Anda di halaman 1dari 8

Alamat Ng Aso

Kinaiinggitan ang mabuting


samahan ng magkaibigang
Masong at Lito. Maliliit pang
mga bata ay lagi na silang
magkasama. Lagi nilang
inaalala ang isa't isa. Lagi rin
silang magkasama sa bawat
lakaran.

Nanatili ang magandang


samahan ng dalawa kahit nang
magbi-natilyo na sila. Naging bahagi na ng buhay nila ang
pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa
pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama.

Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng


malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon sa kamatayan
ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya
matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang
dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay
kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at
nakikinig sa kanya.

Minsa ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting


lakad lang ay hilung-hilo na siya. Pinigilan siya ng ina sa
pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit


na hayop na umuwi kina Lito. Lagi iyong itinataboy ng i na
ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila
nagbabantay sa kanya.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang


unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang hayop
na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat
ng puntod at kawag nang kawag ang buntot.

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi


niya. Natu-tulog ito sa paanan niya at pag-gising niya sa
umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot
nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng
pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang


lumaon ay naging aso ang tawag dito.
Alamat Ng Durian
Sa isang bayan sa Mindanao
ay may matandang babae na
lalong kilala sa tawag na Tandang
During. Nakatira siya sa paanan
ng bundok. Ang maliit niyang
kubo ay nakatayo sa gitna ng
malawak niyang bakuran na
naliligid ng mga puno.

Si Tandang During ay karaniwan nang ginagawang


katatakutan ng mga ina sa kanilang malilikot na mga anak.
Sabi nila ay lahi ito ng mangkukulam kung kaya dapat
iwasan.

Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na nag-


iisa. Mula nang mamatay ang asawa at mga anak ay hindi
na siya umalis sa paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at
dahil matanda na ay mas ibig pa niyang asikasuhin na lang
ang mga tanim na halaman.

Masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng mga


tao. Noong kamamatay palang ng mga mahal niya sa buhay
ay marami ang nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan niya.
Sa gayon ay unti-unti na ring lumayo sa kanya ang mga tao
hanggang maging panakot na lamang siya sa makukulit na
mga bata.
Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na
mga bata ay malalaki na ngunit si Tandang During ay gayon
parin. Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi naki-
salamuha sa mga tao.

Isang gabi ay itinaboy ng hanging amihan ang isang


kakaibang amoy sa komunidad. Hindi nila alam kung ano
ang amoy na iyon at kung saan galing. Nanatili ang amoy
nang sumunod pang mga araw at patindi nang patindi.
Nagpasya ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng
amoy.

Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During


nang ma tiyak na doon nanggagaling ang amoy. Hinanap
nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay
nabaling ang pansin ila sa isang puno na ang mga bunga
ay may matitigas na balat at matatalim na tinik. Dahil
sobrang hinoy ay nagsisimula nang bumuka ang mga prutas.
Isang lalaki ang umakyat ng puno para kumuha ng bunga.
Nagtakip sila ng ilong nang buksan ang prutas pero pare-
pareho ring nasarapan sa lasa ng prutas na iyon.
Nagsipitas sila ng mga bunga at iniuwi sa kani-kanilang
bahay.

Nang may makasalubong silang isang matanda na


tagaibang lugar at itinanong kung ano ang dala nilang
prutas ay iisa ang sagot nila. "Bunga ng tanim ni Tandang
During 'yan", sabi nila.
During yan ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya
nang bigyan nila ito ng bunga at itanong ng mga kakilala
kung ano iyon ay sinabi nitong ang pangalan ng prutas ay
during yan. Kalaunan ay nagiging durian.
Alamat Ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa
naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na
may kanya-kanyang kagandahang
taglay.

Si Kalabasa na may
kakaibang tamis, si Kamatis na
may asim at malasutlang kutis, si
Luya na may anghang, si
Labanos na sobra ang
kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni
Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,
si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may
gaspang na kaakit-akit.Subalit may isang gulay na
umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may
maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay
ay di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi


ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at
dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang
mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat


ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang
isinuot.Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na
hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit
walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga
gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may


gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang
hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang
taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa
kanila si Ampalaya.Nagalit ang mga gulay at kanilang
iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila
ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit
ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha
sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon


lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan.
Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang
anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang


na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang
katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay
naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang
idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.
Alamat Ng Makahiya
Ang mag-asawang
Mang Dondong at Aling
Iska ay mayaman at may
kaisa-isang anak. Mahal
na mahal nila ang
labindalawang taong
gulang na si Maria.
Napakabait at masunuring
bata si Maria. Sa kabila ng
magandang katangiang ito
ni maria, ang
pagkamahiyain ay kaakibat
ng kanyang katauhan.
Ayaw niyang makipag-usap
sa ibang tao kung kaya't
nagkukulong lamang siya sa kanyang silid para lamang
makaiwas sa mga tao.

Si Maria ay may taniman ng mga magagandang


bulaklak. Ang kaniyang mga bulaklak ay sadyang
napakagaganda kung kaya't ang mga ito ay kilalang-kilala
sa kanilang bayan.

