Anda di halaman 1dari 4

KGG.

ROLANDO BAUTISTA
KALIHIM, DSWD
Malacañang Palace, Manila City

Mahal na Kalihim,

Ako po ay lumalapit po kami sa inyong pinagpipitagang Tanggapan at idinudulog po sa inyo ang


problema ng aming mga kababayahan dito sa Bayan ng Pangil, Laguna

Nuong nakaraang Hulyo po ika-apat na linggo ay nagsagawa po ng programang cash for work under
DSWD. Kasama po ang pagwawalis, pagliinis ng canal at paglilinis ng mga ilog sa loob po ng labing isang
araw (11 days) at may kabayaran po ang bawat isa sa halagang bawat isa sa halagang dalawang daan at
walumput apat na piso (P284), natuwa naman po ang ating mga kababayan sapagkat mayroon silang
pinagkakakitaan upang makatugon sa kanilang pangangailangan sa kanilang pamumuhay.

Subalit sa hindi po nila inaasahang pangyayari hanggang sa kasalukuyan ay hindi po sila nababayaran ng
DSWD at umabot na po ng higit kumulang sa tatlong buwan. Ang iba po sa kanila ay ipinangungutang na
sa 5/6 sa buong akala na sa loob po ng isang lingo ay makukuha agad nila ang kanilang pinagpaguran o
pinagtrabahohan

Dahil po sa problemang ito kaya po kami ay napilitang lumapit sa inyo dahil nakaka-awa naman po ang
aming mga maraming kababayan at daan po ang bilang ng mga nagtrabaho sa proyektong ito at ilang
beses na po silang pinangakuan ng DSWD na hanggang sa oras po na ito binabasa ninyo ang liham na ito
ay nanatili pong pangako ang kanilang pinaghirapan.

Kung kaya’t kami po ay nakikiusap sa inyo ng buong puso na matulungan po ninyo ang aming mga
kababayan na mabayaran ang kanilang pinagtrabahuhan at gusto lang po nilang malinawan kung saan
napunta ang pondong nakalaan para sa kanilang pantawid program.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong positibong pagtugon sa liham na ito, pagpalain po kayo ng
ating Panginoon

Ang inyong Kaibigan,

ARTURO “ART” CAPITO


Pangil, Laguna
Ako po si Arturo “ART’ Cabral Capito may asawa. Kasal po kay LUALHATI LABAY MAAMO at may dalawa
po kaming anak na sina LEAH KHAYE MAAMO CAPITO at si ARTURO MAAMO CAPITO III at 26 na taon ng
kasalukuyan pong naninirahan sa National Road Barangay Sulib, Pangil, Laguna at Presidente ng
JHICASSCO – JOHN HAILEY INTERNATIONAL CONSTRUCTION AND SOLAR SUPPLY CORPORATION (DESIGN
AND CONSULTANCY) Ako po ay ipinanganak sa Barangay San Agustin, Hagonoy, Bulacan anak nila Crispin
Santos Capito at Flordeliza Gutierrez Cabral. Nag aral po ako ng Elementarya sa Mababang Paaralan ng
San Agustin Elementary School at Sekondarya sa Hagonoy Institute, San Sebastian Hagonoy Bulacan
nagtapos po ng Kolehiyo sa Bulacan State University sa Kursong Industrial Electricity noong 1988,
nagsimula po kaming tumira dito sa bayan ng Pangil, Laguna noong taong 1992.

