Anda di halaman 1dari 3

Araling Panlipunan Practice Test

Question 1.
Paano mo ilalarawan ang iyong paaralan?
( ) maayos
( ) malinis
( ) maganda
Question 2.
Bakit mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang batang tulad mo?
( ) dahil magkakaroon ako ng maraming kaibigan sa paaralan
( ) dahil dito ako natututo ng maraming bagay
( ) dahil dito ko naipapakita ang aking talento
Question 3.
Paano mo maipapakitang mahalaga sa iyo ang paaralan mo?
( ) magtatapon ng basura sa tamang lagayan
( ) buong puso ko itong ipagmamalaki kahit kanino
( ) mag-aaral akong mabuti
Question 4.
Paano mo mapapaunlad ang iyong sarili?
( ) mamasyal
( ) mag-aral
( ) magsalita
Question 5.
Dito masayang naglalaro ang mga bata kapag tapos na ang kanilang mga aralin.
( ) kapilya
( ) palaruan
( ) kantina
Question 6.
Sa bahaging ito ng paaralan bumibili ng pagkainat kumakain ang mga mag-aaral.
( ) kapilya
( ) palaruan
( ) kantina
Question 7.
Nagpapasalamat tayo sa ating guro dahil ____________________
( ) inuutusan nila tayong maging mabait
( ) minamahal nila tayo
( ) tinuturuan nila tayong bumasa at sumulat

Created with Free QuizMaker www.ispringsolutions.com


Araling Panlipunan Practice Test

Question 8.
Sumagot si Nena sa tanong ng guro. Mali ang sagot niya kaya pinagtawanan siya ng mga kaklase ninyong lalaki.
Ano ang gagawin mo?
( ) tatahimik ako at hindi ko papansinin ang nangyayari
( ) Pakikiusapan ko ang aking mga kaklase na huwag pagtawanan si Nena
( ) lalapitan ko si Nena at yayakapin
Question 9.
Paano mo matutupad ng maayos at may kagalingan ang iyong tungkulin sa paaralan?
( ) Igalang ang guro at pinuno rito
( ) Mag-aaral ng mabuti araw-araw
( ) Maging modelo sa pagsuot ng uniporme
Question 10.
Dito ginagawa ang mga gawaing kaugnay ng relihiyon tulad ng pagsisimba o pagsamba.
( ) palaruan
( ) kantina
( ) kapilya
Question 11.
Dito binibgyang lunas o gamot ang mga simpleng sakit ng mga mag-aaral.
( ) palaruan
( ) klinika
( ) kapilya
Question 12.
Alin sa mga sumusunod na bahagi ng paaralan ang silid ng mga aklat at magasing nagagamit ng mga mag-aaral sa
pag-aaral?
( ) silid-aklatan
( ) silid-aralan
( ) klinika
Question 13.
Dito nagtuturo ang mga guro at natututo ang mga mag-aaral.
( ) silid-aklatan
( ) silid-aralan
( ) klinika
Question 14.
Ito ang silid na may katulad ng nasa isang tunay na bahay. Nagagamit ito ng mga mag-aaral tulad ng pagluluto.
( ) Science Laboratory
( ) Home Economics Room
( ) Computer Room

Created with Free QuizMaker www.ispringsolutions.com


Araling Panlipunan Practice Test
Question 15.
Dito ginagawa ang malalaking okasyon tulad ng pagtatapos o graduation.
( ) auditorium
( ) Home Economics Room
( ) Computer Room
Question 16.
Tama ba na maging masipag tayong mag-aaral?
( ) Opo
( ) Hindi po
( ) Maaari po
Question 17.
Ano ang mainam na gawin para mapatunayan na ikaw ay masipag na mag-aaral?
( ) mag-aaral kapag may regalo
( ) mag-aaral palagi
( ) mag-aaral paminsan-minsan
Question 18.
Saan mo dapat ilagay ang iyong mga aklat at kwaderno bago pumasok at pagkatapos ng klase?
( ) pencil case
( ) bag
( ) lunch box
Question 19.
Sino ang batang nagpapanatili ng kalinisan sa kanyang silid-aralan?
( ) Pinupulot ni Karen ang mga nakakalat na papel at itinatapon sa basurahan
( ) Itinago ni Bryan ang balat ng kendi sa upuan
( ) Sinipa ni Manny ang kalat sa kabilang upuan

II – Isulat kung malayo o malapit ang distansya batay sa paraan o sa uri ng transportasyon

_________________ 1. Papasok na si mama at papa sa opisina. Sila ay maagang umalis at sumakay ng bus patungo
sa opisina.

_________________ 2. Kami ay naglakad patungo sa bahay ni Lola Nanay at Lolo Tatay.

_________________ 3. Si Kuya Cocoy ay sumakay ng bisikleta patungo sa basketball court.

_________________ 4. Kami ay dadalaw sa aming lola na nakatira sa Leyte. Kami ay sasakay ng eroplano patungo
ng Leyte

_________________ 5. Magkikita si Mama at Papa sa Alabang. SUmakay si Mama ng taxi papuntang Alabang.

Created with Free QuizMaker www.ispringsolutions.com

Anda mungkin juga menyukai