Anda di halaman 1dari 4

Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran

ni: Gordon Fillman


Isinalin ni Pat V. Villafuerte
Kurdish, Persian, Iraqi, Amerikano, at Ashkenazic Israeli Jews- mga kapitbahay ng nagsasalita

Perez- inaakalang kumakatawan sa mga sekular, cosmopolitan, mapayapang mamamayan sa


mundo na nangangahulugan na magtatanggol ng proseso ng kapayapaan sa Israel.

Netanyahu- mamamahala sa mga Israel, upang ang kanilang kawalang-galang ay mawala.

Ashkenazim- kinatawan ng mga nakapag-aral na esraelitas

Europeong Hudyo

Aprikano

Asyano

Afro-Asian (a.k.a Sephardic, Oriental, Eastern, at Mizrachi ) Jews

Paula Ben-Gurion- asawa ng Unang Kataas-taasang Ministro ng Israel

Tauhan
Naganap ang kwento noong Banal na Araw sa Jerusalem
Panahon
Nang mapapunta ang kanilang usapan sa mga Persiano, sinabi ng kilala sa akademiko na ang
mga Persiano ang pinakamasama sa lahat, at alam ito ng lahat ng tao.
Reaksyon
Bunga
Sa Israel naganap ang kwento partikular sa kabisera nito na ang Jerusalem
Lugar
Panimulang Pangyayari
Tao laban sa Tao
Suliranin
Damdamin
Itinanggi ng pangunahing tauhan ang paratang sa mga Persiano. At siya ay nagsimula ng
tumalakay tungkol sa paglilingkod ng iba’t ibang mga lahi tulad ng mga Afro-Asian Jews, na
kung saan tinalakay niya kung ano ang kinalabasan ng botohan ng mga Israelitas kay
Netanyahu. May mga nasumagot ng masigla kay Netanyahu at mayroon din namang nagalit,
kasama si Perez, na siya namang ikinasama ng loob sa kanya ng iba pang mga tao.

Sunod naman niyang tinalakay ang edukasyon, na may lumalabas na paboritismo sa


paghahanap ng mabuting paaralan at pagtanggap ng mga tao sa pamantasan at programang
propesyonal.
Tinalakay niya uli ang mga Afro-Asian Jews sa paksa namang pagsisilbi, na ang mga mga
tagapaglingkod sa lipunan ay kinagagalit ang pagpapasakitan sa kanila ng kanilang mga
pinagsisilbihan na nakgdudulot ng kasiraan ng kanilang mga loob.

Pagtatangka
1. Tungkol saan ang akdang binasa?
Ang sanaysay na nagngangalang “Usok at Salamin: Tagapaglingkod at Pinaglilingkuran” ay
tungkol sa isang tao na nakatira sa Israel partikular sa Jerusalem, na may mga kapitbahay na
nagmula sa iba’t ibang mga lugar, tumatalakay ito sa tradisyon, kultura ng iba’t ibang mga lahi,
na nahahaluan ng pagdidiskiriminasyon, pagkkwestyon sa mga gawain at higit sa lahat tungkol
sa tagapaglinkod at ang pinaglilingkuran ng mga lahing nabanggit.

Nagsimula ang aksyon sa kwento nang yayain ang pangunahing tauhan na sumakay sa
sasakyan ng isa sa kilala sa akademyo doon at nakapagkwentuhan sila tungkol sa kapalaran ng
pagkakaroon niya ng mga kapitbahay na nagmula sa iba’t ibang mga lugar.
Diskriminasyon ang suliranin sa kwento. Ang suliranin ay kung paano mawawala ang
pagdidiskrimina sa ibang mga lahi. Racism kung tawagin, Kung saan ito ang pagkukumpara na
ang ibang mga lahi ay mas maganda at angat sa iba at ang pagmamaliit sa iba pang mga lahi.
Nagkaroon ng galit sa damdamin kung paano isalaysay ang mga nangyayari sa iba't ibang
lugar tulad ng Israel, US, Russi, at iba p, at dahil sa pagiging mapagmataas ng ibang basa sa
mga Tagapaglingkod.
Malalim na Pagtatalakay
2. Anong mga damdamin ng may-akda ang tinalakay sa sanaysay?
Para sa aming grupo ang damdamin ng may akda ay may pagkainis at lungkot sapagkat ,
ipinararating niya sa mga mambabasa ang mga detalye

3. Ihanay ang mga argumentong kapani-paniwala o di-kapani-paniwala sa binasang


akda. Ilahad ang iyong panig.

Kapani-paniwala:
“…ni hindi sila gumawa na tila pang-unawa, na sila ay magsimulang magkulang ng bilang laban
sa mga Afro-Asians, na ang edukasyon, klase, at paksa tungkol sa relihiyon ay maaaring mag-
udyok ng relasyong magkalaban na ang salitang maganda lamang sa pandinig at mga kamalian
ay mabawasan.”

“Mataas at katamtamang uri


ng tao, maipagmataas, at mapag-uri, iyan ang pinakamasama.”

Di kapani-paniwalang Argumento:
“Mga Persian: sila ang pinakamasama.”

7. Anong kultura ng mga Israeli ang katulad sa ating bansa? Tukuyin at paghambingin
ito.
Ang bansang Israel ay kilala sa pagiging relihiyoso, kaya nga tinawag ito na “Bansa ng mga
Hudyo”, dahil dito nakapaloob ang Jerusalem na siya namang kinikilalang lugar na kung saan
ipinanganak si Jesus. At katulad nating mga Pilipino malaking parte ang relihiyon sa ating
buhay , malaki ang paniniwala natin sa diyos na siya namang ikinapoareho natin sa mga Israeli.

Ano ang Sanaysay


Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw)
ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna,
opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng
nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Kahulugan ng Sanaysay

Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at


pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang
isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan
lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga
mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may
layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.

Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa ng
mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.

Mga Uri ng Sanaysay

Sulating Pormal o Maanyo

Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay
at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat.
Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na
kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Sulating Di-pormal o Impormal

Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon,


kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang
obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o
mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay
naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na
nakikita at nararanasan ng may akda.

at 1:02 PM

Ang Usok at Salamin ay isang akdang isinulat ni Gordon Fillman na isinalin sa wikang Filipino ni
Pat V. Villafuerte.
Ang paksa ng akdang ito ay tungkol sa karanasan ng tagapagsalita sa kwento sa bansang
Herusalem. Ang tono ng kwentong ito ay maabentura o may abentura.
Ang salitang botohan ay tumutukoy sa proseso ng pagpili ng isang bagay ayon sa gusto ng
nakararami.

Ito ay madalas na ginagamit sa pagpili ng kawani ng gobyerno o mga politiko. Ang mga tao ay
may karapatang sumali sa botohan upang piliin kung sino sa tingin nila ang nararapat sa
posisyon. Matapos mabilang ang mga boto, ang taong may pinakamaraming boto mula sa
taong bayan, ang siyang tatanghaling nanalo.

Botohan

Kahulugan: Ito ay isang sistema kung saan pinipili o hinihirang ang anumang bagay na
nakakuha ng maraming puntos mula sa pagpili ng mga tao

Bisa sa akda: isa sa paksa sa akda

Istraktura ng salita: Ito ay isang pangngalan.

Pinagmulang wika: Ito ay may mula sa salitang ugat na boto.

Anda mungkin juga menyukai