Nagsimula po akong magtrabaho sa isang travel Agency sa Pasong Tamo Makati sa Manila Asia Travel
Agency noong 1989 to 1996 at pagkatapos po nuon ay nagresign ako sa trabaho upang tulungan ko si
Dan Fernandez sa Pagtakbo niya sa ika-apat na Distrito ng Lalawigan ng Laguna bilang bokal at pinalad
naman po na nanalong bokal si Dan Fernanadez kaya po ako ay nakapagtrabaho sa kanyang tanggapan
sa Sanguniang Panlalawigan Bilang Chief of Staff mula po July 1, 1998 to June 30, 2001 at pagkatapos po
nuon ay nagtrabaho naman po ako bilang Consultant ng BARC –Barangay Agrarian Reform Council sa
Tanggapan ng Kalihim na si Roberto M. Pagdanganan mula May 1, 2003 hanggang December 31, 2003 at
pagkatapos po nuon ay kinausap ako ni Mayor Edwin L. Olivarez na tatakbong Bise Gobernador ng
Laguna para tumulong po sa kanyang kampanya at pinalad din po si Mayor Edwin Olivarez na maging
Bise Gobernador at nagtrabaho po ako sa kanya bilang External Affairs Officer ng Vice Governor’s Office
Mula July 1, 2004 hanggang June 30, 2007 pagkatapos po ng isang termino ni Vice Gov. Edwin L. Olivarez
kinuha po ako ni Gov Teresita S. Lazaro bilang Consultant for Special Project ako po ang taga lakad ng
mga proyekto sa ibat-ibang sangay ng gobyerno mula po January 5, 2009 hanggang December 30 2009.
At mula po 1998 kaalin sabay po ng pagiging Chief of Staff ko sa office po ni Senior Board Member Dan
S. Fernandez ako po ang napiling Provincial Coordinator ni Sen. Loren Legarda dito sa lalawigan ng
Laguna nagyatayo po kami dito ng Luntiang Pilipinas, na nilahukan po noong ng mga Mayor dito sa ating
Lalawigan pero ito po ay ginawa sa bayan ng Sta. Cruz Laguna sa Barangay Callios. May mga proyekto
pong binigay ang mahal na senadora sa iba’t ibang bayan ng Laguna bilang ako po ang Provincial
Coordinator at sa Pangil, Laguna po ako nakatira lagi pong prayoridad ang Bayan ng Pangil pagdating po
sa pagbibigay ng proyekto gaya po ng Classroom sa Barangay Isla, Sulib Elementary School, Barangay
Sulib at service po na multicab na napapunta sa engineering at mga relief goods po nung mga panahon
na nagkakaroon ng kalamidad dito sa ating bayan kasama din po ang repair ng school bldg. sa Brgy.
Dambo Elementary School. At naging coordinator din po ako ni Sen. Bong Revilla na nagbigay din po dito
sa Bayan ng Pangil ng mga proyekto taong 2011 at nagtrabaho din po sa office ni Assistant Regional
Director Roberto R. Bernardo sa DPWH Region 4-A hanggang kunin po siya ni Mayor Joseph Estrada sa
City Hall ng Maynila Bilang OIC City Engineer. At pagkatapos po nuon ay nag resign na ako at Pinasok ko
po ang larangang ng Pangunguntrata ng Dam, Kalsada, Solar Panel, Solar Street Light nagtayo po ako ng
kumpanya noong taong 2015 may mga proyekto po akong nagawa sa Bicol, Manila at sa Lalawigan ng
Laguna. Bilang ako po ay mamamayan ng Bayan ng Pangil Laguna binubuksan ko po sa inyo ang aking
puso na handing maglingkod at gusto ko pong ibahagi ang aking mga natutuhan at mga karanasan at
koneksyon. Ako po ang magsisilbing tulay ng Bayan ng Pangil upang dumaloy ang mga pagpapalang
galling sa mataas na pamahalaan na magdadala ng maraming proyekto na makapgpapa-unlad na ang
makikinabang ay ang karamihan nating mga kababayan dito sa bayan ng Pangil, Laguna

Akin pong inilalahad sa inyo ang aking gagawin para sa Bayan ng Pangil, Laguna

1. Housing Project – Pabahay para sa mga walang bahay nating mahihirap na mamamayan.

2. Jobs Opportunity – Trabaho local and abroad, trabaho para sa walang trabaho
3. Water Facilities – Maayos, Malinis at Masaganang Daloy ng tubig, tamang pagmementena ng mga
makina at dagdag pasilidad ng tubig upang wag kapusin ang bayan ng Pangil sa supply ng malinis na
tubig.

4. Food security – Titiyakin nating walang magugutom na mamamayang Pangileño, pupuntahan natin
bahay bahay at aalamin kung sino-sino ang hindi kumakain at kumakain para malaman natin ang tunay
na kalagayan ng mamamayang Panguileño.

5. Livelihood Projects – Proyektong pangkabuhayan para sa ating mga mamamayan at ayudang


suportang pinansyal para sa pagtatayo pa ng mga negosyong makakatulong sa pamumuhay ng ating
mga mamamayan.

6. EDUCATION – Libreng pagpapa-aral at libreng baon (allowance) para sa mga kabataan nating average
lamang ang grade at marurunong na di kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.

7. Health – Magtatayo tayo ng Extension Health Center at titiyakin nating mapagsisilbihan ng maayos
ang ating mga mamamayan SERBISYONG MAY PUSO at SERBISYONG PANTAY-PANTAY, masaganang
gamut na magagamit ng ating mga mamamayan, gagawa din tayo ng GREEN HEALTH CARD SERBISYONG
MAY PUSO AT SERBISYONG PANTAY-PANTAY. Kumpletong Gamit na Dialysis Machine at X-ray Machine

8. PROPER WASTE MANAGEMENT FACILITIES, WASTE TO ENERGY SUN ENERGY and SOLAR PANEL

1. Tama at maayos na pasilidad para sa ating mga basura upang makaiwas ang mga Mamamayan ng
Pangil sa mga sakit na idudulot nito pagdating ng panahon at dina tayo kailangang magbayad sa Bayan
ng Sta. Cruz Laguna para lamang magtapon ng basura.

