatay ng mga ito ang bawat masalubong
at kinukuha ang anomang mahalagang bagay. Sa takot na mapahamak si
Maria ay itinago si Maria ni Mang Dodong at Aling Iska sa bunton ng mga
halaman si Aling Iska ay nag tago sa loob ng bahay samantalang si Mang
Dodong ay humandang salubungin ang pag dating ng mga bandido. “Diyos ko!
Iligtas mo po ang aking anak!” dasal ni Aling Iska. Walang anu-ano ay
bumukas ang pintoan ng kanilang bahay walang nagawa si Mang Dodong ng
pukpukin siya sa ulo ng mga bandido. Nagtangkang tumakas sia Aling Iska
ngunit tulad hindi matagpuan ang anak. Walang anu-ano ay may sumundot sa
paa ni Mang Dodong. Laking pagtataka niya nang makita ang isang uri ng
halaman ba mabilis na tumikom ang dahon. “Anong uri ng halaman ito?
Ngayon lang ako nakakita nito!” may pagkamanghang sambit ni Mang
Dodong. Tiningnang mabuti ng mag-asawa ang halaman. Doon nila natanto na
ang halamang iyon ay dili iba ay si Maria. Ginawa siyang halaman ng Dyos
upang mailigtas sa mga bandido. Hindi mapatid ang pagluha ni Aling Iska.
Laking pagkagulat muli ni Mng Dodong nang ang bawat patak ng luha ni Aling
Iska ay maging maliliit at bilog na kulay rosas na mga bulaklak. Magmula
noon, ang halaman ay inalagaan mabuti ng mag-asawa sa paniniwalang ito ang
kanilang anak. Tinawag nila itong Makahiya, tulad ng katangian ni Maria.

Anda mungkin juga menyukai