Anda di halaman 1dari 1

Republic of the Philippines

Province of Occidental Mindoro


Municipality of Sablayan
OFFICE OF THE MUNICIPAL LEGAL OFFICER

February 12, 2018

GEMMA INGOY
Owner, Sari-Sari Store/ Space Rental
Barangay Pag-Asa, Sablayan
Province of Occidental Mindoro

Gng. Ingoy:

Ang sulat pong ito ay pinadala sa inyo, sapagkat ang aming tanggapan ay
nakatanggap at patuloy na nakakatanggap ng mga sumbong mula Opisina ng Ingat-
Yaman at LEIPO na kayo ay nag-ooperate ng inyong Sari-Sari Store/ Space Rental ng
walang kaukulang permiso sa lokal na pamahalaan.

Amin din pong napag-alaman na kayo ay hindi nagbabayad ng kaukulang buwis at


nag-i-isyu ng resibo na pipanukala sa Local Revenue Code ng Sablayan at ng
Kagawaran ng Rentas Internas.

Nais po naming ipaalam sa inyo, na binibigyan lang namin kayo ng labin-limang (15)
araw upang ayusin ang inyong mga dapat bayaran sa Lokal na Pamahalan, upamg
maiwasan ang pagsampa ng kaukulang reklamo. Ipinababatid din po ng Lokal na
Pamahalaan, na ito ay may kapangyarihang ipasara ang inyong Sari-Sari Store/
Space Rental o i-embargo ang inyong ari-arian kung kayo ay patuloy na hindi
magbabayad ng inyong buwis at iba pang bayarin para sa inyong permiso.

Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon.

Gumagalang,

ATTY. MELVIE E. SILVERIO


Municipal Legal Officer

2nd Floor Municipal Building, Brgy. Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro


Email: mayorsoffice_sbyoccmdo@yahoo.com / lgusablayan@gmail.com
Tel. Number: (0434)-458-02-95

Anda mungkin juga menyukai