Isang araw, ang kanilang bayan ay pinasok ng mga


bandido. Pinapatay nila ang bawa't masalubong at kinukuha
ang anumang mahahalagang bagay. Sa takot na mapahamak
si Maria, itinago siya ni Mang Dondong at Aling Iska sa
bunton ng mga halaman. Si Aling Iska ay nagtago sa loob
ng kabahayan, samantalang si Mang Dondong ay
nakahandang salubungin ang pagdating nga mga bandido.

"Diyos ko! Iligtas mo po ang aking anak." Dasal ni


Aling Iska.

Nang walang anu-ano'y bumukas ang pintuan ng


kanilang bahay. Si Mang Dondong ay walang nagawa nang
pukpukin siya sa ulo ng mga bandido. Nagtangkang tumakas
si Aling Iska nguni't tulad ni Mang Dondong, siya rin ay
nahagip at nawalan ng malay-tao. Naghalughog ang mga
bandido sa buong kabahayan. Matapos samsamin ang mga
kayamanan ng mag-asawa ay hinanap nila si Maria nguni't
sila ay bigong umalis. Hindi nila natagpuan si Maria.

Nang matauhan ang mag-asawa, ang kanilang anak na


si Maria ang agad nilang hinanap. Patakbo nilang tinungo
ang halamanan. Laking lungkot ni Aling Iska ng hindi
matagpuang ang anak. Nang walang anu-ano'y may
sumundot sa paa ni Mang Dondong. Laking pagtataka niya
nang makita ang isang uri ng halaman na mabilis na
tumitikom ang mga dahon.
"Anong uri ng halaman ito? Ngayon lang ako nakakita
nito!" Ang may pagkamanghang sabi ni Mang Dondong.

Tinitigang mabuti ng mag-asawa ang halaman, at doon


nila napagtanto na ang halamang iyon ay dili-iba't si Maria.
Ginawa siyang halaman ng Diyos upang mailigtas sa mga
bandido.

Hindi mapatid ang pagluha ni Aling Iska at laking


pagkagulat na muli ni Mang Dondong na bawa't patak ng
luha ni Aling Iska, ito ay nagiging isang maliit at bilog na
kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon, ang halamang iyon ay inalagaang


mabuti ng mag-asawa sa paniniwalang ito ang kanilang
anak. Tinawag nila itong Makahiya, tulad ng isang
katangian ni Maria.
Alamat ng Baguio
Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk.

Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si Kunto.

Bata pa lamang si Kunto ay nakitaan na ng kakaibang lakas at tapang. Kaya't ito ay napiling
tagapamuno ng Suyuk.

Ang mga naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng


cañao bilang pasasalamat sa mga anito.

Kung magdaos sila ng cañao ay nagpapatay sila ng baboy at iniaalay sa bathala.

Isang araw ay nagpunta si Kunto sa kagubatan upang mamana. Di pa sya nakakalayo ay


may nakita siyang isang uwak at nakatayo ito mismo sa patutunguhan nya.

Lumakad si Kunto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi gumagalaw.

Nang malapit na si Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng
tatlong beses.

Bagamat matapang ay nakaramdam din si Kunto ng takot. Hindi na tumuloy si Kunto sa


pamamana at isinangguni na lang nito sa mga nakakatanda ang nakita nyang uwak at ang
ikinilos nito.

"Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala na dapat tayong magdiwang
ng cañao" saad ng matanda.

"Kung ganoon ay magdiwang na tayo ng cañao" saad naman ng isa.

Nang ang lahat ay nakahanda na ay humuli sila ng isang baboy na iaalay sa bathala.

Inilagay nila ito sa altar na ginawa nila sa taas ng kabundukan.

Ngunit anong himala ng biglang ang baboy ay nag anyong tao.

Nagulat ang lahat ng magsalita ito.

"Wag kayong matakot, dahil kayo'y mabubuti ay gagantimpalaan ko kayo basta't sundin nyo
lamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi.
Pagkatapos ay takluban ninyo ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang cañao at
pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik kayo dito" saad ng misteryosong matanda.

Ginawa naman ng mga taga nayon ang bilin ng matanda.

Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga taga nayon ng isang puno na di pa nila
nakikita. Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay maari nilang kuhanin ngunit wag lamang
gagalawin ang katawan.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng matanda
sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na itinaklob ng mga taga nayon.

Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad ito ng
panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa isa silang kumuha.

Sa loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk. Ngunit hindi nawala
ang inggitan.

Nang tumagal ay namalayan na lamang nila na ang puno ay napakataas na at di na maabot


ang mga dahon at bunga.

"Kay taas na ng puno at di na natin maabot ang dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na
natin ito" saad ng isa.

Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang puno at ito naman ay nabuwal.

Nayanig ang lupa at nakarinig ang mga taga nayon ng isang tinig.

"Kayo ay nabigyan ng gantimpala ng kabutihan ngunit sa halip na mag ibigan ay inggit at


pag-iimbot ang naghari sa inyong mga puso" saad ng misteryosong tinig.

At pagkatapos marinig ang tinig ay nilamon ng lupa ang mga taga nayon.

Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka lamang nito sa
paghukay ng lupa.