Anda di halaman 1dari 2

I.

PANIMULA

Mga Tauhan:

Lea - Ang bida at bayani sa nobela

Maya - Anak na babae ni Lea

Ojie - Anak na lalaki ni Lea

Ding - Lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya

Raffy - Unang asawa ni Lea, ama ni Ojie

Johnny - Kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea

Tagpuan:

Ang istorya ay umiikot sa tipikal na pamumuhay ng karaniwang pamilyang Filipino sa loob ng tahanan at
maging sa paaralan, na kung saan ay nagtratrabaho ang pangunahing tauhan.

Buod:

Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak niyang si Maya mula sakindergarten.
Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay niLea, ang buhay
niya ay may kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at sapakikipagtulungan niya sa isang
samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anakniya at nakikita niya ang mga
pagbabago sa mga ito. Naroroon ang mga pagbabago ng mga ugali ng mgaito: si Maya, isang paslit na
may kuryosidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang ganap na lalaki.Di inaasahang bumalik ang dating
asawa ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na nagbabalaksanang kunin ito at dadalhin sa Estados Unidos.
Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama itoang kanyang mga anak ng mga ama nito.
Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho atsamahan na kanyang tinutulungan.Sa
banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang pagpapasyang hindi niya giniit sa mgaito. Isa
pa ring pagtatapos ng pag-aaral ang laman ng huling kabanata kungsaan kinuhang panauhingpandangal
si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kungpaano sadyang
kaybilis ng panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao.Nagiwan siya ng
mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula palamang ng mga
darating pang pagsubok sa buhay ng isang tao. Dala ang inosenteng tanong na.. “Bata,bata pa’no ka
ginawa?”

II. PANUNURI

Anda mungkin juga menyukai