Anda di halaman 1dari 6

Paksa: Konsepto ng Kasarian Konsepto ng Gender at Sex

Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay
maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa World Health
Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki.

SEX GENDER
Male Female Masculine Feminine
(lalaki) (babae)
Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki. Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba paghambingin man ang mga
lipunan subalit sa aspekto ng gender, maaaring malaki ang pagkakaiba-iba ng mga lipunan.

Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)

1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi nagtataglay nito.

Katangian ng Gender (Characteristics of Gender)


Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng
sasakyan.

Oryentasyong Seksuwal
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao
na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong
ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
Samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal
na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak,
kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago
ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos. Sa simpleng pakahulugan, ang salitang
oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang
oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at bisekswal.

Mga bagong konsepto ukol sa kasarian

Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki

Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga
lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha Bukod sa
lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.

Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig
sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian

Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at
ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan.

Anda mungkin juga menyukai