2. Maaari din nating maiconvert sa enerhiya ang ating basura na pwedeng mapakinabangang ng ating
mamamayan. Maaring gawing gasul o gasoline o kuryente.

3. Enerhiyang galling sa init ng araw libre at tunay na mapapakinabangang ng ating mga mamamayan at
walang dulot na masamang epekto sa kalusugan at sa ating kalikasan, magtatayo tayo ng isang malaking
solar farm or sisikapin nating mabigyan ng financial assistance ang mamamatang Panguileno para sa
pagbili ng mga solar panel na pedeng makabawas sa pasanin ng pagbabayad ng mataas na bill ng
kuryente

9. Senior Citizen – Sisiguruhin nating makakarating ng tiyak, tama, di naaantala at walang bawas ang
mga benepisyo para sa ating mga matatandang mamamayang Panguilenio at ang aking sueldo ay
ibibigay ko sa kanila para sa karagdagan nilang pondo. At dapat lahat ng may edad na 60 ay
makatanggap ng pension.

10. Protection for women and youth – Titiyakin nating walang aapihin o sasaktan ng kani-kanilang mga
asawa lahat ng mamamayang babae at mga anak nila sa Bayan ng Pangil. At gayon din sa mga taong
masasama at mapang-abuso sa ating mga kababaihan at mga kabataan.

11. Peace and order – kapayapaan at kaayusan, gagawa tayo ng isang TASK FORCE “SERBISYONG MAY
PUSO” upang mangalaga sa kaayusan at kapayapaan ng ating bayan, at prayoridad dito ang mga
mamamayang Panguileño at mga dayuhang mangangalakal na pupunta dito para magnegosyo

12. More infrastructure projects – Roads, Canals, Irrigation Canals, School Buildings, Covered Courts and
Multi-Purpose Bldg. Coming from different National Office.
13. ONE SHOP GOVERNMENT CONSTRUCTION OF WORLD CLASS NEW MUNICIPAL HALL, NEW
SANGGUNIANG BAYAN HALL, WITH THE OFFICE VICE MAYOR AND COUNCILORS, NEW ABC HALL WITH
THE OFFICE OF 8 BARANGAY CAPTAIN’S, NEW SK HALL, NEW POLICE STATION HALL, NEW HALL OF
JUSTICE, NEW SENIOR CITIZEN BLDG. PWD HALL, NEW PANGIL CONVENTION CENTER AND LEAGUES OF
KAGAWAD ASSOCIATION HALL. Pag-sasama samahin nating sa isang lugar ang mga tanggapang ito
upang maging madali ang pagkilos ng ating mga kabayan dito sa Bayan ng Pangil.

14. Save and protect our environment – tamang pangangalaga sa kalikasan, pagtatanim ng maraming
punong kahoy sa kagubatan at sa kapatagan, hangga’t maari ipag-bawal ang pagputol ng punong kahoy
at mga pag uuling na nakakasira ng kalikasan

15. Construction of new public market and trading post center

16. Agricultural improvements to modern technology- pagtatanim ng mga produktong prutas, gulay at
palay sa makabagong pamamaraan at paglinang sa ating mga lupain upang mapayabong ang mga
pananim at pagbibigay pa ng ayuda sa mga magtatanim para sa ika-uunlad ng kanilang pamumuhay at
ihanap natin ng magandang market ang kanilang mga pananim

1 . libreng insurance para sa

ating mga magsasaka, mangingisda at mga nagta-trabaho sa kabundukan. At libreng insurance para sa
mga TODA at Tribike sa buong Bayan ng Pangil.

Mga PROJECT na naibigay natin sa bayan ng Pangil, Laguna

1. 1 Classroom Brgy. Sulib galling kay Sen. Loren Legarda

2 1 Classroom Brgy. Isla, Balian Community College galling kay Sen Bong Revilla.

3. Repair of School Bldg. Brgy. Dambo, Galing kay Sen. Loren Legarda

4. 1 Unit of Multi-Cab naibigay sa Engineering Office time of Engr. Ramon Edra. Galing kay Sen. Loren
Legarda.

5. P100, 000 Medicines na ipinamigay sa 8 Barangays ng Pangil, Laguna sa AVE PARTYLIST

6. Mga medalya at tropies na galling sa isang malaking medical mission handog ng KALINGA PARTYLIST

7. 1,901,000.00 Water System of different Barangays of Pangil, Laguna

8. 5,000.000.00 Water Impounding Facilities Natividad Ext. going to Piit.

Anda mungkin juga menyukai