Anda di halaman 1dari 6

1.

ANG TANGI KONG PAG IBIG


2. KATAKATAKA
3. SANA’Y WALA NG WAKAS
4. BITUING WALANG NINGNING
5. MUTYA NG PASIG
6. MINAMAHAL KITA
7. PAKIUSAP
8. ANG MAYA
9. BITUING MARIKIT
10. DAHIL SA’YO
11. UGOY NG DUYAN
12. NAHAN
13. MAGSIMULA KA
14. KAY GANDA NG ATING MUSIKA
15. ANO KAYA ANG KAPALARAN
16. MINSAN ANG MIANAHAL MO AY AKO
17. SAAN KA MAN NAROROON
18. CARIÑOSA
19. AY AY PAG IBIG ***
20. PANDANGGUHAN ***
21. GAANO KO IKAW KAMAHAL
22. BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN
23. HANGGANG
Ikaw lang ang mamahalin

Sa bawat pag-ikot ng ating buhay


May oras kailangan na maghiwalay
Puso’y lumaban man, walang magagawa
Saan pa, kailan ka muling mahahagkan

Magkulang man sa’tin itong sandal


Alam ko na tayo’y magkikitang muli
Hangga’t may umaga pa nahaharapin
Ikaw lang ang mamahalin

(Instrumental)

Puso’y lumaban man, walang magagawa


Saan pa, kailan ka muling mahahagkan

Magkulang man sa’tin itong sandal


Alam ko na tayo’y magkikitang muli
Hangga’t may umaga pa nahaharapin
Ikaw lang ang mamahalin
Bituing marikit

Bituing marikit sa gabi ng buhay


Ang bawat kislap mo’y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako’y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig


Napinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, lagging nasasabik
Ikaw ang pangarap, bituing marikit

Lapitan mo ako, halina Bituin!


At ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa’y huwag mong uhawin
Sa batis na iyong wagas na pag-giliw
Gaano ko Ikaw kamahal
Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailanman!
Ang pag-ibig ko sa’yo ay tunay
Nais ko sanang patunayan
Huwag ka ng mag-alinlangan
Ang pag-ibig ko’y hindi kukupas
Tulad din ng umagang
May pag-asang sumisikat

Ang ating buhay maikli aking hirang


Kung kaya’t kailangan ng pasuyong
Wagas kailanman

Ang sumpa ko sa iyo’y asahan


Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailanman!

Ang ating buhay maikli aking hirang


Kung kaya’t kailangan ng pasuyong
Wagas kailanman
Ang sumpa ko sa iyo’y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin
Magpakailanman!
Hindi kita Malimot

Sa pangarap ko lamang laging nakikita


Dahil sa nawawala’y ka sa aking sinta
Ako’y dumadalangin lalo na kay Bathala
Upang huwag kang lumimot pagkat mahal kita.

Hindi kita malimot ala-ala kita


Hindi kita malimot minamahal kita
Isinusumpa ko sa’yong kagandahan
Na ikaw lamang ang tangi kong minamahal

Hindi kita malimot huwag kang manimdiman


Hindi kita malimot manalig ka sinta
At kung ikaw man ang lumimot
Iyong alalahanin mahal parin kita
Sa Ugoy ng Duyan

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing


Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay!


Oh! Inay

Anda mungkin juga menyukai