Anda di halaman 1dari 6

Ang mitolohiya ay isang uri ng panitikan kung saan ang kadalasang paksa nito ay

ritwal at mga moralidad ng mga sinaunang diyos at diyosa. Kapareho ng iba pang mga
kuwento, ang mga elementong bumubuo ng mitolohiya ay ang mga tauhan, tagpuan,
banghay, at tema.

HALIMBAWA NG KWENTO NG MITOLOHIYA

. "TATLONG LALAKING MATIGAS ANG ULO" May isang binatang nagmana ng sandaang ulo
ng baka nang mamatay ang kanyang mga magulang. Siya’y naging malungkutin kaya ninais
niyang mag-asawa. Siya’y nagpatulong sa kanyang mga kapitbahay sa paghanap ng
makakasama habang buhay.May kapitbahay na naghimatong sa kanya, May nakita akong
dalagang kanais-nais para sa iyo. Siya’y maganda, mahusay at matalino. Ang kanyang ama ay
napakayaman at nagmamay-ari ng anim na libong ulong hayop. Ang lalaki ay natuwa nang
marinig ang balita at nagtanong, Gaano ang ibabayad na dote? Gusto ng ama’y isang daang
baka, ang sagot. Sandaang baka? Iyan lamang ang bilang ng aking mga hayop! Paano kami
mabubuhay? Tanong ng binata. Pasyahan mo at sasabihin ko sa ama ang iyong kasagutan sa
lalong madaling panahon, sabi ng kapitbahay.Nag-isip ang binata at nagsalita, Hindi ako
maaaring mabuhay na wala siya. Siya’y aking pakakasalan! Sabihin mo sa ama.Sa madali’t
sabi ang dalawa’y pinagtaling-puso. Sila’y namuhay nang sarili at dumating ang
pagkakataong sila’y naubusan ng pagkain kaya ang lalaki’y nagpastol ng hayop para sa
kapitbahay upang may maipag-agdong-buhay. Ang kanyang kinikita ay hindi sapat sa buhay-
maharlika ng asawa.Isang araw, nang ang babae ay nakaupo sa labas ng tahanan, may isang
di-kilalang dumating na naganyak ng kanyang kagandahan. Siya’y nagpahayag ng kanyang
paghanga at pag-ibig. Ang sagot ng babae’y magbalik ang lalaki sa ibangVaraw.Lumipas ang
ilang buwan. Ang ama ng babae ay dumalaw sa anak. Ang babae ay napahiya sapagkat
walang pagkaing maialok sa ama. Nagkataong noon ding araw na iyon ay siya ring pagdating
ng lalaking nag-alok ng kanyang pag-ibig. Napa-oo ang babae sa lalaki kung ang huli ay
magbibigay ng karneng lulutuin para sa pagkain ng kanyang ama.Nang magbalik ang
mangingibig, siya’y may dalang ulam. Niluto ito ng babae. Siya namang pagdating ng asawa.
Ang tatlo’y nagsalo sa hapag samantalang ang lalaking mangingibig ay nasa labas.
Inanyayahan ng asawang lalaki ang estranhero na umupo at sumalo sa pagkain.Nang ang
lahat ay handa na sa mesa,nagsalita ang babae, Magsikain kayo, mga hangal! Pulos kayong
luko-luko!Bakit ‘kamo kami’y luko-luko? ang sabay-sabay na usisa ng tatlo. Ama, sagot ng
anak, ikaw ay tanga sapagkat ipinagbili mo ang mahalaga upang makamtam mo ang walang
kahulugan. Ipinagbili mo ang iyong kaisa-isang anak sa halagang isang daang baka gayong
ikaw ay mayroon nang anim na libong ulo.Tama ka, sang-ayon ng ama. talagang ako’y isang
tanga. At ikaw naman, aking asawa, ang patuloy, nagmana ka ng isang daang ulo ng hayop at
ang lahat ng mga ito ay ginugol mo para sa akin hanggang tayo’y walang makain. Maaaring
magkaasawa ka ng ibang babae sa halagang sampu o dalawampung baka lamang. Kaya ikaw
ay torpe at loko rin! At bakit pati ako? tanong ng estranghero. Ikaw ang pinakaloko sa lahat.
Akala mo ay mapapalit mo ng kapirasong karne ang bagay na binili ng sandaang baka. Ang
estranghero ay napahiya at noondi’y lumisan.Bumaling ang ama sa anak, ikaw, aking anak ay
matalino. Pagdating ko sa bahay, padadalhan ko ang iyong asawa ng tatlong daang baka
upang kayo’y mamuhay nang maginhawa.

