Anda di halaman 1dari 1

ANG AKING BUHAY

Noong ako’y bata pa, mahilig ako maglaro


ng larong panlabas tulad ng pogs, uno at iba pa.
Mahilig ako makipagtaya-taya sa aking mga
kaibigan. Sa tuwing ako’y nakikipaglaro, hindi
ko maiwasang madapa. Hindi ko maiwasang
umiyak sa tuwing ako’y nagkakaroon ng sugat.
Pagkatapos non, ako ay maglalaro naman ng kompyuter. Lagi
akong nakikipaglaro ng kompyuter sa aking mga kapatid, ito
yung mga panahong usong-uso pa ang dota. Kapag ako’y
natatalo ng aking mga kapatid, sinusumbong ko sila sa aking
mga magulang.

Habang ako’y nagbibinata na, unti-unti


akong nagiging matured, pisikal at sa pag-
iisip. Unti-unti kong naiisip ang mga bagay
na ginagawa ko noong ako’y bata pa,
sapagkat hindi ko na pwedeng gawin yon
ngayon kase ako’y mag-mumukang isip bata
parin. Dahil dito, nagkaroon ako ng
pangarap sa buhay, at yun yung maging
isang Developer. Ito ang aking aabutin kapag ako’y naka pasa
na ng High school at College. Ito ang aking pinaghihirapan dahil
ito ang aking gusto. Ito ang dahilan kung bakit ako naghihirap,
pero sa huli magiging sulit naman lahat ng paghihirap sapagkat
pag naabot ko na ito, maraming pakikipagsapalaran nanaman
ang gagawin ko.

Ang maging isang developer, ang aking nais


pagdating ng panahon. Ito ang aking
hinaharap. Ito ang ninanais ko sapagkat
mahilig ako mag kompyuter, at dahil dito,
mas mapapalawak ko pa ang aking kaalaman
tungkol sa kompyuter.

Anda mungkin juga menyukai