Anda di halaman 1dari 3

Ano ang Apostolado ng Panalangin?

Ang Apostolado ng Panalangin ay isang pandaigdigang pamayanan ng panalangin na


tumutugon sa kinakaharap na mga hamon ng sangkatauhan at misyon ng Simbahan, na
ipinahahayag sa buwanang mga adhikain ng Santo Papa. Naghahandog ng kanilang buhay
araw-araw ang mga kasangkot sa gawaing ito na nakikipagtulungan kay Hesus na nabuhay
personal na pagtatalaga ng pag-ibig na sinasagisag ng Kanyang Puso. Ito ang espiritwalidad na
iminumungkahi ng Simbahan sa lahat ng Kristriyano upang maging mga kaibigan at mga
apostol ni Kristo Hesus sa araw-araw na buhay.

Pananaw ng AP

Pamayanan ng nananalanging mga alagad


na sumusunod sa paraan ng Puso
na nag-aalay ng kanilang araw-araw na buhay
para sa Simbahan sa pamamagitan ng
buwanang mga adhikain ng Santo Papa
at inihahanda ang kanilang sarili
para sa anumang misyon

Misyon ng AP

Kilalanin, mahalin, sambahin, paglingkuran


at ipahayag (KMSPI)
si Kristo Hesus sa Kanyang Banal na Puso
at sa Banal na Eukaristiya

Layunin ng AP

1.) Magturo sa mananampalataya ng apostolikong panalangin.


2.) Palaganapin ang apostolikong pamumuhay.
3.) Palaganapin ang mapagmahal na paglilingokd sa kapwa.

MUNGKAHING DALOY NG BUWANANG PAGPUPULONG:

1. Panimulang Panalangin
2. Banggitin ang Pangkalahatan at Pang-Ebanghelisasyong mga adhikain nang walang
paliwanag sa pagdarasal ng Pag-aalay sa Araw-araw.
3. Basahin ang Pangkalahatan at Pang-Ebanghelisasyong mga adhikaing may kasunod na
komentaryong pastoral at paliwanag.
4. Ang tugon ng grupo sa mga adhikain ng Santo Papa.
5. Pagbasa mula sa Banal na Kasulatan.
6. Personal na Pagbabahagi.
 Gawing maikli ang pagbabahaginan.
 Nakatuon sa sariling karanasan sa Diyos at sariling buhay.
 Panatilihing lihim.
 Making na mabuti.
 Tahimik na pagninilay ng Grupo pagkatapos ng bahaginan.
7. Pagpupulong
 Pagtawag sa mga kasaping dumalo
 Pagbasa sa katitikan ng huling pagpupulong
 Pagtatalakay sa mga bagay na binasa sa katitikan at pagpapatibay
 Pagtalakay sa mga bagong bagay na pag-uusapan (agenda)
 Pagpapahayag, atbp.
 Isusulat ng kalihim ang katitikan ng katatapos na pulong ayon sa porma para sa
Buwanang pulong ng AP na matatagpuan sa huling pahina ng aklat na ito.
 Magsusulit ng isang kopya sa Tanggapan ng AP sa disosesis ang pangulo ng AP
sa parokya

3 Moments of Prayer

1.) SA SIMULA NG ARAW

Mag-alay sa Diyos, ang bukal at layunin ng aking buhay

Pag-aalay sa Araw-araw

O Hesus, sa pamamagitan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria, iniaalay ko sa Iyo ang aking


panalangin, gawain, kasiyahan, at tiisin sa araw na ito, kaanib ng Banal na Sakripisyo ng Misa
sa buong daigdig. Iniaalay ito ko ito ukol sa lahat ng adhikain ng iyong Mahal na Puso: para
sa kaligtasan ng mga kaluluwa, pagbabayad-puri sa kasalanan, at pagsasama-sama ng lahat ng
Kristiyano. Iniaalay ko ito ukol sa adhikain ng mga Obispo, Kaparian, at ng lahat na kasapi sa
Apostolado ng Panalangin, at lalung-lalo na, ukol sa mga adhikain ng Santo Papa para
sa buwan na ito.

2.) SA BUONG ARAW

“Matagpuan ang Diyos sa lahat ng bagay”


Mahal na Hesus, inialay ko na sa iyo ang banal na araw na ito. Banal din ang daigdig
sapagka’t ito’y nilikha mo. Matatagpuan, mamahalin at paglilingkuran Kita sa lahat
ng bagay. Matatagpuan kitang nananahan, gumagawa, nagmamahal sa akin, sa
pamamagitan ng iba’t-ibang tao, pangyayari at kalagayan, sa hirap man o ligaya. Ginagawa
mo na ang lahat ay patungo sa akong ikabubuti at iyong ikaluluwalhati.

3.) SA KATAPUSAN NG ARAW

Magbalik-tanaw upang MAS HIGIT na mahalin ang Diyos

(Para kay San Ignacio ito ang pinakamahalaga sa lahat ng mga panalangin)

Presensiya – ilalagay ko ang aking sarili sa presensya ng kadakilaan ng Diyos. Lumikha ng


sanlibutan, Panginoon ng Kasaysayan, na nagpapakumbaba sa kabila ng akong kaliitan na
makasama ko.

Pasasalamat – babalikan ko ang buong araw upang Makita kung paano ako minahal at
pinagpala ng Diyos sa pamamagitan ng iba’t-ibang tao, pangyayari sa sitwasyon, malungkot
man o masaya.

Patawad – hihingin ko ang patawad ng Diyos at kapwa. Patatawarin ko din ang mga tao
nagkulang o nakasakit sa akin sa araw na ito.

Pagkatiwala – ipagkakatiwala ko sa pagmamahal, kapangyarihan, at karunungan ng Diyos


ang aking mga alalahanin, suliranin, gawain, ang mga taong mahal ko, at ang mga
nangangailangan ng panalangin.

Pagtitika – muling iaalay ko ang aking sarili sa Diyos na kahulugan ng aking buhay: ako’y
nilikha upang Siya’y makilala, mahalin, sambahin, paglingkuran, at ipagbunyi. Dahil sa pag-ibig
hahanap ako ng ISANG magagawa ko upang MAS HIGIT kong mahalin at paglingkuran ang
Diyos.

Anda mungkin juga menyukai