1. Ritwal -
2. Moralidad –
3. Naghimatong –
4. Maipag-agdong-buhay –
5. Nagpastol -
6. Ginugol –
Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan (kalimitan ay maikling kuwento lamang)
at pasalin-salin na panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Ang mga ninunong manlalakbay sa Pilipinas gaya ng mga Indones at Malay ay ang
nag-impluwensya sa ating mga alamat tungkol sa mga anito, bathala, at / o dakilang
lumikha. Ang alamat ay legend sa Ingles. Ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng isang
salaysay na nagtatampok ng mga pagkilos at mga kasaysayan ng mga tao.

Ang mga naratibo ng alamat ay nagtataglay ng ilang mga matatalinghagang katangian


na magbibigay kulay sa mga kuwento sa anyo ng katotohanan. Ang madalas na
pagkukwento talaga ng mga alamat ay pasalita. Nagpapasalin-salin lang ang mga kwentong
ito at ipinapasa’t ipinamamana sa mga henerasyon.

Sa katunayan, ang alamat ay para sa mga aktibo ang mga hiraya. Kapag sinabing
hiraya, imagination iyon. Okay? Ang alamat ay para sa mga aktibo ang mga hiraya dahil
kinabibilangan ito ng mga kathang-isip na pangyayari na silang nasa labas ng "posibilidad"
ngunit maaaring kabilang ang mga himala.

Isa pang katotohanan, dahil sa pagpapasalin-salin nito, ang mga alamat ay maaaring
baguhin sa paglipas ng panahon. Ito ay para mapanatili na sariwa ang mga kuwento.
Kumbaga sa salitang mas gets niyo, updated. Dapat updated din ang mga alamat lalo at ito
ay mahalaga sa buhay at may mapupulutan ng aral.

Ang Alamat ng Pitong Makasalanan

Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na
dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Ang
kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa gawing hilagang-silangan
ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng isla ng Panay. Araw-araw makikita ang pitong dalagang
masayang nagsasagawa ng mga gawaing-bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at
nagtatampisaw o masayang lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Tila sila mga
nimpang kay gaganda habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.

Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan kundi
maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay
dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang
napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang ikinakatakot ay ang
makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa
kanya. “Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito
lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili
habang pinagmasdan ang kanyang mga anak na abala sa mga gawaing-bahay.

Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang


dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga
dalaga kaya’t nagsadya sila sa baying iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para
makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka.

“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga. Sinamantala ng
magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling
gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa
kanilang tahanan.

Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang
kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang
pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kanyang
pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kanyang maliit na bangka
kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga
anak.

Buong pait na lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “Mga anak,
huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang katapusang pagsigaw at
pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng
walang turing niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa
labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang matanda kundi
lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging ang kalangitan
sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay biglang napalitan ng nagdilim na himpapawid.
Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na dagundong ng kulog. Biglang
pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang matanda kundi umuwi na lamang.

Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimihik at napakalungkot na tahanan ang


kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Wari’y
sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa bubungan ng kanyang ulilang tahanan ang
walang katapusang pagluha ng kaawa-awang matanda. Labi-labis ang kanyang kalungkutan
at pangungulila sa kanyang mga anak. Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang
kanila pa ring kaligtasan ang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang
nasalubong sa paglalakbay.

Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda. Inisip


niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa sama ng panahon nang
nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa ang kanyang mga anak. Subalit anong laking
pagtataka niya nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa
gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya
nangisda kahapon at alam niyang walang islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw.

Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyag puso ang mabilis
na paggaod papunta sa mga mumunting isla. Anong laking panlulumo niya nang makita ang
nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak na nakalutang sa paligid.
Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang kanyang mga anak na dalaga.
Humagulgol ang matanda. Parang nahulaan niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga
anak nang ang sinasakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng
biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan
kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.

Ang mga mumunting isla ay tinwag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong
Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail na
dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

Elemento ng Alamat:

1. SIMULA

a) Tauhan - karakter sa kwento

b) Tagpuan - lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento

c) Suliranin - problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento

2. GITNA
a) Saglit na kasiglahan - kasiglahan sa kwento ngunit biglang papawiin ng isang masamang
pangyayari.

b) Tunggalian - paghaharap o pag-aaway ng mga karakter

c) Kasukdulan - pinakamagandang parte o bahagi ng istorya

3. WAKAS

a) Kakalasan - unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan

b) Katapusan - kung saan nagtatapos at natatpos ang isang kwneto

Anda mungkin juga menyukai